CH:30

1148 Words
"Bakit mo ako sinaktan, Aria? Bakit hindi mo ako pinili? Bakit mo ako pinagtabuyan? Hindi naman ako masamang tao!" ani Kian habang nakapikit ang mga mata. Lasing pa rin ito at kasalukuyang nasa mahimbing na pagtulog. 'Aria? Sino si Aria?' ani Steve sa isip niya. Broken-hearted nga bang talaga ang kaibigan? Pero sino ang babaeng iyon at hindi yata nila kilala? "Bumalik ka na sa akin, please! Ako ang piliin mo, pakiusap!" muling wika ni Kian. Napapailing na lamang si Steve sa kaibigan. "Mukhang na lovestruck na nga ang isang ito." Matapos na ayusin ang higaan ni Kian ay umalis na rin siya sa tinutuluyan ng kaibigan. Pasakay na siya sa kanyang motor ng makatanggap ng alarma na mayroon na namang sunog at kahit off-duty siya ay kailangan niyang sumama sa pag responde bilang iyon ay isa sa sinumpaan niyang tungkulin. Sigurado siyang maging si Aidan ay reresponde rin, si Kian lang ang hindi dahil hindi nito kaya at si Carlo dahil naka leave pa rin ito. "What the hell?" bulalas niya nang mapagtanto na natitirang parte ng bahay ni Ari ang nasusunog ng mga oras na iyon. Dahil sa mabilisan nilang pag responde ay wala namang naging casualties. Kaagad niyang hinanap ang dalaga habang sila Aidan ay tinitingnan kung saan nagmula ang sunog. Nakaramdam siya ng awa rito nang makita na nakayupyop ang dalaga sa lamesang yari sa kawayan. "Hey," untag niya sa dalaga. Nag angat ito ng mukha at napangiti pagkakita sa kanya. "Hi," tipid na sagot nito. "Are you alright?" alalang tanong niya. "I'm okay, just a slight burn. I'll be fine in no time." anito. Hinanap niya ang sugat nito at kaagad niyang nilapatan ng paunang lunas. Sinamantala niya ang pagkakataon upang usisain ang dalaga kung ano ang nangyari. "I don't really know what happened, I was sleeping back then. Nagulat na lang ako sa sigaw ni Manang. You know, noong nasunog ang malaking bahay namin, natuwa pa kami kasi nailigtas itong maliit na extension ng bahay. And now pati iyon ay tuluyan na ring nawala." malungkot na turan ng dalaga. "Is your life in danger?" mahinang bulong niya sa dalaga. Nangangamba siya na sadya ang pagkasunog sa tirahan ng dalaga. Tinitigan lang siya ng dalaga. Ang mga mata nito ay nangungusap na wari bang nanghihingi ng tulong sa kanya. "Don't worry, everything is gonna be fine. Trust me. Do you have anywhere to go?" tanong niya? "I only save my phone. I didn't have money or anything. Bukas ko pa maaasikaso ang lahat," sagot nito. He offered his place sa dalaga at mga kawaksi nito pansamantala. But she refused. "I don't want to leave this house, you can bring them with you. I'll stay." "Huwag nang matigas ang ulo. Saan ka magpapalipas ng magdamag, aber?" "Please, I don't need scolding right now. Bring them with you, I'll stay with my car. I have to stay here." pinal na sagot ng dalaga. Sinunod niya ang payo nito, nang masiguro ng lahat na safe na ang lugar mula sa apoy ay nagsialisan na rin ang mga bombero. Nasa bahay na siya ngunit hindi pa rin siya mapakali dahil sa pag-iisip sa kalagayan ng dalaga. "Sir, baka naman pwede mong balikan si Ma'am doon," aniya ng isang kawaksi sa kanya na hindi rin pala makatulog. "Bakit? May problema ba?" takang tanong niya. "Baka kasi mapaano si Ma'am, mag-isa lang siya roon. Baka anong gawin sa kanya ni Sir Kurt." "Kurt? Sinong Kurt?" takang tanong niya. "Malayong kamag-anak