Chapter 17
Distance between us
"Oh, kumusta ang pag-aaral?" Bungad na tanong sa amin ni Rovielyn nang dumating kami sa bahay galing sa paaralan. Inis kong binagsak ang bag ko sa may sofa.
"Good!" Ani Sky. Mabilis akong lumingon sa kanila suot ang masama at madilim kong mga mata. Nagkatinginan pa sila ni Adrian sa oras na tingnan ko sila ng masama.
"Good? You jerks!"
"RUN, SKY!" Mabilis akong naghagis ng apoy sa kanilang dalawa na kumaripas agad ng takbo palayo sa akin. Mabilis ko silang hinahabol at panay ang paghahagis ko ng apoy habang si Adrian naman ay pilit iyong pinapatay ng tubig niyang kapangyarihan.
"F*ck you, Adrian! Ang sabi mo sa akin nagbibiro lang si Calida, I didn't know that she will really do this!" Sigaw ni Sky habang pareho silang tumatakbo at iniilagan ang apoy na hinahagis ko sa kanilang direksyon.
"Calida, don't burn my house, oh god!" Sigaw ni Rovielyn mula sa ibaba. Huminto ako at bumuga ng hangin ng nakapasok si Adrian at Sky sa kwarto at mabilis iyong sinarado mula sa akin. Mariin akong pumikit at kinalma ang aking sarili.
"Don't come out from there if you still want to be alive," pagbabanta ko sa dalawa. I know that they heard me inside the room. Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko sila Crystal at Shaheal na nakabukas ang mga labi habang nagtataka ang mga mata at si Rovielyn na punong-puno ng pangamba sa kanyang mga mata matapos kong paulanan ng apoy sila Adrian at Sky sa loob ng kanyang bahay.
"Don't worry, I didn't throw a huge fire. I only threw a fire that Adrian can stop," ani ko at bumuga ng hangin bago ko binagsak ang sarili ko sa sofa. Pakiramdam ko ay napakalaki ng problema ko dahil sa naganap na eleksyon sa aming klase kanina. I won't mind being one of the class officers pero hindi bilang isang Muse na lalaban sa pageant ng Agar University. I don't even know what to do there and I don't want to be in the spotlight.
"Ano ba ang nangyari? Why are you suddenly throwing fire to Adrian and Sky? Your eyes wants to kill them and burn them alive," komento ni Rovielyn at naupo sa tapat na sofa sa aking harapan.
"I heard the news, it's all over the University," ani Shaheal bago ito mahinang tumawa. Masama ko siyang tiningnan kaya natigilan ito at wala sa sariling napalunok.
"Cali Alvarez will be competing for Ms. Agar," utas ni Crystal at umiiling na ngumisi sa akin, "Our classmates heard about it. Mukhang pinagkalat agad ni Ms. Cruz na ikaw ang lalaban sa section niyo," dagdag pa niya at sinandal ang kanyang sarili sa sofa.
"Well, I know she did that to threaten other candidates. Many are already expecting you to win. They all admire your beauty and the teachers tell you how intelligent you are. You look like a normal person, well done, Cali!" Mahabang pahayag ni Shaheal at kumindat sa akin bago nag thumbs up. Nang naramdaman ko mula sa itaas na lalabas sila Adrian at Sky sa kwarto ay mabilis akong naghagis ng apoy papunta doon.
"OH SH*T!" Malakas na kumalabog ang pinto mula doon nang salabungin sila ng aking apoy. That's the punishment for not complaining when Kristel nominated me. If Kristel isn't a normal person, baka kasama siya ngayon nila Adrian at Sky sa loob ng kwartong iyon.
Bumuga ng hangin si Rovielyn, "So, you were chosen. And why do you want to burn those two?" Ani Rovielyn matapos nilang mapagmasdan ang ginawa kong paghahagis ng apoy kila Adrian at Sky sa itaas.
Napailing ako, "Kristel nominated me and those two did not even complain instead, they agreed!" Inis kong pahayag at mariin na napapikit. Malakas naman silang tumawang tatlo sa akin.
"Don't worry, I heard your escort will be Jaycee? The newbie as well, " pahayag ni Shaheal. Natigilan ako nang naalala ko na siya nga pala ang magiging partner ko sa pageant na iyon kung sakali. He's handsome, kakaiba ang kagwapuhan niya sa lahat at hindi ko iyon maitatanggi. Hindi na ako nagtataka kung bakit isa siya sa laging nakakakuha ng atensyon ng mga estudyante sa unibersidad lalo na ng mga babaeng mag-aaral. But he's mysterious. Hindi ko siya matantsa at mabasa. He's quiet, but intelligent as well. He's quiet but cool. He handles things softly without messing around. We don't even talk often. Kung mag-uusap kami ay aksidente lamang.
"Well, it already happened," ani Rovielyn at tumayo, "You're already selected as the muse of your section and based from what you all said, you are also obliged to participate and join the pageant," aniya at nagkibit balikat, "Clean yourselves, I'll ready the dinner," aniya bago ito nag martsa paalis.
Mariin ako muling pumikit. I can't believe this world will be this problematic.
Kinabukasan ay sinimulan nila akong pilitin. Ms. Cruz told us yesterday that she will train us for the pageant and I really don't want to compete and join this pageant. Kung maaari ko lamang sabihin sa kanila na hindi ako taga rito sa kanilang mundo ay ginawa ko na agad.
"Cali, come on, you have to train for the competition! You have a big chance to be the next Ms. Agar of our University!" Pilit akong hinihila ni Shaheal at ni Cyrstal pabangon sa aking kama. Sinadya ko na hindi bumangon ng maaga dahil sa ayoko talagang lumaban sa pageant nilang tinatawag. Narito kami sa kwarto kong lahat. Frustrated na frustrated na ang mga mukha nila Adrian, Sky, at Rovielyn sa akin. Kanina pa nila ako pinipilit ngunit talagang ayokong sumali doon.
"Bakit naman kasi ikaw ang napili sa dinami-dami nyong mag kaklase?" Ani Rovielyn at ngumiwi sa akin. Hinila ko pabalik ang magkabila kong kamay mula kay Shaheal at Crystal. Bumuga ng hangin si Crystal at kinalma ang kanyang sarili.
"Kristel nominated me, and those two jerks did not even complain!" Singhal ko at masamang tiningnan ang dalawa. Napa atras sila pareho nang mag apoy ang dulo ng aking buhok kasabay ng pag ilaw ng marka ko at ng aking mga mata.
"What should we do? The whole class were on the cloud nine when Kristel nominated you, akala mo nga ay panalo ka na agad sa mga kumikinang nilang ngiti," ani Sky at bumuga ng hangin bago nagkamot ng kanyang ulo.
"Isa pa, you tried to tell Ms. Cruz that you don't have an interest in joining the pageant but she refused. That only means that she really wants you to join," ani Adrian at kumindat pa sa akin. Gustong-gusto ko ulit sila batuhin ng apoy ngayon.
"I think you should blame Kristel," ani Rovielyn at napailing.
"If I can only burn her alive, she's not existing anymore right now," pahayag ko. Mariin ulit akong pumikit at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"Come on, you got this. Gagabayan ka naman and I'll be there," ani Crystal sa akin at pilit pa rin akong kinukumbinsi.
I chuckled, "Nagsalita ang may alam sa mundong ito," sarkastik kong saad. Mabilis naman na umikot ang mga mata niya sa akin. Bumuga akong muli ng hangin bago ako nakapag desisyon ng dapat kong gawin. I don't really have a choice now. I'm stuck here temporarily in this world hangga't hindi ko pa nahahanap lahay ng kalaban na narito rin. I have to do this and forget about the pride living in my body.
"Fine," ani ko at tumayo na sa aking kama.
"YES, FINALLY!" Sigaw ni Sky at nag palakpakan pa sila bilang pagbubunyi sa aking pagpayag.
"Get out, I'll take a bath," ani ko at isa isa silang tinaboy sa aking kwarto. Nang napaalis ko sila ay muli na naman akong bumuga ng hangin. I don't really have a choice now but to join that d*mn pageant.
