Tahimik siyang naglalakad sa may Tullahan River dahil gusto niyang magmuni-muni, gabi na iyon ngunit ayaw niya pa ring umuwi. Umaasa siyang napukaw niya ang atensyon ni Niko at maisip nitong hindi siya basta-bastang kaaway. Hangad niyang matakot at magsisi ito sa ginawa sa kanya dahil hindi madali para sa kanyang tanggapin ang sinapit niya, mapa personal man o trabaho. Bahagya siyang tumigil sa paglalakad at tumingin sa ilog na pinadumi na ng panahon. Hula niya ay puno na ito ng basura at wala ni isang buhay na katubigang iyon. Ngunit kahit puno ng basura ay patuloy pa rin ang pag agos ng tubig dito ng walang katapusan. Sana ganoon rin pagdating sa buhay ng tao, kahit gaano ka na kadumi o kawalang pag-asa na mabuhay, dapat piliin pa ring magpatuloy dahil baka may tsansa pa na muling makaahon sa pagkakalugmok lalo na kung muling bibigyan ng tsansa ng pagkakataon..
"Cora?" wika ng isang tinig lalaki sa likuran niya. Paglingon niya ay nagulat pa siya sa apat na lalaking nakapalibot sa kanya.
"Sino kayo?" natatakot na tanong niya. Sa tingin niya ay masama ang mga pakay nito.
"Huwag kang mag-alala, mga kaibigan kami." sagot ng isa ng nakangisi.
"Huwag kayong lalapit kung hindi, sisigaw ako!" babala niya.
"Sino naman ang tutulong sa'yo? Tayo lang naman ang narito. Sumama ka na lang sa amin ng maayos para walang gulo." ani ng isa.
"Hindi ako sasama sa inyo, hindi ko kayo kilala!" takot na sabi niya habang umaatras papalayo sa mga ito. Nasa gilid na siya ng tulay nang muli siyang magsalita. "Tatalon ako sa ilog, sa oras na humakbang pa kayo!" babala niya sa mga ito. Takot at kaba ang namamayani sa kanya ng mga sandaling iyon at kung sakali man, mas gugustohin na lang niyang malunod keysa makuha ng mga lalaking ito.Batid niyang mga tao iyon ni Niko at sa ugali ni Niko, hindi siya magpapahuli sa mga tauhan nito.
"Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, sasama ka lang naman sa amin, wala naman kaming gagawing masama sa'yo. Gusto ka lang makausap ng boss namin, ibabalik ka rin namin kung saan ka namin sinundo." pang-uuto ng isang lalaki.
"Anong akala ninyo sa akin? Kahapon lang ipinanganak? Hindi ninyo ako maloloko!" angil niya sa mga ito.Naging mailap ang kanyang mga mata ng magsimulang magsipaghakbangan ang mga ito papalapit sa kanya. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa kanya ay pikit-mata siyang tumalon sa ilog. Ramdam niya ang malakas na impact ng pagbagsak niya sa tubig. Naramdaman niya pa ang mabilis na pagpasok ng mabahong tubig sa ilong niya hanggang sa tuluyan siyang bumulusok sa kaibuturan nito. Hindi siya marunong lumangoy at batid niyang iyon na ang katapusan niya kaya't ipinikit na lang niya ang mga mata hanggang sa tuluyang lamunin ng dilim ang sistema niya.
Siguro nga ng mga oras na iyon ay tuluyan na siyang natalo at wala na siyang magagawa kundi tanggapin ito.
"Ang tindi talaga ni Cora ano, akalain mong bumalik pa talaga para gumawa ng kababalaghan dito sa kumpanya. Hindi na lang siya nagpakatino para makapaghanap siya ulit ng trabaho eh. Imbes na magsisi at magpakabuti, nagpakasama pa tuloy ang buang. Sa totoo lang ano ba mapapala nila sa mga ganyan, Hindi ba wala naman? Sakit sa ulo lang ang ibabalik niyan sa kanya." ani Jessie.
"Naghahanda na sila pag-uwi nang ungkatin ng kaibigan ang tungkol sa ginawa ng dating katrabaho.