ni Ma'am, ang hinala namin ay siya mismo ang dahilan ng pagkasunog ng bahay nila Ma'am. Hindi namin alam kung bakit pero iyon ag hinala ni Ma'am Ari." "Oh dear Lord! Bakit ngayon ni'yo lang sinabi?" tensiyonadong sabi niya. Wala na siyang inaksayang oras at kaagad na sumakay sa motorsiklo para balikan ang dalaga. Habang nasa daan ay panay ang usal niya ng panalangin na sana ay okay ang dalaga at ligtas ito. Kung alam niya lang ang totoo ay hindi siya papayag na mag isa ito. "Hang in there, Ari..." aniya habang itinodo na niya ang pagpapatakbo ng motor. Madaling araw na kaya naman kaunti na lang sasakyan kaya kahit bilisan niya ang pagpapatakbo nito ay okay lang. Hindi nga nagkamali si Ari sa kanyang hinala. Dahil dumating nga si Kurt kasama ang tatlong tauhan nito sa pag-aakalang umalis silang lahat sa lugar. Wala itong kamalay-malay na nakukuhanan niya ito ng video gamit ang kanyang cellphone. "Mga bata, bilisan ninyo ang paghahanap! Sipatin lahat ng pwedeng mapagtaguan ng gold bars, at pangako oras na mahanap ninyo ito ay may tag-isa kayong bareta mula sa'kin!" malakas na utos ni Kurt. Kaagad namang tumalima ang mga lalaki at kanya-kanyang hanap ang mga ito. May ilang nagbubungkal ng lupa habang ang iba ay naghahanap sa mga gilid. Tahimik lang siyang nakatago mula sa kanyang sasakyan. Madilim sa gawi niya kaya hindi siya kita ng mga ito. Hinayaan niya ang mga ito na maghanap at maging siya ay nagulat ng biglang sumigaw ang isang lalaki. Nasa bandang fountain ito kung saan may malaking landscape ng mga miniature plants ng ama. "Anong nakita mo?" "Tingnan mo 'to, boss!" excited na sabi ng lalaki kay Kurt. Pinagtulungan nitong galawin ang rebulto mula sa fountain at napanganga silang lahat nang makita ang pag angat ng landscape sa gilid at tumambad sa kanila ang lihim na lagusan. Pagkabukas ng pintuan ay kaagad na nagliwanag ang buong paligid at tumambad sa kanila ang ilang mamahaling kagamitan na hula niya ay nakolekta ng ama noong kabataan pa nito. Pati siya ay namangha sa nakita. May ilang pirasong gold bars nga sa gilid at ilang alahas. May mga nagkikislapan rin na mga bato na nakasilid sa box. "Wooow!!!" nanlalaki ang mga matang wika ni Kurt sa nasaksihan. Halos hindi ito makapaniwala na sa isang iglap ay mapapa sa kanya ang kayamanan ng kamag anak. "So, this is your plan? Ang pagnakawan kami?" aniya sabay lantad mula sa pinagtataguan. "Ari? Anong ginagawa mo rito?" mulagat na tanong ni Kurt. "This is my house, of course narito ako. Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Ano ang ginagawa mo rito? At nagdala ka pa talaga ng mga goons." Aniya sabay tingin sa mga kasamahan nito. "Gusto ko lang naman yumaman, anong masama sa gusto ko?" ani Kurt. "Masama dahil inaangkin mo ang hindi iyo. Hindi mo ba naisip 'yan?" "Wala akong pakialam kung kanino pa 'yan, ang mahalaga ako ang nakahanap kaya mula ngayon ay pag-aari ko na ang lahat ng kayamanan na narito." ani Kurt. "Iyan ay kung papayagan ko kayong makuha ang lahat ng iyan." sagot niya sabay umang ng kanyang katana sa mga ito. "You can only get that treasures if I drop dead right now. Pero habang humihinga ako, wala kayong mahahawakan diyan kahit na isa." matapang niyang sagot habang humihigpit ang hawak niya sa katana. Anumang oras ay nakahanda na siyang umatake sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD