Bilang isang first time parents ay malaking challenge sa kanilang mag-asawa ang bawat araw. Siya ay ibinuhos na ang atensyon sa pag-aalaga sa kanilang supling habang si Aidan naman ay nagtatrabaho pa rin. Ramdam niya ang pagbabago sa kanyang katawan.
"Mag leave kaya ako sa work ko, ano sa tingin mo, thart?"ani Aidan sa kanya.
Nakauwi na sila sa bahay at kasalukuyang nagpapagaling. Paminsan-minsan ay dinadalaw sila ng kanilang mga magulang para umalalay sa gawain. Salitan ang mga ito sa paggawa ng gawaing bahay lalo na ang paglalaba dahil hindi pa siya pwede sa takot na mabinat. Hindi naman ito magampanan ng maayos ni Aidan dahil pumapasok pa rin ito sa trabaho.
"Bakit naman?" Maang niyang tanong.
"Nahihirapan ka eh, nahihiya na rin ako sa mga magulang natin na nagpupunta pa rito para gawin ang mga gawaing bahay natin, lalo na sa paglalaba ng mga lampin ni Penny,"
"Hindi natin afford na mawalan tayo parehas na dalawa ng trabaho, sweetheart... Alam mo naman may maliit na tayo, ngayon natin higit kailangan ng pera."
"Balak ko sana kahit mga three weeks lang, para maalalayan ko kayong mag-ina at makapahinga rin sila Inay." Pagpupumilit nito ngunit desidido siyang pigilan ang kabiyak.
"If you're worried about our parents, let's do something different. For example, I know we're saving every penny we could, but as of now, maybe we should buy some appliances that could help us in our daily lives." Aniya. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagtungo sa drawer, kinuha niya mula doon ang isang ziplock na naglalaman ng ilang lilibuhin na cash na kung hindi siya nagkakamali ay nasa singkwenta mil lahat. Iyon pa ang cash na nakolekta nila nang ikasal sila. Hindi niya iyon ginasta para mayroon silang emergency fund na cold cash maliban sa ipon nila sa bangko.
"What's that for?" Tanong nito.
"Iyan yung cash na nakuha natin noong ikinasal tayo. Hindi naman natin iyon nagastos noon. Itinabi ko talaga just in case kailanganin natin ay mahuhugot tayo. Pwede na tayong makabili ng washing machine na may dryer. Habang tulog si Penny, pwede kong isalang 'yong labahin. Balikan ko na lang kapag isasampay ko na." Aniya.
"Washing machine? Hindi kaya tumaas naman ang bill natin sa ilaw at tubig?" Alanganing sagot ng asawa.
"Eh kesa naman huminto ka sa pagtatrabaho, eh di lalo tayong napilayan. Isa pa, para makapahinga na rin sila Mama sa pagpupunta dito para maglaba. Ang layo ng binabyahe nila tapos pagdating dito puro trabaho ang aabutan."
"Sigurado ka ba talaga?" Tila nag aalangang wika uli nito. Batid kasi ng kanyang esposo ang pagiging matipid niya kaya parang hindi ito makapaniwala sa suhestiyon niya.
"Seryoso ako," sagot niya habang nakatitig sa mga mata nito.
"How about kumuha kaya tayo ng labandera? Or makakasama natin dito sa bahay?" Biglaang suhestiyon ng asawa.
"Ayoko... We don't need it. Isa pa, maliit pa ang anak natin. Mahirap magtiwala ngayon dahil sa dami ng krimen. Hindi mo maiiwasan na ma paranoid ako sa kakaisip."
"Okay, you won." Taas-kamay na paubaya ng kabiyak.
"Pasensiya ka na, sweetheart. Alam mo naman na hindi ako komportable na may ibang tao dito sa loob ng bahay. Iba pa rin ang nag-iingat. Isa pa mas gusto ko na ako ang nag-aalaga sa anak natin. Kaya ko naman na magkilos-kilos."
"Sige, pero mangako ka sa'kin na kapag hindi kaya, huwag ipilit. Okay?" Paniniyak nito.
"Opo, I promise!" Aniya ng nakangiti.
Sa totoo lang, may kaunting kurot sa kanya ang desisyon na pagbili ng mamahaling gamit na ang hatid ay pagtaas ng monthly bill nila. Pero sa mga oras na iyon ay wala silang choice.
"Sige, labas muna ako para makabili na ng washing machine. Bibili na rin ako ng ibang pangangailangan natin." Paalam ng asawa na sinagot niya ng matamis na ngiti at marahang pag tango.
Pagkaalis nito ay sinamantala niya ang pagtulog ni Penny para magluto sa kusina. Matagal na rin ang huling beses na ipinagluto niya ang kabiyak. Binuksan niya ang 2-door refrigerator nila at tumambad sa kanya ang sandamakmak na gulay at prutas. Namataan rin niya ang isang tupperwear ng halaan na nakababad sa tubig. Napangiti siya ng bahagya. Alam niyang pampagatas iyon kaya hindi nawawala sa kanila. Wala na siyang inaksayang panahon at kaagad itong ginisa sa luya. Tiyak niyang mapapadami sila ng kain ni Aidan sa sarap ng kanilang ulam.
"What are you staring for?" Ani Aidan sa kanya ng mapansin siyang nakatingin sa kabuoan sa salamin. Kakatapos lang niyang maghalf-bath at magbibihis na sana ng pantulog.
"My body changes drastically..." Mahina niyang sagot.
"What are you talking about? Your body is beautiful as ever, sweetheart!"
"Binobola mo naman ako..."
"Of course not! Your body is amazing, Emerson! Your body was Penny's shelter for nine long months. You bring her out of this world to be with us. And whatever changes in your body is a sign that you give a life to our angel. And I want you to know that I'm a proud husband."
Napangiti siya sa tinuran ng asawa. Aidan is definitely her rock, there is no doubt about it.
"Thank you for your kind words, mister." Sagot niya bago niyakap ang kabiyak. Oo nga naman. Hindi madali ang magbuntis at magluwal ng bata. She must accept her body changes because it is a sign that in her lifetime she bears a child.
"Nothing changes, thart... You're still sexy as ever! Sa paningin ko, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko. And I am grateful na ako ang pinili mong makatuwang sa buhay. Huwag mong isipin na mayroon kang ganito o ganyan sa katawan after you gave birth because it doesn't matter. Penny and I, are thankful that we have you."
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa kabiyak dahil sa mga sinabi nito. For the time being she felt really happy knowing that her husband never mock her body. In spite of having stretch marks from her lower belly he still thinks that she is lovely.
"Pare, kumusta ang inaanak namin?" Ani Steve sa kanya.
"She's fine, Emerson did a great job sa pag-aalaga sa panganay namin."
"Pansin ko nga na hands-on si misis, kailan mo pala balak pabinyagan si Penny?"
"Maybe pag nag third month na siya, huwag muna ngayon dahil masyado pa siyang maliit."
"Basta ninong kami ha!" Ani Carlo.
"Oo naman, kayo pa ba? Tayo na nga lang ang magkaibigan, magkakalimutan pa ba?"
"Mabuti naman kung ganoon, naka ready na yung pakimkim ko rito." Ani naman ni Kian.
Natatawa na lang siya sa pagiging supportive ng mga ito sa kanya. Sa totoo lang para na niyang second family ang mga katrabaho. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakatungo lang si Nala at hindi sumasabay sa usapan nila. Marahil ay may problema na naman ito.
"Ang lalim ng iniisip ah! Iniisip mo na naman ba yung lalaking nang deadma sa'yo?" Usisa niya.
"Hindi naman..." Anito na tila paiwas.
"Kalimutan mo na kung sino man siya. Malay mo narito lang sa tabi mo yung tamang tao para sa'yo. Hindi mo lang makita kasi ayaw mo tingnan."
"Napipilit ba ang puso na magmahal ng iba?"
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"
"Natatakot ako, baka kasi maling tao ang makuha ko."
"Hindi naman agad-agad 'yan, syempre kikilalanin mo muna bago mo papasukin sa puso mo. Nang sa gayon ay hindi ka magkamali."
"Hindi ko alam kung kaya ko, hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko. Habang tumatagal, lalo ko siyang minamahal," ani Nala habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Nang mga sandaling iyon ay iba ang naramdaman niya sa mga titig ng kaibigan. Parang may nais itong ipahiwatig sa kanya ar ayaw niyang isipin na siya ang lalaking tinutukoy nito.
"Nariyan si Carlo, mabait, masipag, mapagkakatiwalaan. Matagal mo ng kilala, bakit hindi mo subukan? Pansin ko na may gusto siya sa'yo."
"Parang magkapatid lang kami ni Carlo," sagot nito.
"Ang tanong, kapatid ba ang tingin niya sa'yo?" Sagot niya. "Boto ako diyan kay Carlo, bukod sa matagal na tayong magkakakilala ay makakasigurado pa tayo na oras na saktan ka. Marami kaming bubugbog sa kanya." Dagdag biro niya.
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Ani Carlo na papalapit na sa kanila.
"Mukha bang ikaw lang ang topic ng mga tao rito?" Pagtataray ni Nala. Hindi kasi makalimutan ng dalaga ang panakaw na halik sa kanya ng binata ng ihatid siya nito noon.
"Whoah! Relax! Hindi ako nakikipag-away!" Ani Carlo.
"Ewan ko sa inyo, makalayas na nga!" Asar na wika ni Nala sabay martsa ng alis. Nagkatinginan na lang sila ni Carlo dahil sa inasal ng dalaga.
Maya-maya pa ay pilyong kinindatan niya ang binata na tila ba alam nilang parehas kung ano ang inaasal ng dalaga.
"Nala, wait!" Habol ni Carlo sa dalaga. Naabutan niya ito sa pantry na umiinom ng malamig na tubig.
"Ano bang problema mo, Carlo!" Pagalit niyang sagot dito.
"Galit ka ba sa'kin?"
"Obvious ba?!"
"Bakit? Anong kasalanan ko?" Maang na tanong ng binata.
"Hindi mo alam? Sigurado kang hindi mo alam?!" Nanlilisik ang mga matang sagot niya rito.
"Hindi, kaya pwede bang sabihin mo sa'kin ano ang problema?"
"Wala! Kalimutan mo na. Basta huwag ka ng lumapit sa'kin, kahit na kailan!" Gigil niyang sagot.
"A-ano? Ayaw mo na akong lumapit sa'yo?" Gulat na wika ng binata.
"Oo. You heard it clear. Don't ever come close with me." Aniya sabay lakad paalis ngunit maagap nitong nahawakan ang braso niya.
"H-hindi ko 'ata kaya ang hiling mo sa'kin, Nala..." Mariing wika ng binata habang nakatitig sa kanya.
Tinitigan niya rin ang binata at matagal na nagtagis ang kanilang paningin.
"What are you lookin' at?" Mataray niyang sabi.
"Mahal kita, Nala..." Mga salitang namutawi sa labi ng binata kasabay ng pagkabig nito sa baywang niya. Sa isang iglap lang ay naramdaman niya na lang ang malambot na labi ng binata na nakadampi ng mariin sa mga labi niya.