Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa nakapikit na mata ni Carlo. Aba't nag-eenjoy pa yatang lantakan ang mga labi niya ng hudyo!
"How dare you!" Malakas niyang sabi sabay tulak sa binata at bigyan ito ng isang malakas na sampal. Hindi pa nga siya nakaka move-on sa unang nakaw na halik nito tapos heto na naman ang damuho.
"N-nala... I'm sorry!" Tila binuhusan naman ng malamig na tubig ang binata sa nakitang reaksyon ng dalaga habang sapo ang pisngi nito.
"Do that again and I swear to God, you'll gonna spend some time in jail!" Namumula sa galit na wika niya bago itinulak ng marahas ang binata na naging dahilan ng pagkakasadsad nito sa lagayan ng ilang snacks.
"Nala, wait! I'm really sorry!" Habol ng binata sa dalaga ngunit hindi na niya ito naabutan dahil maagap itong pumasok sa banyo ng mga babae.
"Anong nangyari?" Takang tanong ni Kian sa binata.
"Ha? Ah, wala naman..." Paiwas na sagot ni Carlo sa kaibigan.
"Nag-away ba kayo ni Nala?"
"Hindi p're, wala 'to. Huwag mo na lang pansinin," ani Carlo. Umalis na rin ito kaagad upang makaiwas sa pangungulit ni Kian. Kailangan niya pang mag-isip ng paraan para humupa ang galit sa kanya ni Nala.
Sa totoo lang hindi niya rin inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya. Nadala siya sa bugso ng kanyang damdamin kaya hindi niya napigilang halikan ang dalaga. Hindi man niya maamin ngunit matagal na niyang gusto ang dalaga. Hindi lang siya makaporma dahil batid niyang may gusto ito kay Aidan.
Pero simula nang makita niya itong lumuluha habang kausap ang kaibigan ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. Kaya naman nagdesisyon siyang simulan na ang panunuyo rito at desidido siyang ipanalo ang puso ng dalaga.
Samantala nangingilid naman ang mga luha ni Nala habang nakatitig sa salamin. Sapo niya ang mga labi na kanina lamang ay nakadaiti sa labi ni Carlo. Hindi siya makapaniwalang ito ang first kiss niya!
"Magbabayad kang manyakis ka!" Naiiyak sa inis niyang sabi. "Ang tagal niyang pinakaingatan ang sarili niya para ireserve sa lalaking mahal niya, tapos ngayon ay nasira na ang malinis na record niya dahil sa kapangahasan ni Carlo.
"Did you cry?" Usisa ni Aidan. Napansin niya kasi ang pamumugto ng mga mata ni Nala kaya hindi niya maiwasang mag-usisa.
"Napuwing lang ako," pagkakaila ng dalaga.
"Sure?"
"Yes. Thank you sa concern, Aidan..."
"You're welcome, kapag may kailangan ka. Kahit ano pa 'yan, huwag kang mahihiya na magsabi. I am always here, para mo na akong Kuya."
"Thank you ulit, I am happy na concern ka rin pala sa akin."
"Of course! We're family here, Nala..."
Isang matipid na ngiti lang ang isinukli sa kanya ng dalaga na waring hindi ito agree sa sinabi niya. Gayunpaman ay ipinagwalang-bahala niya ito dahil hindi naman siya manhid na hindi maramdaman ang palihim na sulyap sa kanya ng katrabaho. Iyon nga lamang ay may asawa na siya. Hindi niya hahayaang masira ang pamilyang binuo niya kasama si Emerson. Dahil tiyak niyang pagsisisihan niya ito ng malaki.
"You're home," matamis ang ngiting bati ni Emerson sa asawa ng mamataan itong nagtatanggal ng sapatos.
"Yup, kakarating ko lang din, kumusta ang mag-ina ko?" Aniya.
"Well, napakabait pa rin ng anak mo. Hindi niya ako pinahirapan sa maghapon. Nakapaglaba na rin ako ng nakatambak nating labahin, nakapaglinis at nakapagluto na rin. Kakain na lang tayo, sweetheart!" Masiglang sabi ni Emerson.
"Ang sweet naman ng asawa ko... Nakaka-inlove lalo ah!"
"Syempre naman! Kailangan may spark pa rin sa ating dalawa kahit kakapanganak ko lang. Alam mo naman na essential iyan,"
"Talaga? Pwede na ba?" Pilyong ngiti niya sa kabiyak. Batid niyang alam ng asawa ang tinutukoy niya kaya namula ito ng bahagya.
"Ano bang sinasabi mo riyan? Tara na kumain na tayo at baka lumamig pa yung sinigang," pag-iiba nito ng usapan. Nagpatiuna na sa paglalakad ang asawa kaya lalo siyang nanggigil ng makita ang maumbok nitong puwetan.
Hindi niya napigilang hampasin ito ng bahagya na may kasamang gigil na kurot.
"Aidan, ano ba... Makita ka ng anak mo." Saway nito.
"Tulog na ba si Penny?" Pabulong niyang tanong.
"Kakatulog lang, bakit?"
Hindi na siya sumagot sa asawa bagkus ay sinunggaban niya ito at pinupog ng halik sa buong mukha hanggang sa tenga at leeg.
"Sweetheart, lalamig na yung pagkain natin, " saway niya sa asawa ng maramdaman ang gigil na pagpisil nito sa kanyang likuran.
"Pwede ko naman initin 'yan eh, maya na 'yan. Iba ang gusto kong kainin."
"Hoy, Aidan. Maghunos dili ka... Four months pa lang si Penny."
"I miss you so much..." Bulong niya sa kabiyak.
Simula kasi ng manganak ang asawa ay hindi na sila nito nagsiping. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon dahil kakapanganak pa lang nito. Pero hindi niya maiwasang masabik sa asawa. Dahil bago pa ito mabuntis ay halos araw-araw silang nagniniig tapos biglang wala na simula nang manganak ang misis. At sa hinuha niya ay napakatagal na ng kanyang pagdidiyeta.
"What if it hurts?"
"Then, I'll be gentle... I won't make it hard.."
"Let's try, but if it hurts, we'll stop, okay?"
"Okay, I promise!" Sagot niya sa asawa habang nakataas ang kanang kamay na waring nanunumpa.
"Okay, let's do it..." Pagpayag ng asawa.
Para siyang sinilaban ng marinig ang pagpayag ni Emerson. Mabilis niyang hinubas ang suot na tshirt at sando. Kapagkakuwa'y isinunod niya ang pantalon na maong at boxer short.
"Dahan-dahan baka mapunit ang damit mo," natatawang saway ni Emerson sa kabiyak. Ngunit hindi niya ito sinagot, sa halip ay dali-dali niya itong hinila sa kwarto nila at inihiga sa kama. He missed his wife so much that all he wants to do is to make love with her at that moment.
He immediately remove her pambahay dress and kissed her beautiful body.
"I miss you so much, thart!" Tila langong bigkas niya habang ibinababa ang panloob nito.
"I miss you and I love you, too!" Pabulong na sagot ni Emerson sa punong tenga niya. Dahil doon ay mas lalong nag-alab ang nararamdaman niya. Kaya naman kaagad siyang pumwesto sa ibabaw nito. Ngunit bago pa man niya naipasok ang kanyang sandata ay biglang bumunghalit ng iyak si Penny. Sabay pa silang nagkatitigan ng ilang minuto ng kabiyak bago niya ibinagsak ang ulo sa balikat ng asawa.
"Tumayo ka na, sweetheart ... Nagugutom na ang anak mo," natatawang sambit ni Emerson habang hinahaplos ang kanyang malapad na likod.
"Anak naman, bakit ngayon pa? Malapit ka na sanang magkaroon ng kapatid, napurnada pa," himutok ni Aidan habang nakatitig sa kawalan habang nakatulis ang nguso.
"Pwede pa naman mamaya, kapag tulog na talaga siya." Pag-aalo niya sa asawa.
"Talaga? Pwede pa mamaya?"
"Oo, kaya initin mo na yung ulam natin habang pinapadede ko ang anak natin, susunod ako sa kusina pag nakabalik na siya sa pagtulog." Taboy niya sa asawa.
Napapangiti na lamang siya ng makita ang lulugo-lugong Aidan habang patungo sa kanilang kusina.
Nahagip pa ng kanyang ang naghuhumindig na p*********i nito na hindi kayang itago ng suot nitong boxer short.