FEW MONTHS LATER... "After so much twist and turns, Jack finally have Jill, hehe!" pabirong wika ni Aidan habang nakatitig sa tatlong pares ng magkasintahan na nasa harapan niya. Off duty nila kaya nagkatuwaan ang lahat na magsama-sama bilang pag-celebrate sa new found love nila Steve, Kian at Carlo. Napagdesisyonan ng grupo na magtungo sa maliit na farm ni Steve at doon mag celebrate. Bilang host ng pagtitipon, sina Steve at Ari ang nagprepara ng mga kakainin ng mga kaibigan. Hindi naman mahirap gawin iyon dahil kumpleto ang farm ng binata sa mga kakailanganin. Literal na from farm to table ang tema ng pagtitipon na iyon dahil lahat ng handa nila ay galing mismo sa farm ng binata. Larawan ang mga ito ng masaya at kuntentong nilalang kasama ng mga babaeng nagpapatibok sa kanilang mga p

