CH:31

1274 Words
"Boss, hanapbuhay ang hanap namin. Hindi pa namin gustong mamatay, sorry boss, pero bahala ka riyan!" ani ng isa sa tatlong tauhan ni Kurt sabay takbo. Ang isa naman ay halata rin ang takot dahil nanginginig na ito sa gilid. "Pinangakuan ba kayo ng lalaking 'yan ng ginto at kayamanan dahil lang sa tinulungan ninyo siya? Puwes, ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo na hindi kayo makakawala sa akin. Kung hindi man kayo mamatay sa kamay ko ngayon ay sigurado akong sa kulungan ang bagsak ninyo. This place is indeed burned, pero marami akong ikinabit na camera at iyon ang magiging ebidensya ko laban sa inyo. The camera is rolling right now and everyone can see your face at hindi ninyo ito matatakasan. At kung sakali man na mamatay kayo ngayon dahil sa katana ko, abswelto pa rin ako dahil self-defense lang ang ginawa ko." sabi niya sa dalawa pang natitira. Nagkatinginan ang mga ito bago nagsitakbo. Marahil ay natakot ito sa banta niya kaya umatras na lang ang dalawa pa. "So, it's only you and me... How do you want this to end?" baling niya kay Kurt. Para itong basang sisiw sa tabi habang hindi mapakali. He was caught red handed and there's no turning back. "All I wanted is to have a beautiful life, mahirap bang ibigay 'yon sa akin? Sobrang yaman ni'yo na, bakit hindi ninyo magawang ibalato sa akin ang kaunting kayamanan ninyo na halos nakalimutan na ng iyong ama?" "Walang masamang mangarap na guminhawa ang buhay, pero kung sa pangarap mong iyan ay mayroon kang masasagasaan, iyon ang hindi tama. Ang kapal ng mukha mong sunugin ang bahay ng mga magulang ko! Hindi mo alam na pati ang mga memories namin dito ay nawala dahil sa kasakiman mo!" "I have no choice, sinabihan ko na kayong umalis para wala ng masaktan. Kapag nakuha ko na ang gusto ko ay aalis rin naman ako ng tahimik at hindi ko na kayo guguluhin. Bakit hindi mo na lang ito ibalato sa akin?" anito. "I'm sorry Kurt, but I can't give you what you want. Hindi ikaw ang naghirap ng mga bagay na nasa likod mo. Wala kang karapatang angkinin ito." aniya. "Then, you leave me no choice but to kill you!" ani Kurt sabay labas ng hawak nitong baril na nakasukbit sa likuran nito. Bahagya siyang nagulat sa nakita pero hindi siya nagpakita ng takot sa kaharap. "You're insane if you're thinking that you can kill me like that. Any minute now ay darating na ang mga pulis. Mapatay mo man ako ngayon ay hindi ka pa rin makakaligtas dahil mahuhuli ka rin kaagad. And everything you did will be wasted, just like your life. Stop being stupid, will you?" Napapailing si Kurt sa magkahalong inis at galit na namuo sa kanyang dibdib. Buong buhay niya ay iginugol niya sa pagiging sunod-sunuran sa pamilya ni Ari. At nang malaman niya na may mga ginto ang mga ito ay inambisyon niyang mapasakamay ang lahat ng iyon. Bakit kahit sa ganoong pangarap ay hindi rin niya maabot? Bakit ba napakadamot ng tadhana sa kanya? "Ari..." tawag niya sa pinsan. "Susuko ka na ba?" "Sigurado ka bang kaya mo akong patayin ngayon?" "What?!" "Kasi ako sigurado akong kaya kitang patayin ngayon, dahil kung hindi ko lang din makukuha ang gusto ko ngayon ay mas maiigi pang mamatay na lang din ako. I have no will to live kung ang buhay ko ay kagaya pa rin ng dati or mas magiging mahirap pa." anito sabay umang sa kanya ng baril na hawak nito. "Oo, mahusay ka sa katana, pero kaya mo bang ilagan ang bala ng baril ko?" nahihibang na dagdag nito. "How dare you!" sigaw ng dalaga. Susugurin na sana niya ang binata ngunit mabilis nitong ikinasa ang baril na hawak. "Isang maling hakbang at sigurado akong hindi ka sasantuhin ng baril ko!" sigaw ng