Hindi mapakali si Aidan habang naghihintay sa labas ng delivery room. Naririnig niya ang pag-ere ng asawa ngunit hindi siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya kayang makita si Emerson na nahihirapang manganak, sa katunayan kanina pa dinadaga ang dibdib niya sa takot at kaba. Baka mauna pa siyang himatayin keysa sa asawa.
Malaki ang kanilang supling ngunit kaya ni Emerson na ilabas ito ng normal. Kaya naman hindi na nito kailangan pang i-cs.
Tinawagan na rin niya ang kani-kanilang mga magulang para malaman ng mga ito ang nalalapit na paglabas ng kanilang apo.
Maya-maya pa ay gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi ng makarinig ng unang iyak ng kanilang supling. Tila musika ito sa kanyang pandinig. Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman ay biglang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa wakas! Certified tatay na nga talaga siya. Mayroon na siyang matatawag na pamilya, siya, si Emerson, ang kanilang panganay at ang mga susunod pa nilang supling kung itutulot ng Panginoon.
"Lumabas na ba si inaanak?" Humihingal pang wika ni Jessie sa kanya. Sumunod pala ito kaagad sa kanila.
"Oo, narinig ko na ang iyak niya," sagot niya habang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.
"Congratulations sa inyo ni Emerson!" Masayang bati ni Jessie.
"Maraming salamat, Jessie!" Aniya.
Naghintay silang dalawa na makalabas ng delivery room ang kabiyak. Pinuntahan niya kaagad ang asawa para kamustahin ang kalagayan nito.
"Who's the strongest and bravest woman alive?" Maligayang bati niya sa asawa habang may bitbit na isang tangkay ng pulang rosas.
"Hi, sweetheart..." Halos pabulong na sagot ni Emerson. Naliliyo pa siya at tila ba wala pa siyang lakas ngunit nang marinig niya ang boses ng asawa ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para ngumiti rito. "How's our baby girl?" Ani Emerson.
Nasa tabi lang nito ang kanilang anak dahil nag prepare sila ng kuna para may mapaglagyan sa kanilang bagong silang na sanggol.
Tinitigan niya ang kanyang anak na tahimik na nakapikit. Nakuha nito ang kutis ng ina at nakuha naman ang kanyang mata.
"Napakaganda ng ating anak, sweetheart..." Naiiyak niyang sabi.
Maingat niyang kinarga ang sanggol at pinakatitigan ng matagal bago ibinigay sa kabiyak.
"Napakaganda ng ating Penelope... Tingnan mo ang paa niya at kamay, ang cute," nakangiting wika ni Emerson. Bakas sa mukha nito ang kaligayahan, tila nawala ang pagod at hirap na pinagdaanan nito ilang oras lamang ang nakakaraan.
"Ang ganda nga niya amiga, mana sa'yo." Sabad naman ni Jessie habang nakasilip rin sa mukha ng kanilang anak.
"Paano ba 'yan ninang, obligado kang i-babysit 'to paminsan-minsan." Tudyo ni Emerson sa kaibigan.
"Ay, sure! No problem! Magaling yata akong mag-alaga ng bata." Excited na sagot nito.
"Alagang walang sweldo ha, baka mamaya mas mahal pa ang tf mo kesa sa totoong yaya," biro naman ni Aidan.
"Huwag kang mag-alala, no tf, merienda lang masaya na ako, haha!" Natatawang sagot nito.
Dahil sa kulitan ay sabay silang nagtawanan ng malakas. Ngunit kaagad ring huminto dahil muli nilang itinuon ang atensyon kay Penelope.
Hindi rin nagtagal si Jessie sa ospital dahil kailangan rin nitong magpahinga. Bawal pa kumain si Emerson kaya kumain muna sa labas si Aidan bago tuluyang umuwi ang kaibigan.
Pagbalik niya sa kwarto ay nagpapasuso na ang asawa sa kanilang anak. Kaytagal niyang tinitigan ang kanyang mag-ina. Napakagandang tanawin ang kanyang nakikita ng mga oras na iyon. Tila isang panaginip ngunit buti na lamang at nasa reyalidad siya.
"Kumusta thart? Masakit ba?" Alalang tanong niya sa asawa ng makita itong bahagyang napangiwi habang nagbe-breastfeed.
"Medyo masakit lang ang n*****s ko," nakangiwing sagot nito.
"Baka marami ng gatas? O 'di kaya ay naninibago pa." Sagot niya. "Dati kasi ako lang ang dumedede diyan eh, ngayon may kaagaw na ako," pilyong dagdag niya na ikinapula nang mukha ng asawa.
"Ikaw talaga, puro ka kalokohan!" Saway sa kanya ng misis.
"Bakit totoo naman ah, pwede pa try?"
"Anong pa-try ang pinagsasabi mo riyan, Aidan? Hoy, manahimik ka riyan kung ayaw mong ibalibag ko sa'yo itong diaper ng anak mo." Pabirong sagot sa asawa.
"Gusto ko lang naman subukan, hindi ko alam ano ang lasa eh. Sige na, patikim," pilit niya.
"No, ayusin mo na yung crib para maibaba ko na si Penny, tulog na siya."
"Yes Ma'am!" Aniya sabay saludo pa sa asawa. Napapailing na lang si Emerson sa kakulitan ng asawa.
Maingat niyang inilapag ang anak sa kuna at pagkatapos ay bumalik sa higaan.
"Paabot naman ng lampin, please..." Pakiusap niya sa asawa. Masyadong malakas ang gatas niya sa magkabilaang dibdib kaya kailangan niyang maglagay ng lampin para hindi ito tumagas sa suot niyang maluwang na damit.
"Ako na ang maglalagay," prisenta ng asawa. Ipinikit niya muna ang mga mata para makapagpahinga saglit habang inaayos ng kabiyak ang lampin sa dibdib niya. Ngunit napamulagat siya nang maramdaman ang bahagyang pagsipsip ng kabiyak sa kanan niyang dibdib.
"Aidan! Ano ba..." nakangiwing saway niya sa asawa. Bahagya niya pa itong nasabunutan upang iangat ang mukha ng asawa ngunit mas nilakasan pa nito ang pagsipsip dahilan upang mas sumirit pa ang kanyang gatas.
"Ganoon pala ang lasa ng gatas 'no?" Ani ng asawa. Bahagya niya pang tinitigan ito at sa hitsura ng asawa ay hindi niya sigurado kung nasasarapan ito o nandidiri.
"Bakit anong lasa?" Kunot-noong tanong niya.
"Hindi ko ma-explain. Pero isa lang ang sure ako, healthy ito para kay Penny. Kaya hindi ko na siya aagawan pa." Sagot nito. "Narinig mo ba 'yon anak? Hindi ka na aagawan ni Papa. Ipapahiram ko na muna sa'yo ang dibdib ng mama mo. Babawiin ko na lang ulit pag malaki ka na." Ani Aidan.
Napabunghalit siya ng tawa pagkarinig sa sinabi ng asawa. Mariin niya itong kinurot sa tagiliran dahil sa gigil niya.
"Puro ka kalokohan... Bantayan mo muna 'yang anak mo at matutulog muna ako." Aniya sa asawa.
"Sure, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala kay baby."
"Thank you, sweetheart..." Aniya bago tuluyang ipinikit ang mga mata. Kailangan niyang magpahinga para makabawi ng lakas.
Ilang oras rin siyang nakaidlip, tapos ay nagising siya ng marinig ang pag-iyak ni Penny. Every two hours ang pagdede ng kanilang anak kaya parehas silang puyat na mag-asawa. Tinulungan rin sila ng nurse para sa skin to skin ng mag-ama kaya labis ang tuwa ni Aidan nang ihilig nito ang anak sa matipunong dibdib nito.
Kinabukasan ay sabay pang nagsidatingan ang kanilang mga magulang. May mga dala itong prutas para kay Emerson. Nagdala rin ang parents ni Aidan ng native na tinolang manok na may halong papaya at malunggay.
"Anak, kainin mo na itong tinola na niluto ng Itay mo. Makakatulong ito sa pagpapadami ng gatas para sa aming apo," ani Carmen.
"Salamat po sa inyo Inay..." Aniya. Dali-dali niyang hinigop ang mainit na sabaw at iyon na ata ang pinakamasarap na tinola na natikman niya sa tanang buhay niya. "Napakasarap po, salamat po sa pagluto nito, Itay." Aniya.
"Naku, walang anuman anak. Basta para sa inyo ng apo ko." Sagot nito.
Pagkatapos mo niyan ay kumain ka ng prutas anak, para mas lumakas ka pa." Sabad naman ni Ely habang pinagbabalat siya ng orange.
"Salamat, Pa..." Nakangiting sagot niya.
Si Monica naman ay abala sa paghalungkat ng mga dala nitong abubot.
"Gusto mo bang gumamit ng girdle anak?" Tanong nito.
"Sige po, Ma. Lagay mo lang po muna diyan sa tabi. Mamaya magpapatulong ako kay Aidan para ikabit 'yan," Aniya.
"Sige anak, kumain ka na at makikipaglaro muna kami kay apo.." ani Monica.
Sabay-sabay na pinalibutan ng matatanda ang kuna ni Penny at parehas na nakikipag-usap sa sanggol na akala mo ay kaya na silang sagutin nito. Batid nilang mag-asawa na labis ang galak ng kanilang magulang sa paglabas ng kauna-unahan nilang apo. Napangiti na lang silang mag-asawa habang nakatitig sa mga ito.
"Thank you, thart... You made us all happy. I promise to take care of you and our baby as long as I live... Hindi ko kayo pababayaan ng anak natin." Ani Aidan.
"Salamat din, you were my rock since the day I fell inlove with you. And until now you're my lifeline, sweetheart. Kaya siguro tayo blinessed kaagad ng anak. Because God knows how much we deserve to have this kind of joy and fulfillment." Madamdamin niyang tugon.
Maingat siyang dinampian ng halik sa labi ng asawa bago siya niyakap ng mahigpit. She close her eyes and the sweetest smile painted on her lips. She couldn't ask for more. Because at that moment, she felt complete. In her husband's arms, she felt safe, cared and loved. And that is more than enough.