CH-03: A BUN IN THE OVEN

2283 Words
MONTHS has passed, and everything went well. Both of them goes back to work. Siya bilang isang office clerk sa isang private company at si Aidan bilang isang bombero. Kailangan nilang mag grind na dalawa para sa future nila at ng kanilang magiging anak. Not hard for both of them, since they're in the same page. Aidan wants to give his offspring a better life at ganoon din naman siya. Sa katunayan once mabuntis siya at manganak, kukuhanan na nila agad ng bank account ang mga ito. She's also planning on getting educational plan para sa kanilang future babies. Isasabay niya sa insurance nilang mag-asawa. "How's your day?" tanong ng asawa nang madatnan siya nitong nakaupo sa maliit nilang sofa. Kadarating lang niya galing sa trabaho and Aidan was busy in the kitchen, kaya hindi na niya ito pinuntahan. Pang-umaga kasi silang dalawa. Dangan nga lamang at nag OT siya kaya naunang nakauwi ang kabiyak. "A little bit tiring, and you?" mahinang sagot niya kasabay ng pag ngiti. "Well, also tired, but it's okay. Para rin naman ito sa'tin. I have no complaints after all." "Ganoon rin naman ako, wala akong reklamo. I love doing what I am doing right now." "Hayaan mo, mas lalo akong magsisikap. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga kasamahan ko kung ano mga pwede nating pang extra-income. Mas maraming source of income, mas mabuti." "Talaga?" nasorpresang tanong siya sa asawa. "Yup, I'm dead serious. Kasi malay mo, may laman na 'yan," nakangising sambit ni Aidan sabay nguso sa kanyang tiyan. "Hahaha! Ikaw talaga, anyways, ano ang dinner natin, sweetheart?" pag-iiba niya ng usapan nila. Sa totoo lang, she felt strange in the past few weeks. Late rin ang kanyang period. But she doesn't want to spill the tea, just yet. Not until she's sure. "Well, I cooked the food that my wife, definitely likes!" he proudly said. "Hmmm, tuyo ba ito?" "Nadale mo! And?" "And veggies!" "Correct! let's eat!" masiglang aya sa kanya ng asawa. As a perfect gentleman that he is, inalalayan siya nitong makaupo muna sa silya bago ito tumabi sa kanya. She smiled when she saw 5 pieces of tuyong galunggong and ginataang malunggay na hinaluan ng talong at sitaw. It was indeed, her favorite viand of all time! Masarap na tipid pa. They're trying to cut some expenses para sa pag-iipon. They don't need to live a lavish lifestyle and yet they're empty-handed. They both eat the food whole-heartedly until they're full. "Ako na ang maghuhugas ng pinag-kainan natin. Maligo ka na." "Maliligo talaga ako, diyahe namang tabihan ko ang misis ko na amoy galunggong. Eww!" pabirong wika ni Aidan na nagpahalakhak sa kanya. "Sige na, mauna ka na at susunod din ako after ko sa kusina." Kinindatan muna siya ng asawa bago ito nagtungo sa kanilang kwarto. Napapangiti na lang siya sa inasal ng asawa. There are no dull moments with him. She immediately followed him after her chores. She gently put her shoulder bag on her table. Aidan seems to have a nap after he took a warm bath, at ayaw niya itong magising. She also knows how tiring his job is. Kailangan palagi ng physical strength sa bawat pag-apula nito ng apoy kapag may nagkakasunog. Nagtungo na rin siya ng banyo para linisan rin ang sarili, para mkapagpahinga na rin ang katawang lupa niya. "Ready for snuggles?" bulong ni Aidan sa kanya ng maramdaman nito ang paghiga niya sa kama. "Always ready," nakangiti niyang tugon. Siya na mismo ang yumakap rito bago niya ipinikit ang mga mata. MAAGA siyang nagising kinabukasan. Alas singko pa lang ay bumangon na siya. Pasimple niyang kinuha ang binili niyang pregnancy test bago siya umuwi kahapon. According to some, mas maiigi raw na mag PT, first thing in the morning dahil mas accurate raw ito, though wala siyang basehan sa sabi-sabi na iyon. Gayunpaman, sinunod niya pa rin kung ano ang kanyang nabasa online. She saves some of her urine and slowly put three drops according sa instructions na nakalagay sa PT. She waited for ten minutes while her heart was pounding with mixed emotions. What if false alarm lang ito? But what if, meron na nga? She bites her nails with the great anticipation na nararamdaman niya. "Thart, please open the door. I want to pee." Malakas na wika ni Aidan sa may pintuan. Sa pagkataranta niya ay agad niyang naibulsa ang PT at pasimpleng binuksan ang pinto para papasukin ang asawa. "Are you alright? You look so pale?" alalang tanong ng kabiyak. "Yes, I'm fine. Prepare lang ako ng breakfast natin at babaunin sa trabaho." aniya bago iniwanan ang asawa. Dumiretso na siya agad sa kusina para magluto. For a moment she forgot that she took a test dahil sa pagiging abala. "So, what's the result? Is it positive?" may pagka excited na bungad sa kanya ni Jessie pagkarating niya sa opisina. "I honestly don't know," kibit-balikat niyang sagot. "What do you mean, you don't know?" "I tried to have my urine tested early this morning, but Aidan woke-up too early. I have to come out clean, kaya naibulsa ko 'yong test kit and I totally forgot to re-check it dahil baka ma-late ako sa work." "Oh my God, are you kidding me? Aren't you excited?" frustrated nitong sambit. "Of course, I am. Nakalimutan ko lang talaga. Don't worry when I got home, titingnan ko 'yon and I will tell you the result, okay?" "I cannot wait that long, Emerson." sagot ng kaibigan na parang mas impatient pa sa kanya. "Well, you don't have a choice but to wait," "Uh-oh! I've got an extra PT kit in my bag. Hold on a second, kukunin ko lang." wika ng kaibigan sabay takbo papunta sa cubicle nito. Pagkakuha ng kailangan ay kaagad itong nagtungo sa kanya. "How did you have an extra?" takang tanong niya. "Obvious ba? Excited na akong maging ninang, tara na sa banyo!" determinadong sagot nito sabay hila sa kanya papunta sa restroom nilang mga empleyado. Ito na mismo ang nagbukas ng test kit at ibinigay sa kanya bago siya nito tuluyang itulak papasok sa loob. She has no choice but to do the test dahil alam niyang hindi rin siya titigilan ng kaibigan. Muli na naman siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba ng sandaling iyon. Ganoon ba talaga ang pakiramdam ng nag-eexpect? "Hey, punk! what took you so long?" hindi makapaghintay na wika ni Jessie kasabay ng magkakasunod na katok sa may pintuan. She got out and handed her the test kit while shaking. "Do you think, I'm pregnant? It's only a faint line out there..." mahina niyang sabi. "O M G!!! Yes, you are! A faint line is still visible, you dimwit!" ekseharadong sagot nito. "Kanina mo pa ako binabanatan, Jessie ha!" namumutla niyang sagot. She's still shaking at the moment. Her fear and excitement were eating her heart out. "Mag half-day lang tayo mamaya," ani Jessie. "Why?" "Sasamahan kitang magpa check-up. May kakilala akong ob-gyne." Sagot nito sabay yakap sa kanya. "I'm so happy for you, Emerson. Your prayer was answered soon enough. Ninang ako ha," bulong nito sa kanya. Nauna nang lumabas ang kaibigan, naiwan siyang nakatulala pa rin sa kawalan. She cannot believe the fact that maybe she is growing a little human inside her belly. Tiyak niyang matutuwa ang kanyang asawa kapag nalaman ito. She gently rubs her tummy with a circular motion. "If this is what you wanted, dear Lord. I will put a good care with your blessing." she uttered as her tears flowed like a river. She is blessed, indeeed! Kagaya ng sabi ni Jessie, nag half-day nga sila at dinala siya nito sa kakilala nitong ob-gyne. Tapos na siyang suriin nito at naghihintay na lang sila ng result. "Mrs. Roxas?" tawag ng assistant ng doktor. "Yes?" sagot niya. Sinabihan sila nitong pumasok sa loob dahil kakausapin sila ng doktor. "Hello again, Dra. Sison.." bati niya rito. Sinenyasan sila nito na maupo na. "What are the symptoms that you actually have, Mrs?" tanong agad nito sa kanya pagkaupo niya pa lang. She looked at Jessie before she answered. "I haven't had my period yet. I am craving for some food. But I'm not having morning sickness, thanks to God." aniya. "But I felt like I was always tired." "That is one of the signs that you're pregnant. Don't worry on not having morning sickness, hindi lahat nakakaranas niyan, consider yourself lucky. Or else you'll find it hard to get up every morning." ani ng doktor. "So, doc, buntis na ba itong frenny ko?" sabad ni Jessie. "Yes, she's three weeks pregnant." sagot nito ng nakangiti. "Bibigyan kita ng mga vitamins to make sure na magiging healthy and safe ang pregnancy mo, misis." dagdag nito. "Yes! I'm gonna be a ninang na talaga, haha!" sabik na wika ni Jessie. Maluha-luha pa ito sa sobrang saya. "I'm really pregnant?" naluluhang sambit niya. "Yes, you are... I'm hoping to see your husband with you on your next visit. He has to take care of you since you're not alone in that body anymore. I believe na malaking factor ang pagkakaroon ng supportive