"Let's talk in private," ani ng pinagkakatiwalaan niyang imbestigador ng magkita sila sa isang restaurant. Nagpareserve ito ng single room para sa kanilang meeting malayo sa kumpulan ng mga parukyano ng chinese restaurant na iyon.
"What did you find out?" tanong niya kaagad pagkaupo pa lang niya sa silya.
"Did you guys hide some gold bars in your residence?" diretsang tanong nito.
"No! That's absurd! How can we hide gold bars in our house, we don't have any." tanggi niya.
"Well, according to Kurt, you guys are hiding tons of gold bar in a secret basement in your house. The reason why he intentionally burned the house down is because he is trying to find the treasure."
"Damn it! Even if it's true how could he do such thing? That's our freaking house, not his!"
"He's plans was plain and simple. He will burn your house para bumalik na kayong magkapatid sa Japan. He is not really keen on going with you there. He wants to stay to find the gold bars that he is eyeing for once you leave the country. I suggest that you should be more careful dahil hangga't hindi niya pa nakukuha ang gusto niya, I am afraid na hinidi siya titigil para makuha ito."
"What can we do with him? Pwede na ba natin siyang ipakulong? I mean it would be better if he was locked in."
"We don't have any evidence yet,"
"How about this confession about the gold bars?"
"He was drunk when he proudly says those things and we cannot use it as an evidence. The only way is to let him make a move again, and let's caught him in the act. But one must be careful, you cannot let your guard down."
"I understand what you mean, huwag kang mag-alala. I can take care of myself. Sa tingin ko rin, hindi pa siya gagawa ng marahas na hakbang dahil alam niyang aware na ako sa panganib na nakaumang sa akin."
"Pero huwag pa ring makampante, it's not easy to deal with a guy like him. You never know when or how siya kikilos. Much better na mag hire ka ng guard for your protection. But don't let anyone know na personal bodyguard mo ito."
"I'll think about it, thank you for your time. I think our meeting ends here." aniya sabay tayo.
"Okay, please do what I say. Regards to your family."
"Thanks!" sagot niya sa kausap.
Pagkatapos nilang meeting ay dumiretso na siya sa kaniyang bahay at hindi na siya nagulat nang makita na naroon si Kurt at naghihintay sa kanya.
"What are you doing here? Can't you give me a break? I hate looking at your face." diretsahan niyang sabi.
"Please forgive me, I was just worried about you kaya hindi ko napigilan ang sarili kong puntahan ka. Pinapasok naman ako ng kasambahay mo kaya sinamantala ko na."
"Next time manang, kapag nagpunta ang taong ito ay huwag na ninyong papasukin lalo na kapag wala ako. Wala naman siyang gagawin rito."
"I actually help cleaning your house while you're gone." depensa ni Kurt. Napaismid lang siya sa sinabi nito dahil batid niyang iba ang totoong pakay nito.
"And since I am here na, pwede ka na umuwi. I'm tired and needed some rest. Please if you don't mind?" aniya sabay turo ng pintuan.
"Okay, you're the boss." anito. Nakahinga pa siya ng maluwag nang tuluyan itong makalabas ng bahay. Dumiretso na siya ng kanyang kwarto at kaagad na tinawagan ang ina para itanong kung totoo nga bang mayroon itong gold bars na nakatago sa kanilang bahay.
"I couldn't really remember if we really have that, anak. Only your father knnows about it and I don't think he'll gonna remember it now," sagot ng ina.
"Do we have a basement here, kung saan pwede niyang itago ang bagay na iyon? Some what like hidden compartment or anything?"
"What I remember is he has a hidden room underground before. But I really forgot how to get there kasi hindi naman makwento ang tatay mo noong araw. You know your Dad is a little secretive back in the days."
"I understand, Ma... By the way, kumusta kayo riyan?"
"Okay naman kami rito, 'yong kapatid mo naman ay magaling na. Gusto na ngang bumalik diyan dahil nag-aalala raw sa'yo."
"Kaya kong alagaan ang sarili ko, mas mahihirapan tayong kumilos kung narito siya. Let her stay there at huwag ng bumalik dito." aniya. Tama naman ang desisyon niya na huwag pabalikin ang kapatid. Mas mahirap na kumilos dahil sakitin ito at baka magamit pa ni Kurt ang kapatid laban sa kanya.
"Okay darling, I won't let her go back. Magpahinga na tayo anak, advance kami ng isang oras and it's a little bit late na rin. tell me if you need anything and please be careful out there."
"I will, don't worry. I am a fighter, remember?"
"Iyan na lang ang iniisip ko para mahawi ang kaba sa puso ko sa bawat oras. Kung pwede lang sana na matapos na itong problema para bumalik na tayo sa tahimik na pamumuhay ay gagawin ko."
"Huwag mo na masyado isipin 'yan. Rest early, Ma!" aniya.
Napabuntong hininga na lamang siya matapos nilang mag usap. She grab her towel and proceed to her toilet and bath para mapreskuhan ang nanlalagkit na katawan. She needs to find a solid plan to get rid of Kurt for her family's safety. Isa pa, napapaisip rin siya sa sinabi ng kanyang private investigator na kumuha ng bodyguard. Hindi niya alam kung gagana ito dahil baka makatunog rin si Kurt.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at bigla niyang nakita ang imahe ni Steve na nakangiti sa kanya kay abigla siyang napadilat. Pwede niya kayang kausapin ang binata para tulungan siya sa problema niya? Pero paano? Baka kapag sinabi niya ay tuluyan siya nitong layuan dahil baka isipin nito na baliw nga siyang talaga. At kung papayag naman ito, hindi ba nakakakonsensya na malalagay ang buhay nito sa panganib?
Samantala, ilang lagok lang ang ginawa ni Kian sa natitirang alak sa kanyang bote. Nakaisang bote na siya ng alak at ramdam na niya ang epekto ng alkohol sa katawan. Inaya niya sina Aidan at Steve mag inuman ngunit tumanggi ang una at si Steve lang ang sumama sa kanya.
"Hik! Bili pa tayo ng isa pa! Tuloy ang ligaya!" lasing na sambit ng binata. Namumungay na ang mga mata nito at halata na ring hindi na maayos ang balanse nito sa katawan dahil ilang beses na itong muntikang mabuwal sa pagkakaupo.
"Lasing ka na p're, tara na sa inyo." ani Steve.
"Sinong lasheng? Ako? H-hindi ako pa ako lasing! Kaya ko pa!" giit nito.
Sinenyasan ng binata ang tindera na babayaran na niya ang bill nila para maihatid ang kaibigan sa bahay nito. Hindi nga siya nagkamali dahil segundo lamang ang tumagal bago tumimbuwang ang kaibigan sa lapag. Napapailing na lang siya sa biglaang paglalasing nito. Hindi naman sanay sa alak si Kian kaya natural talaga na hindi nito kayanin ang isang bote.
Ang ipinagtataka niya ay kung bakit naglasing ito ng biglaan na parang ang laki nang sama ng loob sa mundo.