Chapter 19
Confusion
"Come on, just hold each other's hand!" Hindi ako makagalaw. My lips parted while looking at Ms. Cruz. Naramdaman ko ang pagbaling ng mga mata ni Jaycee sa akin. Napalunok ako ng palihim. Why do I have to hold his hand?
"Do we really have to hol--" natigilan ako nang mabilis na hawakan ni Jaycee ang aking kamay. Bumaling ako sa kanya at ang mga mata nito ay na kay Ms. Cruz na habang suot ang blangko nitong ekspresyon. Bumaba ang mga mata ko sa kamay nito na hawak ang sa akin. Pinagsiklop nito ang aming mga kamay at para bang wala lamang iyong kahit ano pang epekto sa kanya. Bumuga ako ng hangin at kinalma ang aking sarili. His hand is cold, pakiramdam ko ay humawak ako ng yelo. Kinalma ko ang aking sarili dahil kung hindi ay baka mapaso ito sa init ng aking kamay mula sa apoy sa aking palad. Ipinagsawalang bahala ko iyon at tulad niya ay umakto na parang wala lamang iyon.
"Perfect!" Malakas na pumalakpak si Ms. Cruz at aliw na aliw sa aming dalawa ni Jaycee. If she only knows how we forced each other to do this. Kung hindi niya inutusan si Ismael na i-nominate siya bilang escort, sana ay walang problema. Lalo na kung gusto pala nito ng distansya mula sa akin. I don't know his reason, but I'm glad that he did that move because that's what I have to do, too.
"Then?" He asked. Sandali kong binalingan ito na diretso lamang na nakatingin kay Ms. Cruz habang magkahawak ang aming mga kamay. I can't read his eyes again. Pakiramdam ko ay napaka misteryo na naman ng mga iyon. Pakiramdam ko ay puno na naman ng lihim ang mga mata nito. It's blank again, blank as paper.
"Now, look at each other! Magharap nga kayo," aniya at siya na mismo ang nagharap sa amin mula sa isa't isa at pati ang isa pa naming kamay ay pinag hawak nito. The truth is, I was surprised of what Ms. Cruz did ngunit hindi ko iyon pinahalata lalo na nang nagtama na ang mga mata namin ni Jaycee. Pinanatili kong blanko ang aking mga mata at seryoso lamang siyang tiningnan. I'm giving him a look with a reason that I'm only doing this because I have to for the pageant that I don't even want to join. Diretso siyang nakatitig sa akin, ngunit hindi ko maiwasan na maaalala ang mga mata nito kanina sa rooftop. His eyes earlier, I felt like I was treasured and very important for him. Ni hindi ko naramdaman ang pagiging misteryoso nito hindi tulad ngayon na pakiramdam ko ay nagbalik na muli siya sa nakasanayan niya.
"Now, while looking at each other you have to feel like what you see is important to you. Dahil sa pageant, you have to make them feel the power you both hold when you walk alone and especially, when you walk together. Let the crowd feel that the both of you are powerful and you will both win the pageant. Let everyone feel that among all the candidates, the both of you is the stronger one that no one can lose," mahaba niyang pahayag sa kalagitnaan ng pagtititigan namin ni Jaycee, "Because in this pageant, you don't just win by yourself, you win together as you fight together," dagdag nito. Nagpapalitan pa rin kami ng mga mata ni Jaycee at pinapanatili ko ang pagiging kalmado ko. I can't let my emotions control me because if it does, the fire will burst out of me, "That's what I want the both of you to do. I don't want you to fight just by yourself, you are partners so you have to win by partners as well at 'wag niyong hahayaan na iba ang maging kapareho ninyo sa pagtatapos ng laban," muli niyang pahayag sa amin.
Bumuga siya ng hangin matapos sabihin lahat ng iyon.
"Now, are you ready to make them feel how powerful you are?" She asked with excitement in her eyes.
"Yes, Ms. Cruz," sabay naming sagot habang pareho naming tinitingnan ang isa't isa. Muli siyang pumalakpak tulad kanina.
"Good! Now, let's begin this practice!" Malakas niyang saad na halos balutin na ang buong gym. Mabilis kong binawi ang aking mga kamay kay Jaycee at naglagay agad ako ng distansya mula sa aming dalawa. Mabilis akong bumaling kay Ms. Cruz at pinag sa walang bahala ang matagal naming pagtititigan. His eyes are beautiful, but I would rather not look at those.
"For the first walk for the pageant, every partner will walk to the stage and every partner will be introduced to everyone before you walk alone by yourselves," una niyang paliwanag sa aming dalawa. Marahan naman akong tumango sa kanya, "Of course, that also include your introduction for the section you're representing. Ipapakilala ninyo ang inyong mga sarili at ang section natin. Doon pa lang, I want the both of you to let them feel how powerful you are, okay?" Mahaba niyang dagdag. Marahan lamang kaming tumango sa kanya. Malapad naman siyang ngumiti habang pabalik-balik ang mga mata niya sa amin, "That's what I want to see when you both walk there! Kailangan fierce!" Pahayag niya at malakas na pumalakpak.
"Una you have to pose," aniya at hinila kaming dalawa ni Jaycee para ipagtabi kami. Hindi ako lumingon nang magdikit ang aming mga balat at nanatili akong nakatingin sa kanya. Sinadya ko iyon upang ipadama sa kanya na talagang nagbibigay ako ng distansya sa aming dalawa. Bumuga ng hangin si Ms. Cruz nang nakita nito na magkatabi lang kami at diretso lang na nakatayo. Bumalandra sa amin ang dismayado nitong mukha. It seems like it is not the outcome that she's expecting.
"Ms. Cruz," bumaling ang mga mata ko kay Shaheal nang lumapit ito sa amin. Sandali kong tiningnan si Crystal na nanatili sa upuan doon habanh pinapanood lamang ang aming ginagawa. Tumaas ang kilay sa akin ni Shaheal at malapad na nginitian si Ms. Cruz.
"Yes, Shaheal?" Ani Ms. Cruz. Bumaling sa amin si Shaheal at nagtataka ko siyang tiningnan. Nang sandali na magtama ang aming mga mata ay binigyan ko ito ng nagtatanong na mga mata.
"Sa tingin ko ay ganito ang gusto ni Ms. Cruz," utas niya at bago pa ako makapagbigay ng reaksyon ay kinuha nito ang aking isang kamay at walang paalam na nilagay sa isang balikat ni Jaycee. Tinulak niya ako ng marahan at naglagay ng napakaliit lamang na distansya sa amin ni Jaycee. Nagugulat ako sa kanyang mga ginagawa ngunit hindi naman ako makakuha ng pagkakataon na magsalita sa kanya.
"Well done! That's what I'm saying, Shaheal!" Satisfied na saad nj Ms. Cruz at umiiling-iling pa, "These two are cold," bulong niya pa kay Shaheal ngunit sapat naman na iyon upang marinig namin. Napailing na lamang ako habang ang isang kamay ko ay nasa balikat pa rin ni Jaycee na nakatuon pa rin ang mga mata sa kanila.
Ilang sandali pa ay tumikhim si Jaycee nang nagtawanan pa si Shaheal at si Ms. Cruz. Natigilan silang dalawa at agad din naman na tumikhim si Ms. Cruz at bumalik sa pagiging seryoso. Nagsimula ang pagtuturo niya sa amin sa paglakad. Pinakita pa niya ang tamang paglakad. Pati si Shaheal ay tumulong din sa pagpapakita ng tamang paglakad naming dalawa ng sabay. What they did is what we also did. I was really uncomfortable, ngunit hindi ko naman iyon maaaring ipakita lalo pa ngayon. I don't want him to feel that I'm uncomfortable with him.
"Konting lambot pa!" Utas ni Shaheal at laking gulat ko ng hampasin nito ang aking pwet. Masama at gulat ko agad siyang tiningnan matapos niya iyong gawin.
"Did you just slap my butt?" Nagbabanta kong tanong sa kanya. Natigilan ito at ngumiwi sa akin.
"Sorry na, we're girls naman!" Mahina niyang bulong at humagikhik. I glared at Jaycee when I saw him stopping himself from smiling. Natigilan siya agad at nilunok ang nagbabadya niyang ngiti.
"Okay, ulit! I want more power!" Sigaw ni Ms. Cruz. Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. If I can only show her real power that she's been asking us, I'll definitely do that quickly just to stop this nonsense, "Again, 1,2,3!" Bumuga ako ng hangin at sandaling mariin na pumikit bago kami muling naglakad. Okay, I have to do this to finish this sh*t already. Tulad ng tinuro sa amin nila Shaheal at Ms. Cruz, nakahawak ang isa kong kamay sa kanyang balikat at walang emosyon ang aming mga mata. Matapos iyon ay marahan ko lang na tinulak ang kanyang balikat tulad ng sinabi ni Shaheal at doon nagsimula ang distansya sa aming dalawa sa pagrampa namin sa magkabilang gilid. I walked on the other side and he walked on the other side. Pagkatapos ay huminto kami sa harapan at nilagay ko ang aking kamay sa aking beywang. Ilang sandali pa ay naglakad kami papunta sa isa't isa at muling nagtama ang aming mga mata.
"Okay, pull her!" Sigaw ni Ms. Cruz at bago pa kami tuluyang maglapit, Jaycee pulled gently on my waist that makes me near him. Pinagdikit namin ang aming mga noo, just like what they want us to do. Para sa akin ay ito na ang pinaka ayokong gawin sa lahat. The worst is, it's Shaheal's idea. Sa muling pagtatama ng mga mata namin at paglalapit ng aming mukha sa isa't isa ay kita ko ang sandali na paglambot ng kanyang mga mata ngunit mabilis din iyong napawi nang oras na upang humarap kami sa harap suot ang seryoso lamang namin na mga mukha.
"Separate and smile," ani Ms. Cruz. Naghiwalay kami sandali at pinilit ko ang sarili kong ngumiti. Pagkatapos nito ay sabay naming inabot ang kamay ng isa't isa at naglakad na patalikod sa kanila.
"Bravo!" Malakas na sigaw ni Ms. Cruz sa amin. Nakahinga ako ng maluwag nang natapos namin iyon. Mabilis ko din na binawi ang aking kamay sa akin at lumayo kay Jaycee, "Good job! You'll really win this pageant!" Ani Ms. Cruz sa amin. The practice continued. Matapos niyang makuntento sa sabay naming paglakad ay isa isa naman kaming naglakad. We also practice how we will introduce ourselves along with our section. I feel like this is the worst thing I ever did in my entire life. Gustong-gusto ko na matapos na ang practice na ito. Ilang beses kong hinihiling sa aking isip na sana ay matapos na ang araw na ito. I badly want to end this already.
"Okay, well done!" Ani Ms. Cruz. Sandali akong napatingin sa kalangitan sa labas. Kita ko ang pagdilim na ng kalangitan senyales na malapit na ang gabi, "Bukas, I'm expecting you to come here again after your last class and we will continue the practice. Talk to your parents about the gowns and sports attire you will wear for the pageant, okay? Shaheal knows everything you have to prepare, Cali." Mahaba niyang pahayag at matipid akong binigyan ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Okay, Ms. Cruz," ani ko at marahan na tumango.
"You can go now, I'll see you in the class tomorrow," pahayag niya at bahagyang kumaway bago niya kinuha ang kanyang bag at nag martsa paalis. Si Shaheal naman ay tumakbo papunta kay Crystal na kinukuha na rin ang mga bag nila. Natigilan ako nang napagtanto ko na naiwan na lamang kaming dalawa ni Jaycee doon. Bumuga ako ng hangin at nagsimula ng mag martsa paalis doon.
"Did you text Andrew?" Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang kanyang sinabi mula sa aking likuran. Kumunot ang noo ko, at hindi ko alam kung bakit ako nito tinatanong ng biglaan tungkold doon. Then I remember how he slammed the door as they left the room. Pumihit ako paharap sa kanya at nagtataka siyang tiningnan.
"What is it to you?" I asked back. His jaw clenches, at pakiramdam ko ay sinusubukan niyang pigilan ang kanyang sarili.
"Don't text him, don't text anyone," he said and left me there hanging.
I was left there with confusion. I don't really understand him. Hindi ko maintindihan ang lahat ng pinapakita at sinasabi niya.
But I will continue setting boundaries between us. I can't be with him, because I don't belong here. And soon enough, we will leave this world and go back to our world.
clarixass