at caring na asawa para maging smooth ang 'yong pagdadalang-tao. "Yes, doc. Hindi niya pa kasi alam ngayon na buntis ako. Gusto ko na munang makasiguro bago ko sa kanya sabihin," sagot niya. Nginitian siya nito bago ini-abot ang nireseta nitong mga vitamins para sa kanilang mag-ina. "Always listen to what your body tells you. Don't ignore anything that makes you feel uncomfortable. Lalo na this is your first time. The first trimester of pregnancy is always the crucial part." bilin sa kanya nito. Samantala hindi naman mapalagay si Aidan habang nasa fire station siya. Nag-aalala siya kay Emerson, dahil parang balisa ito at maysakit. "May problema ba, pare?" tanong ni Steve. "Wala naman pare, nag-aalala lang ako kay ismi, hindi ko mawari kung may problema eh." "Bakit, hindi ba nagsasabi sa'yo?" "Hindi eh, pero parang may bumabagabag sa kanya, hindi naman siya dating ganyan." "Eh baka naman, kulang na sa lambing? Alam mo naman, ang mga babae parang halaman din 'yan. Kailangan alagaan, paarawan at diligan." pabirong sabi nito. "Ikaw talaga, pare!" natatawa na rin niyang wika sa kaibigan. "Todo alaga nga ako kay Emerson ngayon, parang laging pagod eh. Baka 'kako nasosobrahan na sa kaka-overtime sa trabaho." "Eh, bakit ba panay OT, dalawa naman kayong nagta-trabaho?" sabad ni Kian na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila. "Naku, alam ni'yo naman si ismi, ang daming balak gawin. Saka nag- iipon rin kami para sa future. Mahirap kasi na walang naitatabi lalo na kapag may emergency," "Sabagay, tama naman si Emerson, kaya nga lamang dapat hindi rin pinapabayaan ang kalusugan. Health is wealth dapat. Balansehin ni'yo ang lahat para walang nasasakripisyo lalo na ang kalusugan." seryosong payo ni Steve. "Kaya nga nag-iisip ako on how to double my income. Mas mapapagaan kasi ang lahat kapag may ganoon rin ako." aniya. "Hayaan mo pare, kapag may nakita ako eh babalitaan kita agad." sagot ni Kian. "Salamat mga pare," nakangiti niyang sambit sa dalawa. "Sinong gusto ng merienda?" bungad ni Nala. "Ano bang meron sa kantena?" sagot ni Steve. "Mga pina-dive sa mantika ang naroon." sagot nito. "Kayo na lang muna ang mag merienda, tawagan ko lang ang misis ko." sagot niya sa mga ito. Pagkaalis ng mga kaibigan ay kaagad niyang tinawagan ang kabiyak para kamustahin ito. "Hello, thart... Ayos ka lang ba?" bungad niya. "Oo naman, bakit sweetheart?" sagot ni Emerson. "Eh, nag-aalala ako sa'yo eh. Baka hindi ka na nagpapahinga riyan," "I'm fine... huwag kang mag-alala. nothing to worry about, okay?" "Huwag ka na munang magOT mamayang gabi. Umuwi ka nang maaga, ha?" "As you wish, sweetheart... I love you!" sagot nito. "I love you more, be early. I'll cook some healthy foods for you!" muli niyang bilin sa asawa bago pinutol ang tawag niya. Balak niyang mamalengke pagkaout niya sa trabaho. He has to prepare some healthy foods for his wife without sacrificing their finances. Though, veggies and meat are quite expensive these days. Kailangan pa rin nila iyon para balanse ang pagkain nila. He's also aiming to buy some vegetable seeds para sa binabalak niyang backyard farming. He wants to grow some food in his garden or in paso maybe. Ang importante it is organic para mas healthy. "Did you spit the good news?" usisa ni Jessie pagkababa niya ng telepono. "Nope, not yet." "Sabagay, mas okay na sabihin iyon ng personal." anito. "I know right," "Lalo na kapag sinabi mo habang..." "Huh?" takang tanong niya. Maagap itong lumapit sa kanya sabay bulong. Nang marinig niya ang sinabi nito ay tila ba umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang mukha. "Ang ano mo!" bulalas niyang wika sa pilyang kaibigan. "Give it a try," sulsol nito. "Ewan ko sa'yo! Nag-iisip tuloy ako kung single ka ba talaga o may tinatago ng boyfriend. Mas wild ka pa sa'kin!" aniya sabay hampas sa kaibigan na akala mo maiihi na sa kakahagikhik. "I'll tell you a secret," ani Jessie. "What?" "I have a lot of books, na makakatulong sa'yo to spice-up your marriage." "I don't need it, yung sinabi mo pa nga lang ngayon, nawiwindang na ako, basahin pa kaya 'yang koleksyon mo? Thanks but no thanks." sagot niya sa kaibigan bago tinalikuran para hindi na ito makapangulit pa. After a while, she froze, why not? Her bestfriend's advice is not bad either, just a little bit wild and crazy. But who cares? It was her man, anyway!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD