CH: 16

2102 Words
"Hello po, Ate Nala, si Obet po 'to. Kumusta po kayo?" Ani ng isang batang makulit na kaagad tumawag sa kanya makailang oras bago niya ibigay kay Carlo ang number niya. "Hi, Obet... Okay naman ako, ikaw?" "Okay naman po ako, nandito ako sa school kasama si Ate Suzy. Nagda-draw kami bilang activity." "Wow! Ang galing naman, pakita mo sa'kin ang ginuhit mo kapag may time tayo ha?" "Opo, kapag nagkasabay po tayo sa pagsisimba. Ipapakita ko po sa'yo!" "Very good, Obet.. Mag aral mabuti ha?" "Opo, Ate..." Napangiti siya sa pagiging magalang ng bata sa kabila ng lahat. "Obet, sino ang kausap mo? Tapos ka na ba sa pinapa-draw ko?" Tanong ng isang babae. Napakalambing ng boses nito at kaysarap sa tengang pakinggan. Ito na ba si Suzy? "Opo, titser!" Sagot ng bata. "Patingin nga, sino ang ginuhit mo?" "Si Kuya Carlo, ako at s-" "Ako ba itong girl, Obet? Ngayon ka lang nag draw ng girl na kasama ninyo ng kuya mo ah!" Tila kinikilig na wika ng babae. "Hindi po ikaw 'yan, titser! Si Ate Nala po 'yan. Yung nililigawan ni Kuya Carlo..." Ani ng bata. "Nililigawan? May nililigawan na si Carlo?" Gulantang na tanong ng babae. "Opo, at ang ganda niya po, titser! Excited na akong maging sila ni Kuya. Para dalawa na ang magtuturo sa akin mag aral." "Ganoon ba? Sige, okay lang. Pero mas maganda kung ida-draw mo rin ako sa tabi ng Kuya mo. We're family naman 'di ba?" "Sige po, titser!" "That's my boy!" Lingid sa kaalaman ng dalawa ay tahimik siyang nakikinig sa usapan ng mga ito. At kung hindi siya nagkakamali sa basa kay Suzy. Malamang nga ay may gusto ito kay Carlo kaya ginagawa nito ang lahat para mapalapit sa magkapatid. "Family, my foot!" Bulong niya bago pinatay ang telepono. All of the sudden, she felt the urge of meeting Suzy anytime soon. She has the feeling that she will consider this lady as one of the villain in her life's story. Samantala, abala naman sila Aidan sa pag responde sa sunog sa isang subdivision. Umabot sa pangatlong alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ang apoy. Kinailangan rin nila ng back-up para tuluyang maapula ito. Buong puso nilang nilabanan ang apoy hanggang sa maapula ito. Buti na lamang at walang ibang bahay ang nadamay at walang buhay ang nasawi. "Kayo po ba ang may-ari ng bahay?"tanong niya sa dalaga na tulala at tila wala sa sarili. Nakasuot lang ito ng damit pambahay at puno ng uling ang buong katawan. "Sa parents po namin," nangingilid ang mga luha nito habang sumasagot. "Ikaw lang ba mag-isa rito? Nasaan ang kapamilya mo?" "Nasa abroad ang mga magulang ko. Yung kapatid ko naman na isa hindi ko alam kung nasaan." Tila nasa state of shock pa ang dalaga kaya halos hindi ito makausap ng maayos kaya iniwanan niya muna ito saglit para makabawi. "Miss?" Untag ni Kian sa dalaga. Tahimik lang ito sa sulok habang patuloy na umaagos ang luha. Sa tingin niya ay labis itong nasaktan sa pagka abo ng bahay nito. "May panyo ako rito... Sa'yo na lang, malinis 'yan," ani Kian habang matiim na nakatitig sa dalaga ngunit hindi siya nito pinansin. Naupo siya sa tabi nito dahil gusto niya sana itong patahanin, yakapin at i-assure na magiging maayos din ang lahat. Ngunit wala siyang lakas ng loob dahil wala naman siyang karapatan. Hiniling niya na muling makita ang babae, ngunit hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan niya ito muling masisilayan. "Aria!" Tawag ng isang humahangos na lalaki. Kaagad nitong niyakap ang dalaga nang makalapit. "What happened? Are you okay? Are you hurt?" Umiiyak lang ang dalaga at ni hindi man lang sumagot sa yakap ng lalaki. Hindi niya matagalan ang ganoong tanawin kaya mas pinili na lang niyang tumalikod at maglakad papalayo bilang respeto sa dalawa. Mukhang nahuli siya sa pagkakakilala sa dalaga dahil may katipan na ito. "Hoy, Carlo! Anong nangyari sa'yo?!" Malakas ang boses ni Steve nang makita ang katrabaho na nakasalampak ng upo sa damuhan habang sapo ang kanang paa nito. "Tsine-tsek ko sana nang maiigi ang buong area kung may apoy pa. Nakatisod naman ako ng katana sa banda roon." "P*tragis! Sa lahat naman ng makakadaupang paa mo ay katana pa!" Ani Steve. "Kian, tulungan mo akong dalhin sa ospital 'to. Baka maubusan ng dugo eh mayari pa tayo ni Nala, baka sabihin pinabayaan ang darling niya." pabirong dagdag nito. Masyadong matalim ang katana na nabutas nito ang suot na bota ni Carlo. Dahilan upang maabot nito ang paa ng binata. Malalim ang pagkakatusok nito kaya naman nag-uumalpas rin ang dugo sa sugat. Pagkagaling sa ospital para malapatan ng lunas ay pinauwi na diretso si Kian para makapagpahinga. Hindi naman ito makakapagtrabaho gayong pipilay-pilay dahil sa sugat na natamo. Pinaalam na rin nila kay Nala ang nangyari sa binata at sinabing maayos na ito at nagpapahinga muna sa bahay. Dahil doon ay nagpasya ang dalaga na dalawin ang magkapatid pagkaout niya sa trabaho. Bumili rin siya ng pasalubong para kay Obet at mga prutas para sa binata. "Kumusta?" Aniya sa binata pagbungad niya rito. "Ikaw pala Nala, tuloy ka," tarantang aya sa kanya ni Carlo. Naabutan niya ito sa terasa ng bahay nito at nagpapahangin. Nang gabing iyon lang niya nakita na nakahubad-baro ang binata at nakashort. Labas ang matipunong dibdib nito at abs sa tiyan. "Salamat, si Obet?" Tanong niya habang iniiba ang paningin. "Nasa loob, pinapatulog ni Suzy." "Yung childhood sweetheart mo?" Sarkastiko niyang tanong habang nakatikwas ang kilay. "Childhood friend," nakangiting pagtatama sa kanya ng binata na wari'y nag-eenjoy sa reaksyon niya. "Okay, para sa kanya itong dala ko. Heto namang prutas para sa'yo. Magpagaling ka na kaagad para makapasok ka na sa trabaho." Aniya. "Salamat, masarap pala ang magkasakit kasi inaalagaan mo ako," pilyong sabi ng binata habang nakangiti. "Ngayon lang 'to, huwag kang assuming Carlo!" Nandidilat ang mga matang sagot niya na ikinahalakhak ng binata. "May bisita ka pala, gabi na ah..." Ani ng isang tinig sa bandang salas kaya otomatikong nilingon niya ito. Isang dalaga na sa tingin niya ay 5 flat ang taas. May kulay ang kulot na buhok at balingkinitang katawan. Kita rin ang pagiging kutis koreana nito. Kaya pala nasabi rati ni Carlo na hindi ito papasa sa dalaga. "Oo, si Nala ngapala. Nala, siya naman si Suzy." Pagpapakilala ng binata sa dalawa. "Ikaw pala yung kinikwento ni Obet sa'kin, nice to meet you!" Nakangiting wika ng dalaga sabay lahad ng mga kamay nito. "Nice to meet you, too!" Nakangiti rin niyang sagot. Nagulat pa siya ng marahang pisilin ng dalaga ang mga kamay niya. "By the way, tulog na si Obet. Ikaw ba hindi pa matutulog?" Baling nito sa binata na ikinatikwas na naman ng kilay niya. Para kasing pinapalayas na siya nito. "Yeah, it's late na... Magpahinga ka," aniya. "Mamaya na lang siguro, kwentuhan muna tayo, Nala. Suzy, I know you're tired... Magpahinga ka na kaya?" Ani Carlo. "Well, I'm tired but..." "But?" "Gusto kong makasigurado na okay kayo ni Obet. Mind if I stay here with you? Don't worry sa gabi lang naman at kay Obet ako tatabi." "Ha? Are you freaking serious?!" Hindi niya napigilang sabi sa dalaga. "Why? Calm down... Hindi na bago sa'kin na magpalipas dito ng gabi. I mean this is not the first time, hello?" Ani Suzy. "Hindi na kailangan, Suzy. Thank you sa effort pero kaya ko naman. Paa ko lang naman ang nasugatan. Trust me, kaya ko na. Ikaw ang magpahinga muna kasi alam ko rin na pagod ka..." "Fine!" Ani Suzy sabay tayo. Nagdabog pa ito bago tuluyang umalis. "So immature," bulong niya habang pinagmamasdan papalayo ang dalaga. "Huwag mo ng pansinin 'yan, ganyan lang talaga siya kapag may saltik," ani Carlo. "Okay, ngapala. Ano bang nagyari sa'yo?" "Accidents do happen, it will hit you when you're unprepared and vulnerable. I guess that is what happen to me. Hayaan mo na. Wala namang nadaling ugat, gagaling din 'to kaagad." "Mag-iingat ka kasi sa susunod," "Opo, Madam..." Pabirong sagot nito. "Nagdinner na ba kayo?" "Yup, si Obet kumain na. Nagluto si Suzy para sa'ming dalawa. Ako hindi pa, busog pa ako eh." "Hindi ba't may iinumin kang gamot? Ba't hindi ka pa kumakain?" "Wala akong gana eh." "Kahit wala kang gana, pilitin mo pa ring kumain, paano ka gagaling niyan kaagad." Aniya sa binata. Hindi na niya ito hinintay na sagutin siya dahil nagtungo na siya kaagad sa kusina nito. Binuksan niya ang ref ng binata para tingnan kung ano ang dapat lutuin ngunit nadismaya siya nang makita na wala halos itong laman. Paika-ika siyang sinundan ng binata. "Ipagluluto mo ako?" May kislap ang mga matang tanong ng binata. "Yup, anong gusto mo?" "Anything you prepared is fine with me." "Hindi ka man lang nag grocery ng makakain ninyo ng kapatid mo. Wala ka halos gulay sa ref, wala ring gaanong meat or even fish, napakakunti. How can you balance your healthy diet with this? What I saw is some noodles, did you know that's not healthy?" "Huwag ka na magalit, 'yan lang kasi ang mabilis lutuin. Lalo kapag pagod na ako, si Obet naman minsan si Suzy ang nagluluto." "I see, but as soon as gumaling ka. Please promise me that you'll gonna eat healthy. We are what we eat, if we eat healthy, we are healthy. But if you eat bad foods then don't be surprise if you'll get sick later in your life." Sermon niya. "Copy that, Madam..." "Madam ka diyan!" Simangot niya rito. Muli niyang binuksan ang ref ng binata at nakita roon ang ilang pirasong itlog, kamatis at halos pabulok ng pechay. Sa taas ng estante nito nakalagay naman ang sandamakmak na instant noodles. Pagkabukas niya sa fridge ay tumambad sa kanya ang ilang pirasong manok, hotdog, tilapia at hipon. Ginisa niya ang kamatis sa kaunting mantika habang kumukulo ang tubig sa kaserola. Pagkatapos ay inilagay niya ang ginisang kamatis sa tubig. Maya-maya pa ay nilagay niya ang kalahating parte ng instant noodles at seasoning at hinayaan itong lumambot. Kapagkakuwa'y inilagay niya ang tatlong pirasong hipon na tinanggalan na niya ng dumi sa likod nito. Nang magkulay orange na ay inilagay naman niya ang pechay at panghuli sa gitna ang isang pirasong itlog. Nang bahagyang maluto ang itlog ay inihain na niya ito sa binata. "This is still not a healthy food, totally not recommend it. But I don't have a choice. At least you can sip some hot soup and eat some veggies and you also have protein." Ani ng dalaga. "Kumain ka na," ani ng dalaga. Tinulungan niya itong maupo sa silya at ipinaghanda ng makakain. "Wow! Ang sarap ah! Kasi kapag nagluluto ako ng noodles, plain lang eh. Hindi ko na hinahaluan ng kung anu-ano. Mas masarap pala haluan ng gulay at iba pa." Ani ng binata. "Tigilan mo na 'yang kakapuri mo at kumain ka na. Late na rin," aniya sa binata habang pinagbabalat ito ng orange. "After mo niyan ay kainin mo 'tong prutas mo." "Opo, Madam... Thank you!" Natawa na lang siya sa inasal ng binata dahil ang saya nito sa simpleng pagkain na inihain niya. "After you eat, uuwi na rin ako..." Aniya. "Hatid kita," "No, stay. Magpahinga ka ng maayos." Sagot niya. "Oh, okay. Basta mag-iingat ka. Please call me kapag nakauwi ka na sa inyo." "Okay." Pagkatapos ng binata na kumain ay siya na rin ang nag imis ng mga ginamit nito. At pagkatapos ay nagpaalam na rin na uuwi. Hindi na siya pumayag na ihatid siya nito kahit pa nagpumilit ang binata. Tahimik siyang naglalakad sa eskinita ng magulat siya dahil may biglang humawak sa braso niya. "Stay away from Carlo. He's my man." Ani ng pamilyar na tinig at hindi na niya kailangan pang lumingon para mapagsino ito. "Is he?" "I don't want seeing you again, and I hope I made myself clear. Huwag kang pumasok sa buhay ng magkapatid dahil akin silang dalawa, naiintindihan mo?" "Paano kung ayaw ko?" "You'll never want me to become your enemy, believe me." "Stop threatening me, Suzy. If they are yours you don't have to order me anything dahil sila mismo ang lalayo sa'kin. But with the looks of it, you got it all wrong." "I'm not kidding around, Nala. Stay away from Carlo. He is mine." Matigas na wika ni Suzy bago siya nito iniwanan. Naiwan siyang nakakuyom ang kamao. Sa lahat ng ayaw niya ay ang mga bully na akala mo kayang magmando ng ibang tao kapag ginugusto ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD