"Magkakilala kayo?" ani Steve kay Kian. Nag-uusap kasi ang dalawa nang masinsinan kaya hindi nila napigilang lumapit ni Ari para maki-usyuso.
"Yes, we bump each other at the elevator once. He found me again noong masunog ang bahay namin. But I had to leave for a while for my health reason. But glad, I'm back!"ani Aira.
"And all these times, I thought you snatched my woman, sorry p're kung naging harsh ako sa'yo noon out of jealousy," ani Kian.
"Now I understand kung bakit bigla kang naging aburido sa'kin, but it's okay. It's just a misunderstanding. Definitely, we're not aware of what was going on back then."
"And you guys, didn't even bother to ask. You should have asked me first, bago ka nag tantrums. I could tell you naman lahat in full details, naiwasan sana ang tampuhan ninyong dalawa. But, anyway, since everything is clear now... Siguro ay wala na tayong problema?" ani Ari.
"Of course, everything is good." ani Kian sabay kindat kay Steve.
Napuno ang halakhakan sa buong estasyon dahil sa kanilang mga bisita. Buti na lamang at walang naganap na sunog ng araw na iyon kaya hindi nila kailangang maghiwa-hiwalay kaagad. Sa di kalayuan ay nakatingin lamang si Aidan sa mga kaibigan. Mukhang lahat ng mga ito ay natagpuan na ang mga nakatadhana para sa kanila. Masaya siyang makitang masaya ang mga ito dahil iyon naman ang mahalaga sa buhay natin. Ang maging masaya hangga't kaya. Bigla niya tuloy naalala ang simula ng love story nila ni Emerson, napangiti siya ng maalala ang sweet moments nila ngunit agad ding napawi dahil sumagi sa isip niya ang galit nito sa kanya dahil sa pagbubuntis ng biglaan. Pati na ang naunsyaming balak nito na mangibang-bansa.
"Can you believe it,amiga? It's our design! It feels surreal na makita ang mga 'yan na nakadisplay sa harapan ng company natin. Feeling ko ang taas ng na-achieve natin, who would have thought na kaya nating makagawa ng ganyan?" ani Jessie habang nakatingin sa malaking display ng mga gawa nila. In few days time, matatapos na ang paggawa ng kanilang mga bags and it will be out in the market for good. Pagkakalooban din sila ng isang pirasong bag na design nila bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon na sa nasabing event.
"Kaya nga eh, kahit ako man ay hindi rin makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat, minsan kinukurot ko ang sarili ko para tingnan kung panaginip ba ang lahat. Kaso nasasaktan naman ako, kaya hindi ito panaginip, totoo lahat."
"How did your husband reacts? Is he flabbergasted?"
"Yes, he is. He told me he's a proud husband and all." sagot niya.
"Kahit naman siguro sino magiging proud kapag ganyan kagaling ang asawa mo," ani Jessie. "Beauty na talented pa," dagdag nito.
Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Mula't sapol naman ay supportive na talaga ang asawa kaya hindi na siya nagulat sa reaksyon nito. Masaya rin siya sa kanyang naabot iyon nga lamang ay hindi niya pa rin maiwasan na maisip si Cora. Kumusta na kaya ang taong iyon? Nakahanap na kaya 'yon ng ibang trabaho matapos matanggal sa kumpanya?
"Bakit tulala ka na naman?"takang tanong ni Jessie. Napansin nito ang biglaang pananahimik niya.
"Naalala ko lang si Cora, kumusta na kaya 'yon? Sa palagay mo makakahanap pa kayo 'yon ng trabaho?"
"Aba, sa tindi ng kahihiyan na ginawa niya ay ewan ko na lang! Pabayaan mo siya, alam mo Emerson from the moment na idinilat natin ang mga mata natin sa umaga. Palagian tayong may dalawang choices sa buhay, to be a blessing or to be a curse. It's up to us kung alin sa dalawang iyan ang pipiliin natin as we walk through our path, it's not our fault if she chooses the later." mahabang litanya ni Jessie. "Isa pa, she has to pay for what she did, no body forces her and act like that against her will. It is her choice, panindigan niya."
"Sabagay, nanghinayang lang ako sa kanya. She has a bright future sana sa industry na 'to. Sayang lang at hindi niya nagamit sa mabuti."
"Forget about her, not worth of your time." ani Jessie sa kanya at bahagyang hinaplos ang tiyan niya na bahagya nang nakaumbok. "Ayokong pati si baby ay mamroblema sa problema ng iba. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa, not healthy for the baby." payo ni Jessie sa kanya. Nginitian niya ang kaibigan bilang pag sang-ayon rito.
Sa bandang kalayuan ay naroon si Cora at tahimik na nagmamasid sa kanila. Sa kaibuturan ng puso ng dalaga ay naroon ang masidhing pagnanais na makaganti. Dahil sa kanyang paniniwala ay hindi naging patas sa kanya ang pagkakataon. Patalilis itong umalis nang hindi man lang napapansin ng karamihan, habang tiyak ang pupuntahan ng bawat mga hakbang.
Dahil sa pagkakagulo ng mga empleyado ay wala man lang nakapansin na nakapasok na pala si Cora sa loob ng opisina. Diretso ito sa computer ng magkaibigang Jessie at Emerson at palibhasa alam nito ang mga password ng mga computer, kaya mabilis nitong napasok at nilagyan ng virus ang buong sytem ng mga ito. Hindi pa nakuntento ang dalaga dahil pasimple rin itong pumasok sa opisina ni Niko. Wala roon si Niko at nasa conference room kaya wala ring nakakita sa kanya. Pumasok siya sa pribadong kwarto nito ngunit nadismaya nang abutan na malinis na ang paligid at wala na ang mga ginamit nito sa pang-aabuso sa kanya noong nakaraan.
"Matalino ka ha, sa tingin mo ba matatakasan mo ang ginawa mo sa'kin? Hindi ako titigil hangga't hindi kita napapabagsak. Darating ang araw na magkakaroon rin ako sa'yo ng alas." aniya. Inilinga niya ng buong paligid at ng makita ang pakay ay kaagad siyang nagtungo roon, pagkatapos niyang maikabit ang surveillance camera at ilang hidden listening device ay kaagad rin siyang umalis ng walang nakakapansin.
"What the hell happened?!" malakas na sambit ni Jessie habang sinusubukang i-access ang kanyang computer ngunit bigo siya. Paglingon niya sa kaibigan at mga kasama ay ganoon rin ang mga problema nito. Tamang-tama naman na tapos na ang meeting ni Niko kaya napansin nito ang komusyon sa opisina at agad ding nagtanong.
"Any problem?" tanong nito.
"Napasok po ng virus ang system natin, Sir." ani Jessie.
"Virus? How come? May mga I.T experts tayo hindi ba?" anito.
"Yes, Sir."
"Okay, let them do the work." ani Niko. Tinawag rin nito ang head ng security nila para itanong kung ano ang nangyari. Pinag-iimbestiga agad ni Niko ang mga taong incharge sa security ng kumpanya kaya agad rin nilang natukoy kung sino ang nanabotahe sa kanila ng araw na iyon dahil nakuhanan ito ng cctv.
"Cora, Cora, Cora... Hindi ka talaga titigil ha? Hindi ka na lang nagpasalamat na pinalayas lang kita sa kumpanya ko. Instead of being grateful, you still manage to give us trouble." galit na wika ni Niko habang sinisimsim ang alak sa baso nito.
He has to do something to stop Cora, once and for all. Dahil kung hindi ay baka mas lalo pa itong magdala ng kamalasan sa negosyo niya. He discovered that Cora is just like weed that needed to be pull out from its roots, para siguradong hindi na ito makakapameste pa.