"Good morning, mahal..." ani Carlo sa kabiyak. Magbubukang-liwayway na ngunit nananatili siyang nakatitig sa napakagandang maybahay. Sobra niyang saya ng mga oras na iyon dahil sa wakas ay ipinagkaloob na ni Nala ang sarili sa kanya. Ibig sabihin ay mahal na rin siya ng asawa at tanggap na siya nito ng lubusan sa buhay nito. "Good morning, why are you staring me like that?" "I am just happy and grateful dahil napakaswerte ko sa asawa ko, you're a God sent to me." "Ikaw naman, baka naman lumutang na ako sa pambobola mo, mahal..." ani Nala habang nakangiti. Hindi niya rin mapigilan ang kakaibang kilig sa mga itinuran ng asawa. "Talaga naman 'di ba? Pakiramdam ko ay napaka swerte kong tao, actually, I was asking myself kung anong good deeds ang nagawa ko para gantimpalaan ako ng Panginoon

