"Anong nangyari, amiga?" tanong ni Jessie. Naghintay pala ito sa labas ng conference room at kaagad siyang nilapitan nito pagkalabas niya. "Wala naman, tinanong lang ako kung ano ang problema ko." "Ano nga ba ang problema, napapansin ko rin sa'yo na palagi kang balisa at parang laging may malalim na iniisip." usisa ni Jessie. "As what I've told you, I'm okay and I have no problems at all. Busy lang ako masyado, alam mo naman na bukod sa pagiging empleyado ay nanay rin ako." kaila niya. "Hmmm, I think you're hiding something from me. But don't worry dahil hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang bagay na iyan if you don't like it." anito. Nginitian niya ang kaibigan sabay yakag rito sa kanilang opisina. Maraming mata at tenga ang nakamasid sa kanila at hindi siya pwedeng makampante.