lalaki. "You'll never get away with this, you t**t!" ani ng dalaga. Sa gilid ng kanyang mga mata ay may nakita siyang anino na naglalakad patungo sa gilid ni Kurt. Lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makilala si Steve nang masinagan ito ng ilaw. "Anak ng pu-" ani Kurt ng mapansin si Steve. Sinamantala ng dalaga ang pagka distract ng kalaban at mabilis niya itong sinunggaban. Nagpambuno sila at napagtagumpayan niyang agawin mula rito ang baril. Habang si Steve naman ay tumulong na rin para maigapos ang nagwawalang si Kurt. "Anong ginagawa mo rito?" asik niya sa binata. "Ikaw anong ginagawa mo sa buhay mo? Nakikipaglaro ka na kay kamatayan, anong feeling mo sa sarili mo, action star?" ganting asik sa kanya ng binata. "Eh sira ka pala, anong gusto mong gawin ko? Magpatalo sa kumag na 'yan?" "Eh kung sinabi mo sana ang problema mo, natulungan sana kita. Kung hindi pa sinabi ng kasambahay mo na nasa panganib ka hindi ko pa malalaman. Kung hindi ako dumating, patay ka na sana ngayon!" singhal sa kanya ng binata. "Sino naman may sabi sa'yo na mamatay ako ngayon? Hindi ako ganoon kadaling matalo." aniya. "Nagawa mo pang magyabang, naku talaga. Nanggigigil ako sa'yo!" namumulang angil ng binata sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin, sa halip ay naglakad siya papunta sa fountain para isara ang nabuksang lagusan ni Kurt. Narinig na kasi niya ang sirena ng mga pulis at ayaw niyang pagkaguluhan ito ng mga tao. "Nagpunta ka ba rito para dakdakan ako?"baling niya sa binata. Kinutusan siya nito bilang sagot sa tanong niya. Kagaya ng inaasahan ay nagsidatingan na rin ang mga pulis at tuluyang dinampot si Kurt. Nagwawala man ito ay wala pa ring nagawa ang huli sa mga pulis na umakay sa kanya. "Hello, Ma... nahuli na po si Kurt ng mga pulis. Don't worry, Dad's treasure is untouched." balita niya sa ina. "That's great! How about you? Are you okay?" "I'm fine, Ma. I'm thankful na may pakialamerong lalaki na dumating para tulungan ako. I owe him my life, kung hindi dahil sa kanya baka nasa ospital na ako at nag-aagaw buhay." "Lalaki? Sinong lalaki? May manliligaw ka na ba anak?" "I can't call him my suitor, masyadong suplado. Baka ako pa po ang manligaw dito." pilyang sabi niya habang nakakagat labi. Nakatitig siya sa binata habang nagpapagpag ito ng nadumihang pantalon. "Pilya kang bata ka ha! Tigilan mo 'yan! Napakaganda mo para ikaw ang manuyo sa lalaki, kumalma ka anak," ani ng ina. "Just kidding!" sagot niya. "Where's my sister?" tanong niya. "She's on the airport right now. Hindi ko siya mapigilan kanina. She was too worried not to care, bukas na ang dating niya diyan. She will help you fix everything. Pasensya ka na at hindi kami makakauwi ng Dad o dahil alam mo naman ang sitwasyon niya." "I understand. Don't worry, we'll handle everything here." aniya sa ina. Sa katandaan ng ama ay iniiwas na rin nila ito sa biyahe dahil baka hindi nito kayanin ang bumiyahe ng matagal. "Can I stay here with you?" baling sa kanya ng binata. Lumapit ito sa kanya ng makita nitong wala na siyang kausap sa telepono. "Why? Pwede ka na umuwi, nahuli na si Kurt and maybe pati ang mga inupahan niya. I am safe na, don't trouble yourself because of me. I know you're tired too." sagot niya. "I'll stay." maiksing sabi ng binata. Nagtungo ito sa namataang silya at tahimik na umupo roon at ipinikit ang mga mata. Mukha ngang wala itong balak na iwanan siya kahit pa ipagtabuyan ito. Napangiti na lang siya dahil sa inasal ng binata. It was her first time to meet a man who insists on staying with her. He's rare. A one of a kind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD