Tahimik na nakatayo si Jessie sa harapan ng building nila habang naghihintay ng taxi. Nagpaiwan si Emerson dahil may tatapusin pa raw itong dokumento kaya mag-isa siyang uuwi nang gabing iyon. "Hey, Jessie! Need a ride?" sambit ni Niko sa kanya habang binababa nito ang windshield ng sasakyan. "Ikaw pala 'yan Sir, ayos lang po ako. Maghihintay na lang po ako ng taxi." sagot niya. "Actually, dadaanan ko rin ang bahay ninyo on my way home. Maiigi pang sumabay ka na sa akin para makauwi ka agad. Besides, rush hour ngayon kaya mahihirapan kang makakuha ng sasakyan." ani Niko ng nakangiti. Napaisip si Jessie sa sinabi ng boss. Totoo naman na pahirapan makakuha ng taxi ng mga oras na iyon. At kung mamalasin pa siya ay pwede pa siyang maipit sa trapik sa Balintawak o sa Novaliches bayan. "Sig