Naligo nga ako at hinanda ang aking sarili sa pagpasok. I know we're already late. Pagdating namin sa unibersidad ay sinalubong na naman ako ng mga mata ng mga estudyante sa bawat bintana ng mga classroom na nadadaanan namin papunta sa aming klase. It was 8:00 am already when we arrived at the University and it's already time for our second class. I'm a kind of glad not seeing Ms. Cruz in the morning as I know that she will remind me for the practice or training we have to do for the pageant after our classes.
Mabilis din na lumipas ang oras at nayari ang pangalawang klase na iyon. It's already 11:00 am and it's time for lunch. Matiwasay ang buhay ko habang nililigpit ko ang libro sa aking lamesa not until Andrew appeared in my sight again wearing his wide annoying smile.
"What?" Ani ko bago pa ito makapagsalita.
"I wonder if you can give me your cell phone number?" Aniya at malapad na ngumiti. Kumunot ang aking noo. Cell phone number? Shaheal introduced me to that cell phone thing, but I don't really know what is he talking about.
"Ah! Dude, walang sim si Cali, bibili pa lang. She threw her sim because she was annoyed to me and to Adrian after calling her many times," ani Sky at palihim akong binigyan ng senyales na gawa gawa lamang niya ang kwento na iyon. Tumango-tango naman si Andrew at mukhang kumbinsido naman sa kwentong wala namang katotohanan na binuo ni Sky.
"Ganoon ba?" Aniya at tila ba ay nag-iisip. Andrew is handsome and I won't deny that. I could say that he's one of the handsome guys here in the University as I have noticed. Natigilan ako nang kumalabog ang pinto ng classroom at nahagip ng mga mata ko si Jaycee na lumabas na ng klase kasunod si Ismael na bumaling sa akin suot ang mayabang niyang ngisi bago ito umiling na tila ba ay may kasalanan akong ginawa. Sandaling kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. Did he just close the door like that or was it just an accident? Naagaw niya ang atensyon naming lahat at lahat kami ay nagtataka sa malakas niyang pagsara ng pinto.
"Here's my number, text me when you buy you have a sim again," aniya at nilagay sa aking palad ang isang maliit na piraso ng papel at may mga nakasulat na numero. Kunot noo ko lamang iyong tiningnan sa aking palad, "See you," aniya at marahan na kumaway. Paglabas niya kasama ang mga kaibigan niya ay narinig ko agad ang pang-iinis nila sa kanya. Napailing na lang ako at inipit ang papel na iyon sa aking libro.
"Wala na, mukhang tinamaan talaga sa'yo ang isang iyon," ani Adrian at natatawa na umiling. Hindi naman iyon pinansin at tulad niya ay napailing lamang ako. I don't even know if he's serious to me. Andrew looks like a playboy who wouldn't stick to one woman. Iyon ang napansin ko mula umpisa at iyon din ang naririnig ko sa paligid. I was just pretending not to hear them but I actually hear what the people around me say. Kadalasan ay puro ako. Mabuti na lang at puro naman iyon pamumuri. I would rather hear them praising me, kaysa naman sinisiraan ako. My fire would not stay quiet.
"Hey, Shaheal texted. Nasa may garden daw sila ng school at doon kakain," ani Sky habang nakatuon ang mga mata sa kanyang cell phone na hawak, "Let's go buy lunch and go there," ani Sky bago kami naglakad papunta sa cafeteria. Pagdating doon ay magulo at maingay ulit mula sa mga estudyante na may sari-sariling mga mundo. Bumuga ako ng hangin nang tumambad sa akin ang pila.
"I'll buy our l--" pinutol ko agad si Sky.
"I'll buy it, go to that garden," ani ko at kinuha ang pera sa kanya. Natulala at natigilan pa silang pareho ni Adrian ngunit hindi ko na iyon pinansin at pumila mula sa likuran. Nasa dulo ako at napakatagal ng usad ng pila.
"Cali!" Gulat na saad ni Kristel. Doon ko napagtanto na siya ang nasa aking harapan. Naalala ko na naman ang ginawa niyang pag nominate sa akin kahapon. If she didn't do that, sana ay wala akong pinoproblema sa mundong ito.
"Don't talk to me, I still remember how you nominated me," masungit kong saad. Mahina naman siyanv tumawa at hindi man lamang naapektuhan sa akin, "Where's your best friend?" I asked when I noticed that she's alone.
"Oh, she's in the office. You know, maloko si Jamina at may ginawa na naman na kalokohan so the principal called her," aniya at ngumiwi sa kaibigan. It's obvious in Jamina's face. It looks like she's enjoying her life doing fun things while breaking the rules. Well, that's her life.
"Hey, Kristel!" Napunta ang mga mata ko sa tatlong babae. Tumaas ang kilay ko nang napagtanto ko na sila ang tatlong babae kong sinunog ang mga uniporme nilang suot. Nahagip ako ng kanilang mga mata ngunit ni hindi man lamang sila natakot sa akin. Palihim tuloy na kumunot ang aking noo sa kanila. Hindi ba nila ako naaalala? Did I erase their memories so much for them not to remember me?
"A-Ano?" Nauutal na tanong ni Kristel at inayos ang salamin niyang suot. Naglaho ang nakakurba niyang ngiti mula sa akin kanina ay bumaba ang mga mata. Ang mga kamay nito ay nanginginig at ang mga mata niya ay nababalot ng takot. Nanatili akong kalmado sa aking pila at pinapanood lamang sila. It seems like these girls did not learn the lesson they have to learn from that day.
"Get us food," ani ng isa at may inabot na pera sa kanya, "Don't forget the fries at dalhin mo sa table namin, okay?" Peke na ngumiti ang babae. Her smile makes me want to burn them alive. Kinuyom ko ang aking palad habang pinapanood sila. I don't know why they are doing this to a human like them.
"S-Sige," ani Kristel ay inayos ulit ang kanyang salamin. Nalaglag ang wallet ng babae ngunit alam ko na sinadya niyang ilaglag iyon sa harapan ni Kristel.
"Oooppps! Nalaglag, can you get it for me?" Aniya kay Kristel. Kita ko ang takot at pagiging mahina sa mga mata ni Kristel nang pulutin niya iyon ng nanginginig ang kanyang mga kamay. I don't really understand why I see that fear in her eyes when these girls aren't scary at all. They are not even a threat to me.
"He--" bago niya pa maabot ang wallet na iyon ay mabilis ko iyong kinuha mula sa kamay ni Kristel at hinagis iyon sa malayo. Napalingon na ang mga estudyante sa aming gawi matapos ko iyong ihagis. Nagbubulungan na silang lahat. I really hate putting the spotlight on me, but these girls left me with no choice. Nagulat sila at masama akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Nanatili ang blangko kong mga mata sa kanila.
"How dare you?! Who do you think you are, huh?" Tinulak ako nito sa aking balikat.
"Cali," nag-aalala na saad ni Kristel sa akin. I smirked as this girl pushed me. I'm trying to control myself as I might burn her alive.
"And who are you to bully someone?" Malamig kong tanong sa kanya pabalik. Mas tumalim ang kanyang mga mata sa akin. If she's expecting me to be scared in her eyes, pwes ay hindi. I grew up in a world where the evils are eyeing us with those eyes at kahit isang beses ay hindi ako nakaramdam ng takot doon.
"At sumasagot ka sa akin?! How dare you?!" Tumaas ang kanyang kamay, ready to give me a slap and I remained standing in front of her with no fear in my eyes. I waited for her hand near me so I could hold it to let her feel the heat in my hand, but before she could even slap me, a hand stopped her hand coming to me.
Sumighap ang lahat at mas narinig ko ang kanilang mga bulungan.
"Jaycee," tumaas ang aking tingin at doon ay bumungad sa akin si Jaycee na malamig ang mga mata sa babae. Tinawag siya ng isang babae nang nakita ang pagsali at pagpigil niya sa sampal na igagawad ng babae sa aking harapan. My lips parted when I saw him, but what makes me feel weird is when I realized that my heart is beating so fast while eyeing him looking cold to the girl in front of me.
"I must remind you not to lay your hand to her if you still want to exist," malamig niyang pahayag. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. He threatened her. And his threat sounded evil. Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko ito. He's really mysterious, very mysterious. Binaba nito ng marahan ang kamay ng babae na napuno ng takot ang mga mata.
"Jaycee, that girl is bullying me! Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko!" Kumunot ang noo ko sa kanya at hindi siya makapaniwala na tiningnan.
"What? Are you also a liar?" I said unbelievably. Ngunit matalim pa rin ako nitong tiningnan.
"Leave," malamig na utas ni Jaycee at binulsa ang kanyang mga kamay. Naglaho na ang malamig nitong titig at napalitan ng kalmado niyang mga mata, "Don't you ever let me see you in front of these girls," aniya, pertaining to me and to Kristel. Nanginginig silang tumango.
"Your wallet," ani ng isang lalaki at nakakakilabot na ngumiti. I saw him before with Jaycee and Ismael too.
"You okay, Cali?" Mayabang at natatawa pa rin na tanong ni Ismael sa akin. Ngunit nanatili ang mga mata ko sa kanya. Is he really just arrogant, or was I right that he isn't a normal person? Bumuga ako ng hangin at marahan na tumango.
"Yeah, thanks for the help," ani ko kay Jaycee bago ako bumaling kay Kristel, "Come with me," ani ko sa kanya at hinawakan na siya sa kanyang kamay ngunit mabilis din na kinuha ni Jaycee ang aking kamay mula sa kanya at walang pasabi akong hinila habang ang isang kamay nito ay nanatili sa kanyang bulsa.
"Jaycee, what are you doing?!" Hindi makapaniwala na tanong ng babae ng hilahin ako nito.
"Wait, let go of me, Jaycee!" Ani ko ng hilahin ako nito.
"Jaycee!" Sigaw ni Ismael at ng mga kaibigan niya ngunit parang wala itong naririnig at hinihila lamang ako palayo sa cafeteria.
"Hey, let go of my hand. You can talk to me without dragging me around," ani ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya nakinig at nagpatuloy lamang sa paghila sa akin. Beyond that, he's still dragging me gently at tila ba ay iniingatan ako nito. I chose not to talk anymore at nanatili akong tahimik. If he ever hurts me, I can fight and protect myself. Why should I be scared? But dragging me around makes me confused. I don't even know why he suddenly dragged me. Napailing na lamang ako habang nagpapatinaod sa kanyang marahan na paghila sa akin. Nagtataka ako at nakakunot ang aking noo, lalo pa ng umakyat kami ng hagdan at wala ng masyadong tao sa gawing ito. Nagsimula akong maging alerto. I don't trust anyone, not even him. I was about to throw fire at him not until he opened a door and my eyes met the sky and the breeze of air embraced me gently. My lips parted. Natigilan ako nang bumungad sa akin iyon.
"It's the school's rooftop," aniya saka nito binitawan ang aking kamay at ibinalik iyon sa pagkakabulsa. Umakyat kami at mula rito ay tanaw na tanaw ko ang iba't ibang lugar maging sa hindi kalayuan dito sa unibersidad. Napakaganda ng tanawin na siya rin namang sinasabayan ng malamig na hangin. Nilaro nito ang aking buhok at tumama iyon sa aking mukha. Before I could remove it with my hand, I was surprised when Jaycee came and gently removed it on my face. I eyed him, at mapungay ang mga mata nito akong pinagmamasdan at marahan na hinawi ang buhok na tumatama sa aking mukha. Marahan niya rin iyong sinabit sa aking tainga at tila ba ay labis na pinagmamasdan ang aking mukha. While he's eyeing me softly with his lovely eyes, malakas ang kabog ng aking dibdib at pakiramdam ko ay napakahalaga kong nilalang.
Ngunit hindi lamang iyon ang aking natatanaw sa kanyang mga mata. Bakit pakiramdam ko ay may panghihinayang sa kanyang mga mata.
"Thanks," ani ko at ako na mismo ang nag-ayos ng aking buhok kahit na may kalakasan ang hangin. So this place is the rooftop. A top of a building where you can see the sky and the places. I don't know why he suddenly did that. But he makes my heart beat so fast and I feel weird.
"I brought food," aniya at doon ay nahagip ng mga mata ko ang isang mesa doon at may dalawang upuan. Bumungad sa akin ang iba't ibang pagkain doon. I will not deny it, but I'm starving already, "You should join me," aniya at nilahad ang kanyang kamay bago kumurba ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Sandali ko pa iyong pinagmasdan. I've seen this happen in a movie. I've seen this in the movie we watched. Now, I feel romantic.
Hindi ko alam kung bakit at kung paano, ngunit natagpuan ko ang sarili kong tinanggap ang kanyang kamay at marahan niyang hinila ang upuan para sa akin. There's no so much light from the sun, at mabuti na lamang ay hindi nga maaraw.
"Don't be shy, just eat," aniya bago siya nagsimula sa pagkain. I know I should not feel this thing in my chest and I should not be here with him. I don't know much about him at malaki ang chance na isa siya sa aming kaaway. But it seems like my heart is controlling my body. This place is calming, para bang kahit sandali ay nalimot ko lahat ng responsibilidad na nakaatang sa aking mga kamay.
"Para saan ito?" I suddenly asked and broke the silence between us. Natigilan siya sa pagkain at sinalubong ang aking mga mata.
"Men are throwing themselves at you, Cali," pahayag niya. Kumurba ang ngisi sa aking mga labi dahil doon.
"Are you throwing yourself at me then?" Pabiro ko lamang na tanong sa kanya ngunit natahimik siya at tahimik lamang ako na pinagmasdan. Those eyes, it's making me feel treasured by him.
"I want to," aniya na nakakapag pahinto naman na sa akin. I didn't expect him to say that directly. But his eyes doesn't not even speak fear at all. He's just eyeing me like a real man eyeing his woman, "But I can't," aniya at mapakla na ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng pagkadismaya nang sabihin niya iyon. Nagtataka ko siyang tiningnan. What does he mean that he can't? Mariin akong pumikit, I actually can't as well. Even if he is evil or a normal person, I can't.
"And why can't you?" Binaba ko ang kubyertos. I don't know why I even asked that, but I was just looking at him, waiting for his answer. I saw him stop from eating and eyed me again.
"This lunch is a distance," kumunot ang aking noo. Distance?
"Distance?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Marahan siyang tumango, "I'm creating a distance between us. I know you felt that weird thing inside your chest too, Cali. And I'm creating a distance to the both of us from this day," mahina akong tumawa sa kanya at mas naguluhan.
"Then why did you prepare this lunch if you're creating a distance between us?" Naguguluhan kong tanong. I don't understand him at all. I'm confused.
"Because this is the last time that I will be close to you," aniya at matipid na ngumiti.
"Then why did you ask Ismael to nominate you to be my escort for the upcoming pageant?" Natigilan ito at naglaho ang ngisi sa kanyang mga labi. Yeah, I know he asked Ismael to do that, "If you're creating a distance, you should not ask him to nominate you as my escort because you will never create distance to us by that," mahina akong tumawa at tumayo na. Bumuga ako ng hangin at tumalikod ngunit sandali rin akong huminto at mariin na pumikit. Just like him, I can't also be close to him.
Mapakla ko siyang nginitian. Now, I don't know why I feel pain eyeing him. He's creating a distance for some reason, and I'm creating a distance between us as well because I don't belong in this world. Whoever he is, I can't be close to him because I know what could happen if I let my heart control and drive me.
"Officially, I'm creating a distance between us. So, let's join the pageant without getting close from each other," muli akong bumuga ng hangin habang diretso niya akong tinitingnan.
"And don't you ever protect me," pahayag ko bago ako tuluyan na tumalikod.
Why am I hurting? Why do I feel like my heart is breaking into pieces? But I did the right thing. Being close with him will take me in danger or will take him in danger.
Distance, that's it. We can't be friends and not even more than that because I don't belong here…
I don't belong in this world.
clarixass