"Are you ready for the ride, lover boy?" bigkas ni Ari pagkakita kay Steve mula sa labas ng gate. Nakatayo ang dalaga sa black jimny nito habang matiyagang naghihintay sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Akala niya ay tatantanan na siya nito matapos ang nangyari kahapon, pero nagkamali siya. He underestimated this lady at all.
"Ikaw na naman?! Kailan mo ba ako lulubayan? Gusto mo ulit magpakain ng mga alaga ko?" ani Steve. "Kasi kung gusto mo pwede kang maiwan dito para alagaan sila habang nasa trabaho ako.'
"Nope, I want to give you a ride, let's go?" yakag nito.
"Tapatin mo nga ako, ano bang intensyon mo sa paglapit-lapit sa akin?"
"I want to be your friend because I like you!" tahasang sambit nito.
"Are you crazy?"
"Maybe?"
"Stay away from me, pwede ba?"
"Ayoko nga, I find you interesting, funny, and amazing! I want to stick with you like a booger in your nose every morning."
"Bahala ka sa buhay mo, ngayon pa lang wala kang mapapala sa akin. Adios!" aniya sa dalaga. Mabilis siyang sumakay sa motor niya at pinaarangkada ito papalayo. Ngunit mabilis ring pinasibad ng dalaga ang sasakyan nito at sumunod sa kanya.
"Pambihirang babaeng ito, masyado talagang makulit." aniya habang nakatingin sa nakasunod na dalaga.
Pagdating niya sa trabaho ay mabilis ring umibis ang dalaga sa sasakyan nito. Kinuha nito ang dalawang basket sa sasakyan at pumasok sa station.
"I have a free breakfast for everyone, I made this myself, I can assure you guys that this is clean and healthy foods." malakas na sambit ng dalaga kaya lahat ng naroon ay napatingin rito. Nagprepara ang dalaga ng sandwhich and tea para sa lahat. "I also have hibiscus tea in my car at kung gusto ninyo you can get it there, it's a little bit heavy so I need a gentleman para kunin sa kotse ko, any volunteer?"
Nagkatinginan silang lahat, kapagkakuwa'y may tumalimang isa para kunin ang sinasabi ng dalaga.
"Sino ka ba Miss at bakit mo ito ginagawa?" tanong ng isang lalaki.
"Just call me Ari, and I am courting Steve." prangkang sagot ng dalaga sabay kindat sa binata na halos namumula na sa hiya. "Please help me win his heart, he's a little bit pakipot,"
"Anong ginagawa mo? Baliw ka na ba talaga?" nandidilat na sita niya sa dalaga ngunit nginitian lang siya nito. Inasikaso na nito ang ilang kasamahan na dinumog ang dalang pagkain ng dalaga.
"Mukhang matatalo ka sa pustahan natin, p're ah." tudyo ni Aidan sa kanya.
"That's impossible!"
"I don't think so," pilit ni Aidan. "Ngapala have you seen Kian?"
"Hindi, kadarating ko lang, bakit?"
"Nakita ko na 'yon kanina, bigla naman nawala."
"Baka sa banyo lang at tinatawag ng kalikasan,"
"Baka nga, sige p're asikasuhin mo muna 'yang manliligaw mo. Pasok muna ako sa loob." paalam ni Aidan.
Samantala sa gitna ng kasiyahan ng mga tao ay nasa sulok lamang si Kian habang nakatitig sa maamong mukha ng babae na laman ng kanyang puso at panaginip. Naroon siya pagdating pa lang ng dalaga at malinaw niyang narinig ang sinabi nitong panliligaw kay Steve.
Kaya ba nakikita rin niya si Steve sa bahay ng dalaga noon? Pero paanong ang dalaga ang manliligaw imbes na ang binata? Ano ang nangyayari? Ibig bang sabihin nito ay wala na siyang pag-asa talaga sa sinisinta? Akala niya ba ay babalik na ito sa Japan, bakit ito nakatayo sa kanilang harapan at namimigay pa ng almusal?
Lumipad ang tingin niya kay Steve na nakatulala rin sa kinatatayuan nito. Hindi niya alam kung babatiin ang kaibigan o sasapakin niya ito dahil inagaw nito si Aria.
"Kian, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Kumain ka na ba? May babae na namimigay ng pagkain, baka gusto mo?"
"Huwag na p're, salamat pero busog ako" tanggi niya.
"Ganoon ba? i-congratulate mo mamaya si Steve dahil mukhang magkaka girlfriend na ang loko." natatawang sabi nito.
"Bakit ko gagawin 'yon? Bahala siya sa buhay niya!" pagalit niyang sagot sabay bira ng alis. Naiwan si Aidan na nagulat sa inasal ng kaibigan.
"Anong problema ng mokong na 'yon?"
"Where you at?" ani ng babae sa kabilang linya. Hindi pa siya tapos mamigay ng free meals ng makatanggap ng tawag mula sa kapatid.
"Since when do I have to tell you my whereabouts?"
"Ari, alam mong delikado sa'yo ang panay gala. I told you, sumunod ka na sa'kin dito sa Japan. Pumayag ka na hindi ba? Ang sabi mo lang ay may aasikasuhin ka riyan and as soon as matapos, susunod ka na rito."
"I know, but some plans is bound to change. I want to stay here."
"Are you nuts?! Alam mong delikado ang buhay mo riyan. Hindi ba't malakas ang suspetsa natin na sinadya ang sunog sa bahay. Your putting your life in danger!"
"I know what I'm doing and I can take care of myself. You don't have to worry, baka magkasakit ka pa sa kakaisip sa akin."
"May concern ka pa pala sa'kin, kung totoo 'yang pag-aalala mo. Sumunod ka na rito, now!"
"You know what? Let's talk about this later, okay? I'm busy right now."
"Wha-?'
Napapailing na lang siya matapos babaan ng telepono ang kapatid. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya pero ayaw niyang sumunod kaagad sa Japan. Tiningnan niya si Steve na tahimik na nag-aayos ng sarili sa sulok. She doesn't know why, but this man gives her the sense of security. May kung anong pumipigil sa kanya para lumabas ng bansa. Kahit pa sabihing she might be in grave danger sa pananatili sa Pinas.
Muli siyang napailing ng muling tumunog ang telepono at makita kung sino ang tumawag sa kanya.
"What is it, Kurt?" tipid niyang sabi.
"I've been trying to catch you at home, pero palagi kang wala. Saan ka ba nagpupunta at ang hirap mong hagilapin?"
"You're not my guardian, you t**t! Pwede ba, hindi tayo close. Huwag kang feeling concern sa akin dahil kung nabibilog mo ang ulo ng kapatid ko, pwes, huwag ako!" inis niyang wika.
"Kahit kailan talaga matalas ang dila mo. I'm your distant relative sa ayaw mo at sa gusto and I am just doing what your mom told me."
"Tell that to the marines!" galit niyang sabi. Hindi siya nito masisisi kung bakit magaspang ang pakikitungo niya rito. Alam nilang lahat na pera lang ang habol nito sa pamilya niya. Ang huling inuungot nito sa kanyang ina ay tulungan itong maging residente ng Japan ngunit tinanggihan ito ng ina dahil kilala nila ang karakas ng kamag-anak. Si Kurt din ang pinaghihinalaan nilang sumunog ng kanilang bahay sa pag-aakalang iyon lamang ang paraan para mag migrate silang magpamilya sa Japan at doon na manirahan kasama ito. But he was wrong, hindi nila ito hahayaang guluhin ang buhay nilang tahimik sa bansa ng kanilang ama.
"I think tapos na silang kumain ng inihanda mo, gusto ko pa ring magpasalamat sa generosity mo. At kung maaari sana ay huwag nang mauulit ito." pormal na wika ni Steve.
Tahimik niyang tinitigan ang binata at walang kibong umalis. Pupuntahan niya ang inupahan niyang private investigator para manghingi ng update sa kasong pinapalakad niya rito.