"I actually felt sorry for her, you know... may mga tao talagang hindi kayang i-absorb kaagad 'yung pain of rejection or defeat."
"Hindi naturuan 'yan ng magandang asal at kung paano makipag kapwa. Sa dami ng ginawa niyang mali, hindi man lang siya sumubok na itama ito. Instead, mas gumawa pa siya ng mali. Paano niya magiging deserve ang second chance? Wala na, kasi lalo na niyang sinira ang pangalan niya. Sa tingin mo ba, papalampasin pa 'to ni Sir Niko?"
"Hindi natin alam, sila na ang bahalang maghandle kay Cora, gawin na lang natin ng maayos ang trabaho natin kasi 'yon naman ang binabayaran sa atin." aniya. "And whatever happens to Cora, she has the will to decide to everything she likes. Sana lang ay hindi tayo ang nadadamay sa mga ginagawa niya. Because I am getting tired of her, the trouble that she caused this morning is terribly tiring." dagdag niya.
"You're right."
Napapailing na lang silang magkaibigan sa mga naganap sa kanila ng araw na iyon. Masyadong magulo talaga sa trabaho lalo na kapag may katrabaho kang sakit sa ulo.
Kung anong stress ang mayroon sa opisina ni Emerson ay kabaliktaran naman sa pinagtatrabahuan ni Aidan. Mas naging peaceful ang working place nila dahil palagi nang good mood ang BFP boys dahil sa kanya-kanya nilang lovelife.
"Paano ba 'yan. Steve. Talo ka na sa pustahan natin?" nakangising biro ni Aidan.
"Kalimutan mo na 'yang pustahan natin p're, hindi na magandang alalahanin 'yan. Ang importante ay maayos na ang lahat sa atin. Siguro ay oras na rin nating mag seryoso sa buhay," pailag na sagot ni Steve.
"Mas mabuti pa nga na kalimutan na 'yan, baka malaman pa ni Ari, yari ka sa katana noon." ani Kian.
"Pwede rin naman, kung aamin ka nang talo ka sa mga sinabi mo noong araw. Nakatagpo ka rin ng katapat mo, p're." ani Aidan.
"Aamin na p're, wala na rin naman akong nagagawa. Lalo pa ngayon na siya na mismo ang lapit nang lapit." nakangising wika ni Steve.
"Eh, ikaw, Kian... Kumusta kayo ni Aria?" baling ni Steve.
"Manliligaw pa lang pare," nakangiting sagot ni Kian.
"Bilis-bilisan mo na at ikaw na lang ang single sa grupo." sabad ni Carlo habang hawak ang kamay ni Nala.
"Pasalamat ka sa katana ni Ari, kung hindi ka nadali niyan, hindi mapupunta sa'yo si Nala." pang-aalaska ni Steve.
"Kahit kailan talaga bully kayo, ako na naman ang nakita ninyo." natatawang saway ni Nala.
"Anyway, binabati ko kayong dalawa. Akalain mong mapapasagot mo 'yan si Nala. Kaya pag-igihan mo Carlo, at huwag mong paiiyakin ang prinsesa ng BFP dahil baka ng ending, mapagtulungan ka namin." babala naman ni Kian.
"Huwag kayong mag-alala, dahil hindi ko sasayangin ang mga regalo sa akin ng Diyos. Ikampante ninyo 'yang mga atay ninyo dahil hindi ko sasaktan si Nala kahit na kailan."
"Dapat lang, Carlo! Dahil sinasabi ko sa'yo, hindi lang si Suzy ang marunong manugod ng kutsilyo," natatawang sagot ni Nala.
Nagsipagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng dalaga. Nagsitahimik lang sila nang dumating rin sina Ari at Aria para sunduin ang kani-kanilang iniirog.
"Kita mo nga naman, ang swerte ng mga kumag na 'to at kayo pa talaga ang sinusundo ha," pabirong wika ni Aidan.
"Anong magagawa namin kung mas pogi kami sa'yo?" magkapanabay na sagot ng dalawa na kaagad niyang binato ng mga pinagpalitan nilang damit.