Malapit na ang expiration ng visa nila Steve at Kian kaya kailangan na nilang maghanda sa kanilang pag uwi. Dalawang buwan at kalahati na sila roon at sa ayaw at gusto nila ay kailangan na nilang iwanan pansamantala ang minamahal. Naging abala naman ang kambal sa pamimili ng mga pwedeng iuwing pasalubong ng mga ito. Nasa kwarto sila ni Ari para tulungan si Steve sa pag-iimpake. "Huwag na sana kayong mag abala pa, hindi naman kailangan magdala pa ng pasalubong. Isa pa, totoo pala 'yung mga naririnig ko na ang mahal ng cost of living dito. Grabe ang mahal ng mga bilihin, nakakabutas ng bulsa." ani Steve. "Ganoon talaga dito, dapat masanay na kayo kasi may lahing hapones pa ang mga napili ninyo. This is our life here in Japan, kaya nga mas gusto naming magkapatid sa Pinas." ani Ari. "Ano

