Pinagpapawisan na si Steve sa sobrang babad niya sa kainitan. Nasa labas siya ng bahay ni Ari at hinihintay itong labasin siya. Matagal na niyang sinusuyo ang dalaga ngunit nananatiling matigas ang huli. "Steve, pasok ka..." bungad sa kanya ni Aria. "Aria, nariyan ka pala! Salamat naman at napansin ni'yo rin ako." sagot niya. Nagmamadali siyang pumasok sa gate at iginiya siya nito sa salas. "I think it would be nice to at least inform you personally..." ani Aria sa malumanay na boses. "Inform me about what? Nariyan ba si Ari, pwede ko ba siyang makausap kahit sandali?" may himig pagmamakaawa sa boses niya. Aria froze a little and bow her head. "Ari is not here anymore," "What do you mean?" nababaghang sagot niya. "Bumalik siya ng Japan few days ago. I tried to stopped her but she

