Chapter 25
The benefit of the doubt
Nanatili ang mga mata ko sa mga matang hindi ko maunawaan. Sa mga matang batid kong puno ng panganib. Sa mga matang dapat kong iwasan. Sa mga matang hindi ko mabasa. Nagpapalitan kami ng mga tingin matapos kong tanungin iyon. I tried to read his eyes while we were both eyeing each other, but his eyes remained silent and blank like a white bond paper. Silence covered us. No one of us spoke or broke the silence after I asked him that. Jaycee remained silent while looking in my eyes trying to read me as well.
Ilang segundo pa ay binasag ko ang katahimikan na iyon sa aming pagitan. Mahina akong tumawa na parang isang normal na tao. Even if I don't get the answers for the questions in my mind, I can't let him think if I am not a normal person or not.
"I mean, you were always mysterious. I don't know anything about you," ani ko suot ang aking natatawang ngisi sa aking mga labi.
I'm not a fool.
I said in my mind behind the smile on my lips. Tumaas ang kanyang kilang at nanumbalik ang ngisi sa kanyang mga labi. Nilabas nito ang kanyang mga kamay at marahan na inayos ang aking buhok. I wasn't expecting that but I pretended not to be surprised by what he just did.
My heart is pounding like a drum beyond all the questions and doubt in my chest.
"I don't know anything about you, either." Natigilan ako doon. I didn't let the smirk on my lips left my lips as he said that softly. Hindi ko alam kung doble ba ang ibig sabihin niya doon. Hindi ko alam kung sinabi niya iyon ng walang kahit ano pang suspensya sa akin o ano.
"Hmmm," ani ko at bumuga ng hangin. I smiled widely on my lips beyond the tension I feel between us, "We can know each other," pahayag ko habang sinasalubong ang kanyang mga mata, "Only if we don't have distance," dagdag ko at inalis ang ngiti sa aking mga labi. I brought back my ferocious face on him as I added that. Kumurba pa rin ang ngisi sa kanyang mga labi.
"Let's see," aniya at marahan na tumango bago binalik sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay.
"Why are you distancing yourself from me, Jaycee?" I asked with the purpose of testing him. Puno at nababalot ako ng kutob sa aking dibdib. Napakaraming katanungan ang umuulan sa aking isip tungkol sa kanyang pagkatao. Isang rason lang ang tangi kong alam kung bakit nilalayo niya ang kanyang sarili sa akin na para bang isa akong panganib. That's how I see him. A danger, he's a danger that I have to distance myself and he's the same thing.
"I have a reason, a very deep reason, Cali." Seryoso niyang pahayag. The way he said it, I saw how serious his eyes were. Kitang-kita ko kung gaano nga kalalim ang kanyang rason at hinihiling ko na sana ay mali ang iniisip kong rason niya sa pagbuo ng distansya mula sa akin. I would rather know him as a normal person than evil that are our enemies since the day we were born.
"How deep is it that I can't even know what it is?" Sunod kong tanong sa kanya. I was trying to catch him on his neck, but it seems like he knows how to handle me well.
"Deeper than the ocean," aniya at bumuga ng hangin. Pumungay ang kanyang mga mata sa akin at tila ba ay nakikiusap na 'wag na akong magtanong pa. Pilit akong pinapakalma ng mga mata nito mula sa aking mga katanungan sa kanya. His eyes are trying to make me calm a bit from all the questions I asked him just to test him, "You will not understand even if I tell you. It's complicated, Cali. It's hard to believe and understand," that moment I had the answer from all the questions in my head. Mas tumimbang na maaaring tutoo lahat ng aking hinala at tumatakbo sa aking isip tungkol sa kanyang pagkatao. He didn't give me an answer, but he gave me a clue about the truth. I'm not a normal person, and I understand what he's trying to say.
Is he the prince of evils? My biggest opponent. Nabalot ako lalo ng pangamba sa aking dibdib. If he is really the prince of evils, then I found him already. Ngunit nangangamba ako. Nangangamba ako sa pagdating ng panahon kung saan kami maglalaban. Dumagdag pa ang nararamdaman ko sa aking puso na hindi naman dapat. Sa dinami-dami ng maaaring maging kalaban ko at ng buong kaharian, why him? In all people, why does it have to be him? The prince of evils?
Bumuga ako ng hangin at sandaling pinahinga ang mga mata ko mula sa kanya. Nang ibalik ko ang mga mata ko sa kanya ay marahan ko siyang binigyan ng isang ngiti mula sa aking mga labi at marahan ko rin na sinalubong ang mga mata nitong puno ng panganib para sa akin.
"Let's continue the distance you made," ani ko at mapaklang ngumiti, "I can't be with someone that I don't know. I can't be with someone with a doubt in my heart. I can't be with someone who doesn't fully trust me and with someone who wants a distance from me but not even doing it and keeps confusing me," mahaba kong pahayag at matabang siyang binigyan ng ngiti. I told him to play with him. But in the other side of me, pakiramdam ko ay may halo iyong katotohanan na nanggagaling sa aking dibdib at sa kung ano ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay totoo lahat ng mga salitang binitawan ko sa kanya. I felt a pain in my chest as I eyed him.
I felt the pain from the truth.
"Cali," inilayo ko ang aking sarili nang akma niya pa akong hahawakan muli. Mapupungay ang kanyang mga mata ngunit hindi ako dapat magpadala sa mga iyon.
Umiling ako sa kanya. Ang mga mata ko ay nababalot ng pait at ang ngiti sa aking labi ay mapakla.
"Please," ani ko, "Stop confusing me," I said and smiled before I walked away. Bumuga ako ng hangin at diretsong naglakad paalis at palayo sa kanya. If he's an enemy, then I'm doing the right thing. Hindi ako lumingon at nilisan ang lugar na iyon.
"You're quitting basketball whether you like it or not! Hangga't hindi ka nagpapakatino at sinasaksak lahat diyan sa kokote mo ang sinasabi ko ay hindi ka babalik sa paglalaro. I'm done playing your games, Andrew!" Natigilan agad ako nang bumungad sa akin ang isang lalaki na may edad na sa harapan ni Andrew na nakatalikod ngayon sa akin. I avoided being seen, ngunit hindi ko alam kung paano ako dadaanan. Nasa labas sila ng guidance at nakaharang sa daan. I don't know who he is so that he can tell those to Andrew. I don't really care about what's with them, ang tanging iniisip ko lang ay kung paano ako makakadaan gayong nakaharang sila.
"Dad, I can't quit basketball! It's my passion!" Kumunot ang noo ko nang narinig ko ang sagot ni Andrew. That's his father then?
"I don't care about your passion, Andrew! I'm your father and I'm doing my job to make your path straight!" Nababalot ito ng galit mula kay Andrew. I don't know what happened and what he did to make his father mad like that, "One more guidance, I will not let you go out of the house or even to your room," he said before he walked out. Agad akong umayos ng tayo nang palapit na ito sa akin. Nagpatuloy agad ako sa paglalakad upang hindi niya mahalata na may narinig ako sa kanilang pag-uusap. Sandali akong nahagip ng kanyang mga galit na mata dahil kay Andrew ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang.
Bumuga ako ng hangin nang lampasan namin ang isa't isa. My eyes widened when I saw Andrew was about to punch the wall in front of him with so much anger in his eyes. Before he could even do it, mabilis akong lumapit at sinalo ang kanyang kamao sa akmang pagsuntok ng pader. Nanginginig sa galit ang kanyang kamay, tugon sa mga mata nito. Ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang kamay at sa kanyang mga mata. When he saw me, looking at him with nothing on my face, tila ba ay naglaho ang galit na iyon sa kanyang mga mata at napalitan ng sakit mula sa mga iyon. Nagsimulang manubig ang kanyang mga mata at ilang sandali pa ay bumigay na ito at tuluyang bumagsak ang mga luha nitong nagbabadya.
"C-Cali," nauutal niyang saad at bigla akong niyakap. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa hindi ko iyon inaasahan. Ngunit nang yakapin niya ako ay humagulgol ito sa aking balikat. I couldn't even move my body as I don't know how. Hindi ko alam ang dapat kong gawin o ang dapat kong ikilos habang umiiyak ito sa aking balikat. I can see how deep he is in pain. I can see how drained he is. Pakiramdam ko ay sinusubukan lang niya magpakatatag at ngumiti ng malawak sa aming lahat na nakapaligid sa kanya. Ngunit ang totoo ay hindi naman talaga. I suddenly remember his widest smiles on me, his laughter, ang mga banat nito, at ang pilyo niyang mga mata. All I thought is he's fine and living happily.
But now, I realized that he's not. Bumuga ako ng hangin at dahan-dahan na hinagod ang kanyang likuran habang patuloy ito sa pag-iyak sa aking balikat. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang umiiyak sa aking balikat at kung gaano katagal kong hinahagod ang kanyang likuran. Ngunit ramdam ko ang bigat sa kanyang dibdib, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit sila nag-away ng kanyang ama. But I know that Andrew can't express what he really feels so he kept hiding it from everyone.
Ilang sandali pa ay humiwalay ito sa akin at pinahid ang kanyang mga luha bago mahinang tumawa na para bang walang nangyari. But his eyes speak differently from that laugh.
"I'm sorry for bursting into tears. I'm a man but I just cried," aniya at mahina muling tumawa.
"Not because you're a man you're forbidden to cry," pahayag ko. Natigilan siya at naglaho ang pekeng ngiti sa kanyang mga labi, "You're also a human. It's normal for you to cry, it's normal for everyone to cry. Not only girls are allowed to cry, men can cry whenever they want. Crying isn't about how weak you are, crying reflects how tired but still strong enough for everything, Andrew." Mahaba kong saad at binigyan siya ng isang matipid na ngiti at tinapik ito sa kanyang balikat. Pakiramdam ko ay agad iyong na-proseso sa kanyang mga mata.
"Thanks," aniya ay malapad na ngumiti, "I didn't expect to hear that from a ferocious person like you," he added and laughed. Napailing na lang ako at bumuga ng hangin.
"I can take it back," biro ko ngunit seryoso.
"Come on, I'm just kid--" mabilis ko itong hinila sa aking tabi nang naramdaman ko ang isang bagay papunta sa aking pwesto. Bumaba ang mga mata ko sa yelo na bumagsak sa sahig sa aming harapan. It was for Andrew, at kung hindi ko siya hinila ay tatamaan siya nito. Kumunot agad ang noo ko nang sumilay sa akin ang matigas pang bilog na yelo.
"Ice? Where did it come from?" Gulat at nagtatakang tanong ni Andrew. Kumabog ang aking dibdib at mabilis akong luminga sa aming paligid. My eyes stopped as I saw that broad back walking away calmly with his hands in his pockets.
Kumalabog ang aking dibdib. I know that broad back. Mula sa bultong unti-unting naglalaho sa aking paningin ay alam ko na agad kung sino iyon. My lips parted as I confirmed it even more.
I want to believe what he says, but how can I give him the benefit of the doubt if the truth is revealing itself?
Jaycee, is he really my opponent? I do not fear him. But I fear what my heart feels for him.
clarixass