Matagal na nakatitig si Nala sa mga bulaklak na bigay ni Carlo. Hindi niya alam kung itatapon niya ito o dadalhin pa pag-uwi. She's still into Aidan, and yet Carlo suddenly did something indifferent and she doesn't really know how to respond.
"If I were you, I'll say yes to Carlo. He's a good man, kilala na natin at nakakasama nang matagal." Ani Steve na sumunod pala sa kanya para ilakad si Carlo.
"Nope, I beg to disagree, we will cannot fully known someone unless you live with that person in the same roof."
"Somehow, you are right. What I mean to say is that, kesa tumanggap ka ng manliligaw na hindi mo pa kilala. Eh di kay Carlo ka na lang, mas feel ko na safe ka sa kanya."
"I can see na tinutulungan ninyo si Carlo, but still, ako pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto o nararamdaman ko." Aniya. "Pero thank you sa concern ninyo na ayaw ninyo akong mapunta sa taong hindi mabuti ang intensyon sa'kin."
"Maliit na bagay, sige, I'll go ahead." Ani Steve.
"Okay, thank you!" Sagot niya.
"Nala, hatid kita mamaya ha!" Ani Carlo na kaagad lumapit sa kanya pagkaalis ni Steve. Dahil sa suportang natatanggap sa mga kaibigan ay lalo yatang lumakas ang loob ng loko.
"May lakad ako mamaya eh, salamat sa offer. Gusto ko sanang mapag-isa," she declined. Balak niyang magsimba at mapag-isa. Ilang araw na ring nangungulit si Carlo at mas lalo siyang naco-confuse. Mas gusto niya na munang mapag-isa.
"Ayaw mo ba ng driver? I'm willing to drive you around,"
"No, thanks. I want to go alone, I don't need anyone following me around. I want me time, and I meant it." Seryosong sagot niya. At kahit namilit pa ang binata ay hindi siya pumayag rito. Pagka out nila sa trabaho ay kaagad siyang sumakay ng taxi at nagpahatid sa tinutuluyan. Magbibihis lang niya ng damit at pagkatapos ay aalis din agad. She wants to go to church asap and cry to the Lord about her frustrations.
"Ate, bakit ka po malungkot?" Inosenteng tanong ng bata sa kanya. Hindi niya ito napansin na tumabi pala sa kanya.
"Ha? Hindi naman ako malungkot little boy," nakangiti niyang sagot rito. Ayaw niyang i-share sa bata ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib.
"Eh bakit ka po nakatulala?" Kulit nito.
"Kinakausap ko lang si Lord, sabi ko sa kanya na-"
"Bigyan ka ng dyowa?" Sabat nito.
"Aba't! Paano mo nalaman ang dyowa na term, five years old ka pa lang 'ata."
"So, tama ako? Dyowa ang hiling mo kay God?"
"Of course not!"
"Huwag kang mag-alala, 'yan din ang hanap ng Kuya Caloy ko!" Nakakalokong wika ng bata sabay turo sa likuran niya. Paglingon niya ay nanlaki pa ang mga mata niya nang makita si Carlo.
"What are you doing here? Didn't I tell you na gusto ko mapag-isa?"
"You did. It wasn't my intention na makita ka rito. My little brother insists on going here dahil gusto niyang magtirik ng kandila para sa yumaong parents namin." Ani ng binata. "Pasensya ka na rin sa kakulitan ng kapatid ko, ganyan lang talaga 'yan pero mabait naman."
"I see, okay." Nahihiyang sagot niya. Bakit ba kasi nag assume siya na sinusundan siya nito? Gusto niya na tuloy lamunin ng lupa.
"Ano pala ang pangalan mo, Ate? Paano mo nakilala ang kuya ko, single ka ba?"
"Obet, that's enough. Hayaan muna natin siya mag-isa... Let's go home."
"Ayaw! Gusto ko pa mag stay kay Ate, ikaw umuwi ka na."
"Obet, huwag matigas ang ulo, let's go..." Pilit ng binata. Ngunit mas lalo pang hindi pumayag ang bata at kumapit pa sa magkabilaang braso niya.
"Save me, please! Ayoko pang umuwi," ani ng bata habang umiiyak.
"I'm sorry, ganyan lang talaga siya kapag inaatake ng tantrums." Hinging dispensa ng binata.
"Okay lang pwede kang mag stay. Sabay tayong mag pray," pagpapatinaod niya sa hiling ng bata para tumigil ito sa pag iyak.
Matagal na niyang katrabaho si Carlo pero hindi niya alam na may kapatid pala itong maliit pa.
"Thank you..." Ani Carlo sa dalaga. Akala nito ay itataboy sila lalo ng dalaga dahil sa kapatid. Ngunit iba sa inaasahan niya ang reaksyon ng dalaga. Kaya naman mas lalo niya itong hinangaan sa kabaitang taglay nito. Sana nga ay magawa na siyang mahalin ni Nala, para parehas na silang maging masaya.
Time flies way too fast that in a blinked of an eye, Penny just turned ten months older today. Her not so little princess is growing gracefully that she couldn't help but fall in love with her even more everyday. To be honest, she thought that falling in love with Aidan is already the greatest love that she could ever give as a human. But she was wrong, hindi niya sukat akalain na mas higit pa ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa kanyang anak.
"I want to make some cakes for Penny." Aniya sa kabiyak isang gabi habang magkatabi sila sa higaan. Kakatapos lang dumede ni Penny at mahimbing na rin itong natutulog. Simula umpisa ay sinanay nila ito sa bote dumede at hindi palagian sa kanya para makaya nila itong maiwanan habang nasa trabaho siya. Since babalik rin siya sa paghahanap-buhay kaya kailangan nilang gumawa ng kaunting adjustments at buti na lang at nagtagumpay sila.
"Maghahanda ba tayo?"
"Hindi naman totally handa. Kaunting salo-salo lang. Invite lang family at close friends. Hindi naman kailangan magarbo ang handa. Ang importante naice-celebrate natin 'yong araw ng kapanganakan niya parati."
"Okay, wala naman problema sa'kin. Whatever my wife says, I'll follow."
"Kaya lalo kitang minamahal, masyado kang supportive!"
"Ganoon naman talaga dapat since we're husband and wife. We have each others back!" Anito sabay kindat sa kanya.
Mahigpit niyang niyakap ng mahigpit ang asawa bilang tugon sa sinabi nito.
"Hug lang? Can we go further?" Ani Aidan habang nangungusap ang mga mata. She nodded and she saw how her husband's eyes gleam with joy.
"Talaga? Totoo na? Wala na bawian, wala na bitin moments?" Excited nitong tanong.
"Yes, but..."
"But, what?"
"Withdrawal or you'll wear something in it?"
"What do you mean? I have never wear anything like that ever." Kunot-noong tanong ni Aidan.
"Kailangan nating mag-ingat, baka masundan kaagad si Penny, wala pa siyang isang taon."
"I'll take the first one," ani Aidan bago ito nagmamadaling pumailalim sa kumot at excited siyang pinupog ng halik.
Alam niyang sabik rin ang kanyang asawa kaya naman buong puso siyang nagpaubaya. As long as hindi siya nito bubuntisin kaagad gaya ng pakiusap niya ay wala siyang nakikitang problema. Isa pa, hindi rin niya itatanggi na nasasabik rin siya sa yakap at halik ng asawa. Matagal rin nilang hindi nagawa ang bagay na iyon simula manganak siya. At ngayong gabi... muli silang magiging isa.
"Does it hurt?" bulong ni Aidan. Napansin kasi nito ang bahagyang pag ngiwi niya.
"No, I'm fine..." malambing niyang wika sa kabiyak bago kinabig ang batok nito para halikan niya. Wala silang oras na dapat aksayahin. Penny might cry anytime para dumede at baka mahinto na naman sila sa ginagawa.
Tahimik na nakatitig si Nala sa batang si Obet na nakatulog na sa bisig niya. Sumama siya sa bahay ni Carlo dahil nakatulog na ang bata at tinulungan niya itong alalayan ang una dahil baka mabitawan ito.
"Thank you for spending your time with us, I am the happiest man right now dahil hindi ka nainis sa makulit kong kapatid."
"Mahilig ako sa mga bata, saka hindi naman siya sobrang kulit. Kita mo nga at nakatulog nang mag-isa."
"Yeah, ganyan siya palagi. Nag-aaya sa simbahan kapag may time ako..."
"Sino ang nag-aalaga sa kanya kapag nasa trabaho ka?" usisa niya nang mapansin na walang kasama sa bahay ang dalawa.
"Sa kaibigan kong si Suzy, teacher siya sa kindergarten. Kapag nasa trabaho ako siya ang incharge kay Obet. Sinasama niya sa ibang bata sa klase. Natututo na siya, nalilibang pa."
"Sinong Suzy?"
"A good friend of mine, matagal na siyang tumutulong sa akin, buhay pa ang Nanay, lagi na siyang nakaalalay sa'min. Ang laki nga ng utang ko sa kanya dahil sa kabaitan niya. Ayaw naman niyang tumanggap ng bayad."
"Baka may gusto sa'yo, hindi kaya?"
"Hahaha! Malabo 'yan, mestiso ang trip non ni Suzy. Isang hamak na pinoy lang ako at hindi na nga kapogian, hindi pa mayaman,"
"Bakit pera ba ang basehan pagdating sa pagmamahal?"
"Hindi naman sa gano'n, kung usapang praktikal siguro sa tingin ko hindi ako papasa kay Suzy. Sa iyo nga hirap ako eh, simple ka lang na babae." ani ng binata. "Saka she's just my childhood friend." pagpapatuloy nito.
Dahil sa sinabi nito ay biglang kumabog ang dibdib niya na tila ba may nagri-rigodon sa puso niya.
"If you say so, paano, mauna na ako?" pag-iiba niya ng usapan.
"Hatid na kita,"
"Huwag na. Huwag mo iwanang mag-isa ang kapatid mo. Kaya ko naman ang sarili ko,"
"Are you sure? Pwede ko namang tawagan si Suzy, siya muna ang bahala kay Obet..."
"Huwag na, next time na lang. Thank you, pakisabi na lang kay Obet na umuwi na ako kapag hinanap niya ako."
"S-sige... basta mag-iingat ka ha!"
"Oo naman. Lagi naman akong maingat." sagot niya bago umalis.
Ewan niya ba pero ayaw niyang makita ang Suzy na kinikwento nito. Isa pa, gabi na. Hindi magandang abutan ng madaling araw si Suzy sa bahay ng binata dahil sa kakahintay dito.