"Hi Carlo, good morning!" Masiglang bati niya sa binata. Linggo ng araw na iyon at sinadya niya ang mga ito sa kanilang bahay para bisitahin.
"Magandang umaga rin, napadaan ka 'ata. Namiss mo ba ako?" Pabirong sagot ng binata.
"Si Obet ang nami-miss ko hindi ikaw, where is he?" pagkakaila niya.
"Aray!" Malakas na sigaw ng binata habang sapo ang dibdib nito. Bigla naman siyang kinabahan kaya agad niya itong nilapitan.
"What happened? Are you hurt or something?" Alalang tanong niya.
"You're worried... Why?" Seryosong tanong ng binata habang hawak ang magkabilaan niyang kamay. Nakatitig ito sa kanyang mga mata na waring nang-aarok. Nagsusumamo na sana oo ang sagot.
"Ahmm, k-kasi sumigaw ka eh. A-akala ko napaano ka na," nagkandautal niyang sagot.
"Did I earned a spot in your heart already, Nala?"
"Stop dreaming, I am here because I was thinking about Obet without having any healthy food." Kaila niya. "At isa pa, namili rin ako ng kakainin ninyong dalawa. Para hindi pulos instant ang alam ninyong laman tiyan." Aniya sabay angat ng dalawang grocery bag sa magkabilaang kamay.
"No matter what is the reason, I am happy that you are here, please feel at home." Ani Carlo bago imuwinestra ang daan patungo sa kusina nito. "And that groceries is not for free. I am going to pay it back."
Wala na siyang inaksayang panahon dahil kaagad niyang inihanda ang mga balak niyang lutuin. Her mission is to let them have a decent meal that day. And that is what she's going to do.
"I'm home, may dala akong palabok. May tinda si Aleng Percy, bumili na ako para may almusal kayo." Ani Suzy. "Tara, kain tayo?"
"Ehem, I'm here. You can bring it back, ako na ang bahala sa kakainin nila for today. I'll cook something delicious and healthy, no offence." Sabad niya sabay kindat kay Suzy na waring nang-uuyam.
"You're here again?"kunot-noong tanong nito.
"Carlo is my friend and he was injured. It's my restday so I paid him a visit, was it illegal?" Nakatikwas ang kilay na sagot niya.
"Of course not! I'm just shocked na all of the sudden may gumagawa na ng mga bagay na ako ang gumagawa."
"Ladies, huwag sana kayong mag-away. Both of you are special to me, at least in different way." Ani Carlo.
"Mukhang busy kayo rito, aalis muna ako to make you feel relax. Thank you for your help, Nala. I owe you big time." Ani Suzy na may nakaplaster na pekeng ngiti.
"Oh, please, don't mention it. My pleasure." Aniya sa nakakalokong ngiti. Gusto niyang asarin ito para mailabas ng dalaga ang tunay nitong kulay sa harapan ng magkapatid nang sa gayon ay malaman ni Carlo ang tunay nitong pakay sa kanya.
"Ate Nala, heto po yung drawing ko noong isang araw. Tingnan ni'yo po!" Excited na wika ni Obet habang bitbit and A4 size bond paper at iniabot sa kanya ang artwork nito.
"Wow! You've got an eye with art." Puri niya sa bata.
"Mas lalo ko pa pong gagandahan sa susunod, Ate."
"Okay, goodluck!" Aniya sabay yakap sa paslit. "I'm rooting for you!"
Matapos kuhanin ni Carlo ang kapatid ay naging abala na siya sa pagluluto ng pagkain ng dalawa. Pagkaing sigurado siyang healthy na masarap pa. Napangisi pa siya nang maalala ang hitsura ni Suzy pagkakita sa kanya. Akala siguro nito ay nasindak siya noong gabing iyon. Pero nagkakamali ito.
After kumain ng magkapatid ay inasikaso naman niya ang sugat ni Carlo habang nagsi-siesta naman si Obet. Nakaupo si Carlo sa silyang kawayan habang siya ay sa maliit na upuan para mas abot niya ang sugat nito.
"Thank you so much, Nala. Hindi pa man tayo pero napakaswerte ko na to experience this from you." Ani Carlo.
"Maliit na bagay."
"Huwag ka sanang magsawa sa amin ni Obet, hindi pa man nangyayari pero natatakot na ako..."
"You're thinking too much,"
"I can't help it. Mahal talaga kita kahit noon pa man, at mas lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na nagdaan." Ani Carlo habang ginagagap nito ang pisngi niya. Maya- maya pa ay iniangat nito ang mukha niya sa pamamagitan ng paghawak nito sa baba niya.
Napatitig siya sa mga mata nito at may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya na mag iba ng paningin. Ang alam lang niya ay kusang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang paglapat ng mga labi ni Carlo sa labi niya. Sa una ay dampi lang ang ginawa nito ngunit hindi siya nagpumiglas. Sa halip ay kusang gumalaw ang mga kamay niya at humawak sa mga kamay ng binata. Dahil doon ay biglang lumikot ang labi nito at naging mapanudyo at mapang angkin. Mas lalo siyang nalasing dahil sa ginawa ng binata at ang huling natatandaan niya ay naglulumikot na rin ang mga dila niya na tila ba nakikipagpaligsahan sa dila ng binata.
"Kuya? Ate? Ano pong ginagawa ninyo?" Ani Obet na pupungas-pungas pa. Nagising daw ito dahil nakaramdam nang tawag ng kalikasan.
"Huh? Ah, wala Obet. Uuwi na ako. Maiwan ko na kayo," nagmamadali niyang sabi bago kinuha ang bag niya sa upuan at halos patakbong lumabas ng bahay. Sa sobrang bilis niyang maglakad ay hindi niya napansin na nasa paradahan na pala siya ng jeep.
"What did you do, Nala?" Kastigo niya sa sarili habang nakakagat labi. Hindi niya sukat akalain na gagawin niya ang nakakahiyang gawain na iyon sa kabila ng katotohanan na si Aidan ang laman ng puso niya.
Samantala tahimik namang nakatingin si Steve sa larawan ng isang babae. Napulot niya ito sa bahay na natupok ng apoy kumakailan lamang. Hindi niya intensyon na itago ang larawan na iyon ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na itago ito. Napakaganda ng babae sa kanyang litrato. Sopistikada ang hitsura. Hula niya ay may dugo itong Japanese dahil sa hitsura nito.
"I wonder kung ano ang pangalan mo. You keep invading my mind for quite sometime and I don't even know why." Bulong niya bago ibinalik sa kanyang wallet ang larawan ng babae. "If you can't stop running into my mind, then I might as well do something to meet you halfway."
Buo na ang desisyon niya. Hahanapin niya ang babae para magpakilala. And if she is single pagkakataon niya na para manligaw.
Nang mga oras na iyon ay naroon rin sa nasunog na bahay si Kian. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nakakausap ang babaeng patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.
"Excuse me, is there something I can help?" Ani ng babae sa kanya.
"Oh! Hi! I'm Kian Ledesma, isa ako sa firefighter na rumesponde the other day." Aniya sabay lahad ng kamay para magpakilala. Buti na lang at mabait ang babaeng iyon dahil iniabot nito ang kamay niya.
"I'm Aria Watanabe, nice to meet you!" Anito habang nakangiti. "Bakit ka nga pala naparito?" Tanong nito.
"Ahm, kasi..." He felt uneasy and couldn't find the words to speak. "Nakasabayan kasi kita sa elevator ng isang mall. And since then, I prayed so hard na sana ay makilala kita and it happened suddenly."
"You prayed just to meet me?"
"Yeah... Real hard," sagot niya. Ewan niya kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa dalaga.
"I am glad that there is someone out there who's actually interested on meeting me. But I don't need it at this time. I may be moved back to Japan in few days. And I'm afraid that I'm not gonna come back." Mahabang sabi ng dalaga. "But I am really happy knowing that there is you who thinks that my existing really matter. I appreciate it so much." Ani ng dalaga sa nangingilid na luha.
"A-are you s-serious?"
"This house is so important to me because of my mother. I can't leave this country because of this wonderful house and the memory that it holds. But now, I've lost even this house and I don't have a reason to stay anymore."
He was stunned with what he heard. He guess that his love story has ended even before it started.
"Mauna na ako Kian, thank you for the visit. Take care!" Ani ng dalaga bago nito isinara ang gate ng bahay nito.
Laglag ang balikat na nilisan niya ang lugar na iyon. Sobra pa sa break-up ang sakit na nararamdaman niya. Ni hindi man lang niya naipakita sa dalaga ang pagmamahal na mayroon siya para rito. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang pagdating naman ni Steve sa bahay ni Aria. Just like Kian, Steve is bewitched by Aria's beauty. These two dude might be holding the same woman in their hearts.
"Alam mo ba, thart... Si Carlo mukhang magkakagirlfriend na. Si Steve naman nakikipagpustahan sa'kin na never daw siyang makikipagrelasyon," kwento ni Aidan sa asawa habang pinapaarawan nila si Penny.
"Love is not a game na pwede kang makipag pustahan. Seryosong bagay 'yan kasi the other person you are referring might be the person na makakasama niya throughout his lifetime. " Sagot niya.
"I know, pero alam mo naman kaming magkatuwaan. Pero mukhang seryoso siya na ayaw niya ng commitment."
"So, ano pala gusto niya? f**k buddy? One night stand. Fling?"
"I don't know, posible pa 'yang magbago kapag nakatagpo na niya ang magpapakita sa kanya na masarap ang commitment basta nasa tamang tao ka," ani Aidan. "Parang tayo 'di ba? We both signed a contract with lifetime commitment and yet we are the happiest kasama ng anak natin. Kapag nakahanap sila ng kagaya mo, they will know that marriage is always worth it."
"Mali ka, sweetheart. Not everyone should be like me. Everyone is unique and special in their own way. Some people might look for that uniqueness before falling inlove with that person." Sansala niya.
"On point! Iyon nga ang nakita ko sa'yo kaya minahal kita ng todo."
"It goes to other people too," aniya.
"Naks, ang lalim manalita ng asawa ko ah, nakakaakit." Ani Aidan sabay kurot ng pino sa puwetan niya.
"Hey! Makita ka ng mga kapitbahay."
"Eh ano naman? Kurutin din nila mga asawa nila."
"Ikaw talaga, umayos ka nga. Huwag kang masyadong mag PDA riyan at baka ano pa isipin ng mga kapitbahay natin. Asikasuhin mo si Penny at gagawa ako ng almusal natin." Aniya sa asawa.
Pumasok na siya sa loob para magluto ng kanilang agahan. Gumawa siya ng loaf bread kahapon kaya naman balak niyang gumawa ng sandwhich. Meron na rin siyang pinalambot na carrots at patatas na nilagyan niya ng plain mayo at hard boiled egg, samahan na lang din ng isang dahon ng lettuce. Prito ng ilang pirasong hamon at kapeng mainit. Solve na ang kanilang agahan.
Pagpasok ni Aidan ay nakatulog na ang anak nila kaya may oras siya para asukasuhin ang asawa. Inihanda na niya ang mga gagamitin nito sa trabaho. Para hindi na ito mahirapan sa pagprepara.
"Thank you sa pag-aalaga sa amin ni Penny. Mahal kita!" Ani Aidan bago humalik sa mga labi niya.
"Mahal din kita, kaya sige na. Pumasok ka na sa pagtatrabaho. Marami pa tayong insurance na babayaran." Natatawang sagot niya.
"Mamayang gabi pag-uwi ko dapat nakaligo ka na ha? I miss that," ani Aidan sabay nguso sa katawan niya.
"Naku, lagi mo naman nami-miss. Sige na, alis na at baka saan pa mapunta ang usapan natin ngayon." Natatawa niyang taboy sa asawa.
"Basta mamaya ha?" Natatawang sagot ng asawa bago ito tuluyang lumabas ng bahay. Inihatid na lang niya ito ng tanaw bago tuluyang isinara ang pinto.