Chapter 24
Who are you, Jaycee?
"Bakit ang tagal nila Crystal?" Ani Adrian at bumuga ng hangin. We're waiting in the living room. I kept tapping my legs with my fingers while the deep thoughts were running in my head. Tulala ako sa lamesa habang si Adrian at Sky ay kasama ko sa sala at parehong naghihintay kay Crystal at kay Shaheal. Living with them, I found out that Shaheal is the one who's taking so long in preparing herself. Sa pagligo, pagbibihis, at pag-aayos ay napakakupad nito.
"Sky, why don't you lift the things here to train your power?" Suhestiyon ni Adrian. His eyes were gleaming in his mind as he eyed Sky who's having a peaceful life sitting on the sofa. Tinignan siya ni Sky na para bang sinira nito ang katahimikan na iyon.
"You're experimenting me again," komento niya at napailing kay Adrian na malapad ang ngiti sa kanyang mga labi. His smile shows how bored he is already.
"Take this as a training. Kami nga noon araw araw kaming nagsasana--"
"Shut up. Oo na, 'wag ka ng mangonsensya riyan," masungit niyang saad kay Adrian at hindi na ito pinatapos pa. Pinapanood ko lamang silang dalawa na nililibang ang kanilang sarili sa paghihintay kay Crystal at Shaheal. Rovielyn isn't here. Pumunta ito sa restaurant niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kami naidadala. Well, we got busy because of the pageant.
Bumuga ng hangin si Sky at tumikhim. He can lift things using his power just by looking at it o pwede rin naman na sa pagtapat lamang ng kanyang mga kamay. His eyes started gleaming in the color of blue, and his mark behind his ear gleamed as well. Maya maya pa ay tumaas ang baso sa lamesa sa sala habang tinitingnan niya iyon.
"Wow, that's really cool. Do you want to exchange powers?" Ani Adrian habang manghang-mangha sa baso na lumulutang ngayon sa aming harapan. Shaheal and Sky were fast learners. They easily learned what we taught them. I saw how they already mastered it. Lalo na nang nakipaglaban na si Sky kagabi. It was his first time to encounter them and fight them. I don't know who he fought last night. I didn't ask him about that when we went home. Nagkasugat ito sa kanyang braso at sa palagay ko ay mula iyon sa armas at hindi dulot ng isang kapangyarihan. I don't know if that girl who can hear everything did that o ang nawawalang kapatid ni Crystal na nakakakita ng nakaraan. Just like Crystal, I'm sure she was trained in using other things to protect herself.
"No. Wind is too much, paano ba ang tubig?" Aniya at bumuga ng hangin.
"Water will always make you feel like you're in the ocean," pahayag ni Adrian at mahinang humalakhak.
"I hate the ocean, I'm scared of it." Tugon ni Sky.
"Who did you fight last night, Sky?" I suddenly asked out of nowhere. Natigilan si Adrian sa pagtawa at sabay nila akong nilingon. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na maitanong iyon sa kanya.
"I don't know. But they are not holding a stronger power like us," aniya habang sa mga mata nito ay nagbabalik tanaw na ito sa naganap kagabi, "But she's good at blades like Crystal. She hurted me and that caused this wound. Hindi ko naiwasan dahil na-distract ako. Isa pa ay masyadong mabilis ang galaw niya, maging ang pagtatapon niya sa akin ng mga iyon. She's don't hold a strong power, but she's a threat by her moves," aniya at mahina lamang na tinawanan ang braso nito na may sugat kahapon.
"Luckily we have Shaheal," ani Adrian. If we don't have Shaheal, which is a healer herself, it would be hard to fight. Lalo na kung sunod sunod ng labanan. We can't avoid wounds. It's part of our lives to receive wounds from fighting. Ngayon pa lang ay hindi ko na lubos na maisip kung paano mapapagod at mawawalan ng lakas si Shaheal sa paghaharap-harap ng buong dalawang kaharian.
"But do you think they will not suspect you? You brought back the arrow from them. What if they found out your real identity?" Tanong ni Sky sa akin. I also thought of that before I decided to release my first card.
"I thought of that already before releasing my card," ani ko at bumuga ng hangin, "That's why I'll pretend to be a normal person living in this world," ani ko. Napag-isipan ko na dapat akong umarte pa bilang normal na tao sa mundong ito. I don't feel pain, but if I accidentally have wounds around them, I'll definitely pretend that I'm hurt even though I don't.
"We're here!" Sigaw ni Shaheal mula sa hagdan habang bumababa kasama si Crystal. Mabilis na akong tumayo at kinuha ang aking bag nang nasilayan ko ang dalawa.
"Finally, akala ko ay hahayaan niyong mamuti ang mga mata namin kakahintay sa inyo," ani Sky at napailing bago kinuha ang bag niya at lumabas na.
"Blah, blah, blah," pabalang na saad ni Shaheal at inikutan ng mga mata si Sky. Kanina ay hinatid lang sandali ni Sky si Rovielyn papunta sa kanyang restaurant pagkatapos ay bumalik din dahil gagamitin namin ang kotse sa pagpasok. Panay ang kwentuhan nila Crystal at Shaheal habang si Adrian ay nakikisingit lamang. Sa ilang linggo namin na pagsasama-sama ay naging malapit si Crystal at Shaheal dahil na rin siguro sa sila ang magkaklase at laging magkasama. I remained silent until we arrived at the University. It's just a normal day, the usual day that we always have in the University. Hindi tulad dati na pinag-uusapan kami ng mga estudyante, ngayon ay lagi na lang silang napapalingon sa amin.
However, I know they still don't have any idea of where that arrow came from.
"Hi, guys!" Sumabay sa amin si Jamina at Kristel suot ang kanilang mga ngiti.
"Hi, Kristel and Jam, " ani Adrian sa kanila.
"Exams are coming, are you guys ready?" Kristel asked. Tumaas ang kilay ko at tiningnan sila Shaheal at Sky. Wala akong ideya na may ganoon pala. Ang akala ko ay tuturuan lamang dito at makikinig lang. I didn't know that they also have that here.
"Don't worry, it's not a big deal. We can all succeed," ani Jamina at kumindat sa amin. Napailing na lamang ako. Sa mga mata pa lang niya ay puno na iyon ng kalokohan. Umismid naman agad si Jamina at dismayado siyang tiningnan.
"Not a big deal for someone who don't take education seriously, just like you. Pero sa mga tulad namin nila Cali na masisipag, it's a big deal!" Pahayag ni Kristel at inakbayan pa ako. Hindi ko na iyon pinansin. If they are happy doing that, I won't destroy that happiness. At isa pa, I'm already accepting them as our friends. As long as they don't know about our real identities.
"I'm with you, Jamina." Ani Shaheal at inakbayan ito. Naglaho ang nakasimangot na mukha nito at bumalik ang pilyo niyang ngiti nang nakahanap siya ng kakampi.
"I'm also with you," ani Crystal.
"Ako rin," ani Adrian at tumabi sa kanila. Lahat kami ay bumaling kay Sky na wala pang sinasabi.
"I'm also responsible, medyo hindi lang halata. So, I'll be with Cali and Kristel." Pahayag niya at umakbay rin sa akin.
"That's good!" Ani Kristel at masayang ngumiti.
"Whatever," ani Shaheal at inirapan siyang muli. Kahit kailan talaga ay para silang aso at pusa. Nagkikita pa lang ay nag-aangilan na agad. Nagsimula ang aming klase kay Ms. Cruz hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Hindi naman ako nainip dahil nakuha ng mga guro ang aking interes sa bawat lessons na kanilang tinuturo. Lahat kami ay tutok lalo na ng hindi nga nagkamali si Kristel tungkol sa exam na paparating. Iyon ang binabanggit ng lahat ng guro sa bawat subjects at pinaghahanda na kami doon.
