Sa gitna ng kasiyahan ng pamilya ni Emerson ay may pares ng mga mata na nagmamatyag sa kanila. Nagkukubli lang ito sa malaking puno ng mangga at panaka-nakang sumisilip. Nakataon lang ang mga mata nito kay Emerson na waring hinihintay na mapag isa ito. Mabilis itong kumilos nang makita na papunta si Emerson sa likod bahay kung saan walang tao at puro mga halaman ang nakadisplay. Malalaki ang mga hakbang nito para puntahan si Emerson at nang makalapit ay malakas nitong hinila ang una at dinala sa mas kubli pang lugar. Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang si Emerson dahil sa bilis ng pangyayari. Ni hindi siya nakasigaw dahil sa sobrang gulat niya. "Huwag kang sisigaw gusto lang kitang makausap," wika ng tinig na pamilyar sa kanya. Mabilis na tumango si Emerson at doon lang nito niluwag

