"Si Carlo mukhang inaaraw-araw ang panunuyo kay Nala, eh kayo Steve at Kian. Wala ba kayong balak maghanap ng aasawahin?" Aniya sa mga kasamahan ng mapansin ang kakaibang glow ng dalawa.
"Life is wonderful when you make a good use of it." Ani Steve. "No need lovelife when you're happy being single."
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sagot niya.
"Kumplikado masyado kapag may girlfriend or asawa. Ang daming bawal, ang daming dapat intindihin. I am single, wild and free. Bakit ko gagawing masalimuot ang buhay ko, aber"
"Naku, sinasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa natitisud ang the one, kapag nandiyan na, sigurado akong lulunukin mo 'yang sinabi mo." Natatawa niyang sabi.
"Naku huwag mo akong magaya-gaya sa inyo ni Carlo na nagpakabaliw na sa babae."
"Alam mo p're, tayong mga lalaki, we all become foolish when we're inlove. Maybe hihintayin ko ang araw na tumibok 'yang puso mo. And I'm telling you baka mas malala ka pa sa'min ni Carlo," natatawang wika niya.
"Magkano ang pusta mo?" Nakangising hamon ni Steve.
"Pusta para saan?"
"Na forever akong single at hindi magkakandarapa sa isang babae."
"I am warning you, Steve... Mahirap magsalita ng tapos. The most hardest thing to admit as a man is to realize you f****d up."
"I am sure I will win, no worries p're!" Confident na sagot ni Steve.
"Okay, call!" Aniya sabay kamay sa kasama.
"Eh, ikaw Kian, pupusta ka ba?" Baling niya sa isa.
"Naku, huwag ninyo akong dinadamay sa kalokohan ninyo at nananahimik ako." Iwas nito.
"Ayaw mo rin maghanap ng mapapangasawa o meron nang nakita ayaw lang ipakilala?" Usisa niya.
"Wala pa naman, at kung mayroon man hindi ko sa inyo agad ipapakilala hangga't hindi ako sure na siya na ngang talaga. Ang lalakas pa naman ninyong mang alaska," ani Kian na ikinahalakhak nila ni Steve.
"Okay, you're the boss!" Magkapanabay na wika nila ni Steve.
Sa totoo lang may dalagang umuukopa sa isip ni Kian. Nakasabay niya lang iyon sa elevator nang minsan siyang mapadaan sa SM. Sa sobrang amo nang mukha ng babae ay hindi mawala sa kanyang isipan. Na kada pipikit siya ay nakikita niya ito sa kanyang balintataw.
'Sana makita ko siya ulit,' piping hiling ni Kian habang tahimik na nakatingin sa kawalan.
"Hi, Nala... Pwede bang makuha ang number mo? Kinukulit kasi ako ni Obet eh, hindi ka niya makalimutan." Ani Carlo.
"Bakit daw?"
"May cellphone kasi ang batang 'yon, binigyan ko since palagi akong wala. Just in case may kailangan siya ay matatawagan niya ako kaagad."
"Here." Aniya sabay bigay ng maliit na papel na may nakasulat na mga numero.
"Thank you! Matutuwa 'yon panigurado!"
"Kay Obet 'yan ha! Hindi sa'yo!" Aniya.
"Oo, para kay Obet." Ani Carlo sabay kindat.
Sa hindi mapaliwanag na pagkakataon ay napapitlag ang puso niya nang makita ang ginawa ng binata.
Kinapa niya ang sarili dahil sa naramdaman. Nahuhulog na ba siya sa manliligaw?
"Ihatid rin kita mamaya ha. Kung papayag ka sana ay gusto kong ihatid-sundo ka. Parehas naman tayo ng pinapasukan eh, pwede ba?" Pakiusap nito.
Sa kanyang pagkagulat ay isang tango ang isinagot niya sa kausap bilang pagsang-ayon huli na ng mapagtanto niya ang ginawa dahil hindi na niya ito mababawi pa.
"Yes!" Galak na sigaw ng binata.
"Lumayas ka nga sa harapan ko at baka makita ka pa nila Steve. Mamaya inulan na naman tayo ng pang-aasar ng mga 'yon," taboy niya.
"Opo, mahal na prinsesa. Maya ha!" Ani Carlo sabay kindat muli sa kanya. Napapailing na lang siya sa inaasal ng binata. Maya-maya pa ay lumipad ang tingin niya kay Aidan na masayang nakikipag-usap sa telepono. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ang kausap nito dahil tiyak ang mag-ina nito ang kahuntaha dahil sa saya na nababakas sa mukha nito.
Ganyan ba talaga ang nagmamahal at minamahal? Kung ibibigay niya ang puso niya kay Carlo, ganoon rin kaya sila kasaya?
"Hello, thart! Kumusta kayo ni Penny?"
"Mabuti naman kami, makulit na itong anak mo, pilya ring kagaya mo!" Ani Emerson.
"Naku, ako ba ang pilyo o ikaw?" Ani Aidan na ngiting-ngiti.
"Hindi ah, ikaw kaya 'yong pilyo."
"Weeh, parang hindi naman. Kagabi parang ikaw 'ata ang pilya sa'ting dalawa." Aniya. Natawa pa siya ng magblush ang asawa sa sinabi niya. Inaasar niya lang ito dahil sa pagiging mapusok nito nang magniig sila.
"Aidan, huwag mo akong aasarin dahil baka hindi ka na makaulit." Banta ng kabiyak.
"Ay, huwag naman! Sorry na. Tatahimik na po ako!"
"Ganyan dapat, huwag kang mapang-asar. Kung hindi ay outside the kulambo ka mamaya, hmp!"
Natawa na lang siya sa inasal ng asawa. Aywan niya ba ngunit habang tumatagal ay lalong gumaganda sa paningin niya ang asawa. Para itong wine na habang tumatagal ay lalong sumasarap.
"Ang lagkit ng tingin mo sa'kin mister. Tusukin ko 'yang mata mo!" Natatawang sambit ni Emerson sa asawa. "Sige na, mamaya na tayo mag-usap at aadikasuhin mo pa ang anak mo." Ani Emerson sa asawa.
"Sige thart, mahal ko kayong dalawa. Mag-iingat maghapon
Uuwi akong maaga mamaya,"
"Ikaw ang mag-ingat dahil masyado delikado ang trabaho ninyo. Pakikumusta na lang ako sa mga kasamahan mo riyan. Ang tagal ko na ring hindi nakikita ang mga 'yan,"
"Hayaan mo pag first birthday ni Penny ay imbitahan natin 'tong mga kumag. Inaanak naman nila ang prinsesa natin."
"Ay, oo nga pala! Sige, gusto ko 'yan!"
"Sige thart, asikasuhin mo na 'yang anak natin. Magta-trabaho muna ako. I love you both!"
"Yaay! Ang tamis!" Alaska ni Steve sa kanya.
"Huwag mo akong inaasar, Steve. Baka mas malala ka pa sa akin kapag ikaw naman ang umibig. Alalahanin mo may pustahan tayo." Pagpapaalala niya sa kaibigan.
"Oo, hindi ko nakakalimutan at sisiguraduhin kong ikaw ang talunan p're." Ani Steve sabay halakhak ng malakas.
"Huwag kang pakakasiguro, hindi pa ako natalo sa pustahan," sagot niya.
"Hoy, magsitigil kayo. Ginagawa ni'yo nang laro ang pag-ibig." kunwa'y saway ni Carlo.
"Porke't may Nala ka na. Ganyan ka na ha!" ani Steve sabay kutos kay Carlo.
"Puro kayo kalokohan, may sunog sa Camarin, halina kayo!" ani naman ni Kian.
Dahil sa sinabi ni Kian ay para silang kidlat na dagliang nagsikilos para umaksyon.