Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog. Naroon ang awa na nararamdaman niya sa asawa dahil hindi niya pa rin naibibigay ang pangangailangan nito bilang isang lalaki. Hindi kasi mawala ang takot niya na baka hindi niya ito maituloy dahil baka hindi niya pa kayanin ang makipagtalik. Tinitigan niya ang gwapong mukha ng asawa at bahagya siyang napangiti. "Hindi bale, babawi ako sa'yo kapag kaya ko na." Aniya. Maingat siyang tumayo sa kama at pinilit na huwag makalikha ng ingay para hindi magising ang dalawa. Dumiretso siya sa kusina at kinuha ang nakaimbak niyang harina. May left-over kasi silang tasty at malapit na ang expiry date nito kaya balak niya itong gawing bread crumbs. Gagawa siya ng pandesal para sa almusal nilang dalawa ni Aidan. Mula nang matuto siyang mag bake ay siya na mismo ang gumagawa ng tinapay na kakainin nila. Sabi nga nila, mas masarap pa rin ang lutong bahay dahil gawa ito sa pagmamahal. Nagsala siya ng tatlo at ikalahating cup ng all purpose flour at inilagay sa malaking bowl. Inihalo na rin niya ang 1 1/4 na tsp ng fine salt at tatlong kutsarang unsalted butter. Pagkatapos ay naghanda siya ng 1 cup na luke warm water at nilagyan niya ng isang kutsarang asukal. Tinunaw niya ito at inilagay ang 1 kutsarang instant yeast. Kailangan kasi ng asukal sa maligamgam na tubig upang ma-activate ang yeast at mag bubbles ito pagkatapos ng sampung minuto. Nang maging handa na ang yeast ay hinalo niya ito sa mixture niya ng harina at nagsimulang ihalo ito hanggang sa magpormang dough. Minasa niya ito ng mahigit trenta minutos hanggang sa maging makinis ang dough. Pagkatapos ay inilagay niya sa malaking bowl at tinakpan ng cling wrap at hinayaan sa isang tabi para sa proofing sa loob ng isang oras. Habang naghihintay sa pag-alsa ng dough ay inasikaso naman niya ang paglilinis ng maliit nilang sala. Pasalamat siya at mahimbing ang tulog ng kanyang mag-ama kaya malaya siyang gawin ang gusto niya. Masyado siyang focus sa pagpupunas ng bintana ng maramdamam niya ang pagyakap ng asawa mula sa likuran. "Good morning, thart..." Malambing nitong bati. "Nagising ba kita?" "Nope, I peed. Saw you getting busy kaya lumapit ako." Anito "Go back to sleep, it's just nearly four." "I can't, unless you will tuck me to bed?" "Mauna ka na, tapusin ko lang itong paglilinis." "You're really a tough cookie, instead magpahinga ka lalo mong pinagod ang sarili mo..." Anito. "Halika nga dito," "Aidan, put me down, okay?" "Nope, let's sleep." Pinal na wika ng asawa habang malalaki ang hakbang na pumasok sa kanilang kwarto. Maingat siya nitong inilapag sa kama at kinumutan. Kaagad rin itong tumabi at niyakap siya ng mahigpit. Ini-lock nito ang malalaking hita sa kanya para siguradong hindi siya makakawala. Dahil sa ginawa ng asawa ay ipinikit na lang niya ang mga mata para umidlip kagaya ng nais nito. "Good morning, sunshine!" Nakangiting bati ni Aidan sa kabiyak. "Huh?" Naalimpungatan niyang tugon. Bigla pa siyang napabalikwas nang maalala ang pinapaalsa niyang dough. "Breakfast in bed is ready, napadede ko na rin si Penny at napalitan na ang diaper. All you have to do is to eat, habang pinapaarawan ko si Penny." Ani Aidan sabay lapag ng tray na may mainit na gatas at bagong lutong pandesal at keso. Si Aidan na ang nagtuloy magluto ng tinapay na sana siya ang gagawa. "Sorry, nakatulog ako ng mahimbing," "No, please no. You don't have to apologize for taking a break. You're doing great, Momma!" Nakangiting sagot ng asawa. "I love you!" Nakangiti niyang sagot sa asawa bago ito umalis para paarawan ang kanilang prinsesa. Siya naman ay nag-almusal na para mahalinhinan ang asawa sa pag-aalaga ng kanilang anak dahil may pasok pa ito. "Nala... Sorry na, patawarin mo na ako, please naman oh!" Pagmamakaawa ni Carlo sa dalaga. Buong gabi siya na nag stay sa labas ng inuupahan nitong bahay para humingi ng kapatawaran, ngunit pinutakte na siya ng lamok pero hindi siya pinagbuksan ng dalaga. Nakailang yosi na ata siya sa buong magdamag para lang maitaboy ang antok at lamok ngunit nanatiling bingi ito. "Nala, please open the door... I won't do it again, I promise... Hindi ko lang napigilan ang sarili ko kasi ang totoo niyan-" nakailang hugot ng hininga ang binata bago itinuloy ang sasabihin. "Ang totoo kasi, mahal kita... Matagal na kitang gusto, Nala. Sinubukan ko naman pigilan yung nararamdaman ko kasi alam ko naman na hindi ako ang tipo mo. Kaso hindi ko napigilan na tuluyang mahulog sa'yo..." Kumpisal ng binata. Nanginginig pa ito habang nagsasalita. Tutop naman ni Nala ang bibig habang nakikinig sa mga sinasabi ng binata. Hindi niya sukat akalain na magagawang umamin ni Carlo sa nararamdaman nito sa kanya. At laking gulat niya nang marinig ito mula sa binata. Simula nang makilala niya si Aidan ay nanatiling naroon nakatuon ang atensyon niya at wala ng iba pa. Kahit pa sabihing ikinasal na ito at mayroon ng sariling pamilya. "Umuwi ka na, may pasok pa tayo mamaya. Get some sleep, baka sa puyat mo ay lalampa-lampa ka mamaya." Sabi niya sa binata. Batid niyang narinig nito ang sinabi niya dahil kaagad itong lumapit sa pinto. "Pinapatawad mo na ba ako?" "Pag-iisipan ko pa... Umuwi ka na, mas lalo kitang hindi mapapatawad kapag hindi ka pa umuwi. Kagabi ka pa mukhang tanga riyan!" aniya ng pagalit. "Talaga? Makikita ba kita mamaya sa trabaho?" "Of course, hindi ako maga-absent dahil sa'yo," aniya. Hindi man nila nakikita ang isa't-isa ay hindi maikakailang parehas sumilay ang isang ngiti sa kani-kanilang mga labi. "Sige, uuwi na ako ha? See you later!" Masiglang ani Carlo bago ito sumakay sa service nitong motorsiklo. Nang makaalis ang binata ay binuksan ni Nala ang pinto. Nakaramdam siya ng awa pagkakita sa nakatiklop na diyaryo sa lapag. Doon 'ata naupo ang binata sa loob ng magdamag. "Why you're making me feel sorry, when you are the one who wronged me?" Pabulong na wika ng dalaga habang iniimis ang diyaryo na ginamit ng binata. "Oy! Aga-aga, aakyat ka ng ligaw?" Tudyo ni Steve sa kasamahan ng makita nito ang pumpon ng bulaklak na bitbit ni Carlo. "Hindi lang 'yan, may tsokolate pa!" Dagdag ni Kian. "Binata na 'ata ang kaibigan natin mga 'pre, huwag na ninyong asarin at baka mahiya." Nakangiting wika naman ni Aidan. Naabutan niya kasi ang mga kaibigan na pinagtutulungan si Carlo. "Oo na, sino ba ang pinopormahan mo, Carlo?" Usisa ni Kian. "Pwede ba mga pare, huwag muna ninyo akong alaskahin. Dinadaga na nga dibdib ko eh, moral support naman diyan!" Nahihiyang ani Carlo sa mga kasama. "Oh siya, sige, ano bang maitutulong namin?" Ani Aidan. "Pagdating ni Nala, huwag naman ninyo kaming tuksuhin. Nahihiya na nga ako, baka mas lalo akong matunaw sa hiya kapag kinantiyawan ni'yo pa ako." "Yun lang pala, sure p're!" ani Kian. "Salamat mga p're, hayaan ninyo. Kapag naging kami ni Nala ay pinapangako kong hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay niya sa'akin." "Sa kanya mo sabihin 'yan, nariyan na si Nala oh!" Ani Steve. Pagkasabi ni Steve ng mga salitang iyon ay halos panawan siya ng ulirat sa tindi ng kabang nararamdaman. Bukod sa may atraso na siya kay Nala ay manliligaw pa siya rito. Sana nga lang ay hindi nito ihampas sa kanya ang bulaklak na ibibigay niya. "Magandang umaga muli, Nala... Para sa'yo nga pala." Aniya. " Saka itong chocolates, peace-offering ko... Alam ko malaki ang kasalanan ko sa'yo. Pero sana ay patawarin mo ako, ipinapangako kong magbabago ako at itatama ko ang lahat ng pagkakamali ko. Bigyan mo lang sana ako ng chance para patunayan ang sarili ko." "Tanggapin mo na, Nala. Alam mo bang ikaw pa lang ang binigyan niyan ng bulaklak. Mga ex kasi niyan nadala lang sa chat eh," ani Steve na nakangisi. "S-salamat, s-sana hindi ka na nag-abala pa..." Ani Nala ng nakayuko. Kinuha nito ang bulaklak na bigay niya pati ang mga tsokolate. Pagkatalikod ni Nala ay pinagtulungan ng magkaibigan na i-congratulate si Carlo noon ay kinikilig pa.