Nang nagkaroon kami ng vacant ay agad akong tumungo sa cafeteria para bumili ng meryenda. I'm starving, and I already feel how exhausting this day is. Mag-isa ako na pabalik sa aming klase matapos kong bumili. Wala namang mahabang pila dahil ang mga estudyante sa unibersidad ay may kanya-kanya lang na mundo. Taimtim ako na naglalakad habang kinakain ang burger kong binili sa cafeteria nang may isang kamay na humila sa aking gilid. Napasinghap agad ako sa biglaang pangyayaring iyon, but I controlled myself not to fight like what I used to do.
"Jaycee," may laman pa ang aking bibig nang bumungad sa akin ang maamo nitong mukha. Kumurba ang ngisi sa gilid ng kanyang labi at binulsa ang kamay nito. Tinakpan ko ang aking bibig at sandaling kinain ang burger sa loob ng bibig ko.
"What do you need? You can just talk to me without suddenly pulling me. You'll give me a heart attack," ani ko at mariin na pumikit sa kanya. Lumaki ang ngiti nito sa kanyang mga labi nang nasilayan ang aking reaksyon. Napalingon ako sa aming paligid at nasa tagong lugar naman kami. Kaunti lang din ang mga estudyante na nagdadaan sa gawing ito.
"Did I make your heart pound?" He teased me. Natigilan agad ako. Pakiramdam ko ay sandaling nagbara ang aking lalamunan. But the truth is, he did. To the point that I can only hear my heart being a drum.
"What do you need?" I asked and avoided his question. Tumaas naman ang kanyang kilay bago ito bumuga ng hangin.
"I'm okay. I already see you closely, that's all I need." Aniya at pilyo pang kumindat sa akin. Pakiramdam ko ay naglaho ang pagiging malamig nitong pagkatao. The way he acts in front of me right now. My lips parted again. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking magkabilang mga pisngi kaya't agad akong tumikhim at umiwas ng tingin sa mga matang iyon. Marahan nitong kinuha ang aking kamay suot ang malambot nitong ngiti sa kanyang mga labi. Pinagmasdan ko ito habang ginagawa iyon. At hindi ko maiwasang maisip ang lahat ng pagdududa ko sa kanyang pagkatao. He told me that he can't be with me, and what is his reason for that? From the very beginning, I know that I can't trust him. Unless I see and feel that he becomes transparent to me. Ngunit hangga't nakikita at nararamdaman ko ang pagdududang ito sa aking isip, I can't trust him.
If we are doing a great job in pretending to be normal people, evils can do that too. At kahit hindi siya kalaban, I forbid myself to be with him as the kingdom forbidden me to.
"I'll see you around," aniya. He took a bite on my burger seductively, na siyang naging dahilan ng aking pagtulala. He smirked as he saw my reaction. But before he could even leave and let go of my hand….
"Your hand is cold," ani ko na siyang nakapagpahinto sa kanya. I'm not lying, that's what I really feel right now. Pakiramdam ko ay yelo ang nakahawak na kamay sa aking kamay ngayon. Mariin ko siyang pinagmasdan at hinintay ang magiging reaksyon nito. Mabilis niya iyong binawi bago niya ako hinarap at matipid na ngumiti. Ibinalik niya iyon sa kanyang bulsa matapos ko iyong sabihin sa kanya.
"Pasmado ako," aniya at nanatili ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya habang sinasabi niya iyon. Nothing changes about what I feel. Nothing changes about what's running in my mind while looking at him. Alam ko na hindi ko mapapaniwalaan ang kanyang sinabi. But I'm starting to figure out who he is, and it's making me feel scared. It gives me fear in my heart.
The evil who I've seen having that power that's my biggest and strongest opponent is the prince of evils.
"Who are you, Jaycee?" I asked out of nowhere. Natigilan ito at naglaho ang malambot na ngiti sa kanyang mga labi sa aking naging tanong. Mariin ko siyang tiningnan, at nakipagpalitan ng tingin sa mga matang hindi ko mabasa ang ibig ipahiwatig.
The evil who controls ice…is it him? Is it Jaycee?
Is he the one the prince of evils?
clarixass