Abala si Nala sa kusina para ipagluto ang kasintahan at si Obet. Nagprisenta siyang magluto para sa dalawa dahil tiyak niyang magusustuhan ito lalo na ng paslit. Ang dalawa naman ay naglalaro ng video games sa sala. Hindi niya na inabala pa ang magkapatid para mag-enjoy pa lalo ang mga ito sa kanilang bonding. Tinawag niya na lang ang dalawa pagkatapos niyang makapaghain. "Ang swerte namin ni Kuya Caloy ko, may nag-aalaga na sa amin lagi." ani Obet. "Naku, Obet, kabata-bata mo pa, bolero ka na." kunwa'y saway ni Carlo. "Huwag ni'yong sasabihin na maglolokohan pa kayong dalawa sa harapan ng pagkain?" saway niya. "Ito naman si Kuya, nagsasabi lang ng totoo, kokontra agad." "Kumain ka na lang diyan, habang mainit pa ang niluto ng ate mo." ani ng binata. "Sana ate, dito ka na lang tumir

