"Ouch!" daing niya habang sapo ang kanyang ulo. Para itong pinipiga dahil sa hang-over kaya naman kaagad siyang nagtimpla ng kape para mainitan ang sikmura. Pagkatapos ay naligo na siya at gumayak para pumasok sa trabaho. Ang huling naaalala niya ay inaawat na siya ni Steve dahil lasing na siya. Napabuntong-hininga siya nang maalala ang dahilan ng paglalasing niya.
"Good morning, boys!" bati ni Nala nang magkita-kita silang lahat sa station. Tinanguan niya lang ang dalaga ngunit napangiti siya nang makita na katabi na nito si Carlo.
"Magaling ka na pala, p're! Welcome back!" bati niya rito.
"Syempre magaling yata ang nurse ko," proud na sabi nito sabay hapit sa baywang ni Nala.
"At mukhang nasungkit mo na rin ang matamis na oo ni Nala ha," aniya.
"Oo p're, sa awa ng Diyos. Nakuha rin ang pangarap na bituin." tila makatang sabi ni Carlo.
"Congratulations sa inyong dalawa." ani Aidan sabay angat ng kape nito na tila gustong makipag cheers sa new couple.
"Wala talagang mawawala kapag nagta-tiyaga." ani naman ni Steve na kakarating lang din.
"Mukhang wala tayong ligo ngayon ah," biro ni Aidan sa kaibigan.
"Mahabang kwento p're, hindi bale nang walang ligo basta hindi tayo nangangamoy." natatawang sagot nito.
Nananatili siyang walang kibo habang hindi makatingin sa kaibigan. May kaunting guilt siyang nararamdaman dahil sa biglaang panlalamig niya sa pakikitungo rito pero hindi niya maiwasan dahil sa matinding selos na nararamdaman. Gayunpaman ay nakahanda na siyang tanggapin na sa laban ng puso ay isa siyang sawi at talunan.
"Bueno, mamaya na tayo maghuntahan at mayroon pa tayong mga trabaho," ani Aidan. "Kumusta 'yong babae na nasunugan kagabi? Ayos na ba siya?" baling nito kay Steve.
"Ah, si Ari? Okay naman siya, nahuli na rin ang may gawa niyon sa bahay nila kagabi kaya wala ng dapat ipangamba."
Pagkarinig niya sa pangalan ng dalaga ay bigla siyang napatingin sa kaibigan.
"Nasunugan na naman sila? Kumusta siya?" hindi niya napigilang tanong. Napatingin sila Aidan dahil sa naging reaksyon niya at wala na siyang paraan para maiwasan ito.
"She's fine..." nagtatakang sagot ni Steve.
"Mabuti naman, sige.." aniya. Tumalikod na rin siya pagkatapos nito para makaiwas sa mga nagtatakang titig ng mga kasama.
"What's going on here? Ilang linggo lang ako nawala tapos mukhang may mga walls na kayo sa isa't-isa ah," ani Carlo kay Steve habang nakatitig kay Kian.
"Aba, hindi ko alam. Wala naman akong ginagawang masama. As far as I know, my conscience are clean."
"Kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaan ay sana maayos ninyo kaagad, mabigat sa dibdib kapag may kasamaan ng loob sa trabaho." payo ni Nala.
"I hope so, too." sagot ni Steve.
Samantala, matiyaga namang naghihintay si Ari sa pagdating ng kanyang kapatid. Hindi na niya sinundo pa ang kapatid dahil ayaw niyang iwanan ang kanilang bahay. Hindi naman nagtagal ay nasa harapan na niya ito.
"Welcome home!" masiglang bati niya sa kapatid sabay yakap ng mahigpit dito.
"Have you been well?"tanong nito.
"Of course, I'm feisty, remember?"
"Never doubt that," sagot nito. Nagtawanan silang magkapatid. "Anyway who is this guy that Mama told me awhile ago?"
"Oh! Did Mama told you about him, already? That was fast!"kinikilig niyang sabi.
"Aba at kinikilig ang kapatid ko, he must be someone really special. I never saw you like that before."
"Indeed. He is one of a kind. He's making me kilig to the bones. He's literally making me swoon over him."
"Really? Ganyan ka intense?" nanlalaking bulalas ng kapatid.
"No joke!" sagot niya.
"Can I meet this guy? I am interested, he's quite a catch."
"Sure, I'll be going at his workplace this afternoon, you can come with me, and see it for yourself kung bakit naloloka ako ng ganito." game niyang sabi sabay kindat sa kapatid na tawang tawa na nakikita siyang nagpapaka gaga dahil sa isang lalaki. Ikwenento rin niya sa kapatid ang una nilang pagtatagpo ni Steve maging ang pagpunta niya sa bahay nito at ang pagpapa trabaho nito sa farm.
"Hahaha! I could not believe na ginawa mo ang lahat ng 'yan! Sa ating dalawa ikaw itong sosyalera at party-goer. Ni hindi ka nga makapagdilig ng halaman ni Mama noon," natatawang sagot nito.
"I told you, he's different!" sagot niya.
Napapailing na natatawa na lang ang kapatid sa kanya ngunit alam niyang masaya rin ito para sa kanya. Both of them never had a serious boyfriend back then, or maybe it is safe to say na fling lang ang mga ito. Dahil bukod sa mahigpit ang parents nila noong araw ay na-iintimidate rin ang mga ito sa kanila dahil sa yaman na meron sila. Their father are known as the wizard when it comes to business during his prime. That's why they are pretty well-off.
"Let's prepare something delicious for the heroes." yakag niya sa kapatid. Wala man silang maayos na kusina ay gusto niya pa ring magluto para kay Steve. Sa tulong ng kanilang mga kawaksi ay natapos nila ito nang hindi nahihirapan. Inilagay nila ito sa sasakyan at kaagad siyang nagmaneho patungo sa station ni Steve.
"Miss mo ako?" bungad sa kanya ni Steve na maluwang ang pagkakangiti nang mabungaran siya nito sa labas ng station.
"Kung oo, ano ang gagawin mo?" palabang biro niya.
"Huwag mo akong ginaganyan, isasalpak kita ulit sa farm, loko ka!" pananakot nito.
"I'm fine with it as long as you're with me." biglang nanulas sa nguso niya ang mga salitang iyon na tila ba hindi na siya takot sa mga alaga nito.
"Ayeeiiii!" sigawan ng mga tao na nakikinig pala sa palitan nila ng salita.
"Hey! Magsitahimik kayo!" kunwa'y saway ni Steve sa mga ito. Napuno ng hiyawan ang buong station. Maging si Nala ay nakikigulo na rin.
"I brought something for you and your friends," aniya sa binata.
"Wow, may libre ulit kaming foods?" ani ng mga katrabaho.
"Always kayong may free food sa oras na sagutin na ako ni Steve. Kaya tulungan na ninyo akong pikutin 'to." hindi nahihiyang sabi niya. Dahilan upang kurutin siya ng mahina ng binata sa tagiliran. "Tingnan ninyo, gigil din siya sa'kin. Ayaw lang aminin," dagdag niya. Napuno ng mas malakas pang tawanan ang station dahil sa game niyang banat sa binata.
Kinuha niya sa kotse ang ilang pagkaing hinanda niya, tinulungan rin siya ng kapatid sa pag distribute ng pagkain. Maging ang ibang kalakihan roon ay na shock pagkakita sa kanyang kapatid. Halos lahat ay napanganga ang mga ito sa kagandahan nilang dalawa.
Hindi na nakigulo si Kian sa mga kasamahan, bagkus ay umupo na lang siya sa silya at inilagay ang headset sa magkabilaang tenga. Mas gugustuhin na lang niyang lamunin ang sarili sa musika keysa marinig ang panunukso ng mga ito kay Steve at sa babaeng tinatangi niya. Pinikit niya ang mga mata ng mariin at pinilit ang sarili na i-focus ang pandinig sa kanta na napili niya.
"Excuse me, want some?" ani ng isang tinig babae sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin. "Kian?" tawag sa kanya ng babae.
"How did this lady knew my name?" aniya sa isip.
"Would you like to grab some? My sister and I prepared this for all of you." muling wika ng dalaga.
Unti-unting idinilat niya ang mga mata at halos lumuwa ang eyeballs niya pagkakita sa dalagang nasa harapan niya ngayon.
"A-aria?!" gulat niyang sambit.
"It's been a long time, nice to see you again." matamis na ngiti sa kanya ng babaeng isinisigaw ng puso niya.
Pero teka, hindi ba kay Steve na ito?
Mabilis niyang nilinga si Steve at natutop niya ang bibig nang makita na nasa tabi rin nito si Ari.
"You're twins?" manghang sabi niya.
"Yeah, we're identical twins, to be precise..." nakangiting sagot ng dalaga. "Now that you know na twins kami, tatanggapin mo na ang ino-offer ko?" anito sabay lahad sa kanya ng dala nitong pagkain na kaagad rin niyang ginagap nang mapagtanto na may pag-asa pa siya sa babaeng iniibig na akala niya dati ay inagaw sa kanya ng kaibigan.
"I never thought you have a twin sister!" ani Steve kay Ari habang nakatingin kay Kian na nakatulala habang nakatingin kay Aria.
"To be fair, you never asked." sagot ni Ari ng nakangiti habang nakatitig rin sa kakambal. Seems like they have found what they're looking for. Just looking at how Aria behaves with this gentleman, she knows something is up and brewing.