MATAGAL na siyang nakatayo sa harap ng apartment na titirahan nilang mag-asawa. Magmula sa araw na iyon, ay sa Camarin, Caloocan na sila titira, malapit sa pinagta-trabahuan nila ni Aidan.
Isa lamang itong studio-type apartment, hindi kalakihan ngunit nagustuhan niya sapagkat mayroon itong banyo sa loob. May kaunting space rin sila para sa living room at kusina. At isang maliit na kwarto para sa kanilang mag-asawa.
Ang apartment na iyon ay pag-aari rin ng mga magulang ni Jessie, kaya naman panatag siyang manirahan doon, dahil pag-aari ito ng pamilya ng kaibigan.
"Did you like it?" Tanong ni Jessie, sumaglit pala itong puntahan siya para tingnan ang paglilipat nila.
"Oo naman, best choice nga ito eh. Bukod sa ikaw na ang may-ari, malapit pa sa mga workplace naming dalawa ni Aidan." Sagot niya.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, if ever magkaproblema kayo or whatnot, just tell me right away para maayos agad."
"Sige, Jessie. Thank you sa pagrekomenda nitong place mo."
"Wala 'yon, para saan pa at magkaibigan tayo." Anito. "Tara na sa loob at tulungan na natin ang asawa mong mag-ayos ng gamit, para mamayang gabi ay pwede na ninyong tulugan." Yakag ng kaibigan na kaagad naman niyang sinang-ayunan.
Ilang oras din silang naghakot ng mga importanteng gamit. Hindi na siya nag- aksaya pang bumili ng kung anong mga abubot. Kung ano lang ang importante, 'yon lang ang dala nila. Minimalist living is one of her style, bagay na sinang-ayunan rin ng kanyang mister. They don't need to buy something na makakapag-pasikip lamang ng kanilang bahay.
"Mag merienda muna tayo," alok niya sa asawa at kaibigan. Tinawag rin niya ang isa sa mga kapitbahay nila na tumulong sa paglilipat. Naghanda siya ng isang pitsel na buko juice na tinernuhan niya ng buko pie na gawa pa sa Laguna.
"Alam mo talaga ang kahinaan ko," malambing na wika ni Aidan, sabay yapos sa kanyang balingkinitang baywang.
"I know na buko pie is one of your favorite. Paano ko makakalimutan iyon, aber?" Sagot niya.
"Hello! Tao po! Andito po kami, we're still existing. Mamaya na kayo maglambingan ha," nakangiwing saway ni Jessie na animo'y diring-diri.
"Sorry po, Manang Jessie. Nakalimutan ko na may single pala dito." Pang-aalaska naman ni Aidan kaya lalong nalukot ang mukha ng dalaga.
"Naku, tama na 'yan. Magsikain na kayo habang mainit pa 'yang buko pie."
"Hmp, pasalamat ka at narito na ang misis mo, kung hindi,"
Napahagikhik na lang siya sa pagmamaktol ng kaibigan, kasabay ng pa-simpleng pagkurot niya sa asawa para manahimik na ito.
Pagkatapos nilang mag merienda ay umuwi na rin si Jessie. Naiwan na silang mag-asawa para ayusin pa ang kaunting gamit na nakalagay pa sa kahon.
"Magpahinga ka muna, thart. Bukas na uli 'yan. Naka leave naman tayo parehas. We still have a week para mag-ayos ng mga 'yan. Don't overwork yourself, okay?" Malambing na wika ni Aidan. Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap mula sa kanyang likuran. Isang bombero si Aidan at siya naman ay isang office-clerk sa isang pribadong kumpanya. And they are lucky enough to be granted a long week vacation in considerstion of their wedding.
"Amoy pawis ako, sweetheart..." Aniya.
"Eh, ano naman?" Papilosopong sagot ng asawa. Dinampian siya nito ng pinong halik sa tenga, kasabay ng paghimas nito sa kanyang puwetan.
Kilalang-kilala niya ang asawa, batid niyang may gusto itong gawin sa oras na iyon.
"Pwede bang mamaya na? Parehas pa tayo puno ng alikabo-" sambit niya ngunit kaagad ring naputol ang sasabihin niya ng bigla siya nitong halikan. Marahan siya nitong iniupo sa kahoy na lamesa na nasa kanyang harapan. "Aidan, I'm dirty..." Singhap niya ng pakawalan nito ang labi niya.
"Let's get dirty, then." Sagot ng asawa sabay hubad sa t-shirt na suot nito. Tumambad na naman sa kanya ang matipunong katawan ng asawa. Wala na siyang nagawa kung hindi magpaubaya ng muli siyang sunggaban ng asawa at marahang inihiga sa kanilang lamesa.
Pagkatapos nilang magniig ay pinagtulungan na nilang matapos ang mga gawain hanggang sa maayos na ang lahat. Nagprisinta ang mister na ito ang magluluto sa unang gabi nila roon, at siya raw ay magpahinga muna kaya naman hinayaan niya ito.
Nagluto si Aidan ng pritong galunggong na tinernuhan ng adobong sitaw na nilagyan ng sili. Siya naman ay nagtimpla na ng juice para mayroon silang panulak.
"Kain na tayo, thart!" Masiglang aya ni Aidan sa kanya.
"Thank you for the food!" Masiglang wika niya sabay kintal ng halik sa labi nito.
"Nothing is free, thart. May bayad 'yan, mamaya." Pilyong sagot ng asawa sabay kindat sa kanya.
"Whaaat?" Kunwaring angal niya.
"Yes. And I'm not taking NO for an answer."
"Oh, ano pang hinihintay natin? Kain na." Nangingiting wika niya sa asawa. Kasunod niyon ay naghalakhakan na sila dahil sa kakulitan ng kanyang mister.
She insisted on washing the plates when they finished eating. Her husband took the chance para makapagshower. Halos sabay lang din silang natapos, kaya naman siya na ang sumunod sa banyo pagkatapos ng asawa para makapagpa-presko rin siya.
Nang matapos ay naabutan niya ang mister na nanunuod ng isang movie sa youtube, kaya naman kinuha rin niya ang kanyang laptop para mag check kung mayroon siyang mga email sa kanyang trabaho.
Marahil ay napansin ng asawa ang pagiging busy niya kaya nagprisinta na itong i-blower ang kanyang mahabang buhok.
"Are you sure?"
"Yeah, come over here." Ani ng asawa sabay tapik ng bakanteng pwesto sa tabi nito. Kaagad siyang lumapit sa kabiyak para pagbigyan ito sa binabalak.
"You have such a pretty long locks, thart..." Puri nito.
"Thank you, nadala sa pag-aalaga." Sagot niya habang nakatitig pa rin sa kanyang laptop.
Masyado na siyang naging abala sa pagsagot ng mga emails kaya hindi na niya napansin na tinirintas na pala ng asawa ang kanyang buhok matapos itong matuyo. Bahagya pa siyang napapitlag ng maramdaman ang mga labi nito sa kanyang batok.
"Mamili ka, ako o ang laptop?" Pilyong sabi ng asawa.
"Ay, syempre ikaw!" Walang pakundangan niyang sagot bago isinara ang kanyang mga gamit at humarap sa asawa.
"Are you pressured, too?" Mahinang bulong nito sa kanya habang hinahawi nito ang buhok na tumabing sa kanyang mukha.
"With what?"
"Having kids."
"If God permits, everything will fall to it's place. Hindi natin kailangang ma-pressure. Don't listen to people na nagsasabi na dapat ganito, dapat ganyan. Basta na lang darating 'yan when it's time..." Sagot niya sa asawa.
Niyakap niya ang kabiyak para tanggalin ang agam-agam nito. They're both perfectly healthy and conceiving a baby is not that hard for her according to her gynecologist in spite of the fact that she's in her thirty's.
"Kiss me, thart..." Malumanay na hiling ng asawa. Since they moved in their new crib, he begun to call her thart, a shorter way of sweetheart.
"How much do you need?" Playful na sagot niya.
"I don't know yet, but let's see." He answered. He hugged her so tight before he undresses her. It seems like her husband is not gonna stop until she got pregnant.
And she will not deny, that she's also looking forward to bear their first child. Kaya hindi rin niya tinatanggihan sa tuwing nangangalabit ang asawa.
"Pasensya ka na ha, dito lang kita nakayanang itira. Hindi man lang sa medyo malaking bahay tapos sarili na natin talaga." Wika ni Aidan matapos nilang magtalik. Parehas pa rin silang hubo't-hubad sa ilalim ng puting kumot.
"Ano ka ba, hindi naman ako nanghihingi ng mansion sa'yo. I'm happy with what we have right now. Nagsisimula pa lang naman tayo, pagsisikapan nating mabuo ang pangarap nating bahay at lupa in the near future." Sansala niya.
"Salamat sa pagiging maunawain mo, thart. I'm so blessed to have you, alam mo ba 'yon?"
"Ganoon rin ang nararamdaman ko para sa'yo, sweetheart. Maswerte rin ako na ikaw ang makakatuwang ko sa buhay. Kaya huwag ka mag-alala masyado, the best is yet to come." Aniya sabay hilig sa matipunong balikat ng kabiyak. If she only have one wish, iyon ay ang manatili ang pagiging solid nilang dalawa. Alam niyang kaya nilang malampasan ang lahat basta magkahawak-kamay silang dalawa.
Hinintay niya munang makatulog ang asawa bago muling bumangon sa pagkakahiga. Isinuot niya ang kanyang pantulog at maingat na kinuhang muli ang kanyang laptop.
Mangyari kasi ay nanghihingi siya ng sample quotation sa isang financial consultant para sa kukunin niyang insurance para sa kanila ng kabiyak. Sa panahon ngayon ay dapat tayong maging matalino sa paglalagakan ng ating pinagpaguran. Kesa ibili ng luho, mas maiigi pang ilaan ito sa life insurance na posibleng makatulong sa atin ng malaki sa ating pagtanda most specially in the most critical times.
Maraming klase ng insurance ang nag-ooffer ng maganda. Mayroon ding kasama na sa insurance ang iyong investment. Kaya naman pinag-aaralan niya ito ng mabuti upang hindi siya magkamali sa kanyang pagpili lalo na't she's putting half of her paycheck to it.
"Thart? Why aren't you sleeping?" Papungas-pungas na tanong ni Aidan. Nagising pala ito.
"I'm just trying to re-read some emails, I'll get back to you soon," nakangiting wika niya sa asawa.
"Make it fast, okay? It's already wee hours of the night, you gotta catch some sleep. Mamimili pa tayo ng mga gamit bukas."
"Roger that," sagot niya.
Pagkatapos niyang magbasa ay muli niyang tinabihan ang asawa. Niyakap niya ito ng mahigpit hanggang sa tuluyan siyang igupo ng antok.
"Gusto kong bumili ng oven, kahit hindi kalakihan, sweetheart." Bulong niya sa asawa. Nasa supermarket sila ng oras na iyon para bumili ng refrigerator, electric fan at ilang extention wire.
"You wanna bake?"
"Yes! I can make our own bread instead of buying it elsewhere. I know, our electricity bill might go up, kaya huwag na tayong bumili ng TV. We don't need it anyway, since parehas naman tayo busy sa work. We can still be updated sa news through pages or youtube. What do you think?"
"Anything my wife says," nakangiting sagot ni Aidan.
"Thank you, sweetheart! I love you the most!" Masayang sabi niya sa asawa.
Isang 2-door refrigerator ang isa sa napili nilang bilhan. They're planning to buy one week of food supply from veggies, meat, fish and eggs. Kaya kailangan nila ng refrigerator para may mapaglagyan sila ng mga pinamiling pagkain. Her husband also grab one sack of rice that may be good for one and half month consumption.
She also bought some baking supplies as she is planning to bake some cookies and biscuits pag-uwi nila.
When they got home, they immediately share a meal for two that Aidan had prepared for them. As much as possible, Aidan wants to eat home cook food rather than eating outside. He find it more healthy and yummy, which she agrees because her husband is really a good cook.