Abala si Emerson sa pag estima ng mga bisita. May maliit na pagtitipon sa kanilang bahay. Sinamantala nila na holiday at walang mga pasok ang kanilang okasyon. Mahalaga ang araw na iyon sa mag asawa dahil muli na naman silang nakapag achieve ng another milestone sa kanilang buhay. Salamat sa walang sawang pagsuporta ni Aidan at sa mas lumalakas pang shop nila na. Dahil ajg dating imposible kung iisipin ay sa wakas naabot na nila. Napangiti siya nang makita nabpapalapit sa kanya ang matalik na kaibigan na si Jessie. "Congratulations, amiga! Sa wakas, nakalipat na rin kayo ng bahay at hindi lang 'yun narito na rin ang shop ninyo!" masayang bati sa kanya ni Jessie. Bagong lipat sila sa medyo kalakihang paupahan nila Jessie kung saan up and down ito at may apat na kwarto, dalawang toilet an

