Chapter 16

2121 Words
Chapter 16 Pageant Nagpatuloy ang buhay namin na pansamantala lamang sa mundo ng mga tao. I already know the first evil ngunit pinili ko na hindi muna iyon sabihin sa kanila. Sa ilang araw na lumipas ay hindi pa rin nawala ang pag-oobserba ko sa aking paligid. Nakakasalamuha ko ang babaeng naririnig ang lahat, at kahit sino ay hindi akalain na hindi siya normal na tao. "What do you call that thing?" Tanong ko kay Shaheal nang makita ko ang nakalagay sa kanyang mga tainga tulad ng babae kong nakita at narinig sa library. Nahinto si Shaheal at hinubad iyon nang napagtanto niyang kinakausap ko siya. Kumunot agad ang noo niya sa akin at sa reaksyon niya ay halatang hindi niya narinig ang aking naging tanong sa kanya. "Sorry, what?" Aniya. Bumuga ako ng hangin at napailing. "I said, what do you call that thing in your ears?" Sandali niya pa iyong tiningnan bago napagtanto ang tinutukoy ko. Narito kami sa bahay pa ni Rovielyn. We're still waiting for Adrian and Sky. Gumagayak pa sila dahil medyo nahuli sila ng gising. "Oh, these are earphones," aniya at matipid na ngumiti. "For?" Naguguluhan at wala kong ideya na tanong sa kanya. "You can listen music here," sagot niya bago muling binalik iyon sa kanyang mga tainga. Doon ko napagtanto kung bakit iyon laging suot ng babae na iyon. She's wearing that to avoid listening to people's noise. That's why she was very irritated, lalo na ng maalis iyon sandali sa kanyang tainga. Pakiramdam ko ay narinig niya lahat ng ingay sa paligid at sa buong unibersidad. Bumuga ako ng hangin at nilaro ang aking mga daliri. She has been pretending. At alam kong hinahanap din nila kami. We're secretly playing hide and seek inside the University around innocent people who don't even know that there are people like us inside their University. Hindi magtatagal ay liliit na lamang ang aming pinagtataguan hanggang sa magtagpo na kami ng landas. Bumuga ng hangin si Crystal. Naagaw nito ang atensyon ko nang nakita ko na tulala ito habang nilalaro ng kanyang mga daliri ang mapupula nitong mga labi. Bakas sa mukha niya ang malalim na pag-iisip. Sa mga mata pa lamang nito ay balot na balot na iyon ng marami niyang iniisip. I don't know what's running in her mind. Ngunit kung anoman iyon, alam kong nababagabag siya doon. I have known Crystal since the day her sister got missing. Simula nang nawala siya ay malaki ang naging pagbabago niya. She used to smile so wide on his lips and laugh. Ngunit nang nawala ang kapatid niya naglaho lahag ng iyon. Ang pag ngiti at pagtawa niya ay napakadalang na lamang. Simula din ng araw na iyon, Crystal became silent even if she already have a problem. Mas pinipili niyang sarilihin iyon kaysan sabihin sa amin. Adrian and I always noticed that every time she has a problem, ngunit hindi siya nagsasabi sa amin. Tulad na lamang ngayon. I know she's thinking of something big that's bothering her. "Let's go, we're late!" Mabilis akong tumayo ng nagmamadali na bumaba ng hagdan si Adrian at Sky. Gulo pa ang uniform ni Sky at halata na nagmamadali ito sa pagbibihis kanina. "Talagang late na kayo," ani Rovielyn at napailing nang ihatid kami sa labas. Kumaway lamang sa kanya si Crystal at Shaheal bago pinatakbo ni Sky ang kotse papunta sa unibersidad. "What time is it?" Tanong niya habang nagmamadali sa pagmamaneho ng sasakyan. "Wait," ani Shaheal at akma pang titingnan ang kanyang wrist watch. "7:00 am," ani ko habang ang mga mata ko ay nasa labas lamang ng sasakyan. Hindi naman na sila kumibo doon. They are all aware that I memorized the time kaya't kahit may wrist watch akong suot ay balewala iyon. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang oras. "Why aren't you panicking kahit late na tayo?" Adrian asked Shaheal. Dahil sa aming lahat ay sila ni Sky ang dapat kabahan dahil sila ang lumaki dito. Habang kaming tatlo ay walang kaalam-alam sa mundo na ito. Ano naman kung late kami? May hindi ba iyon magandang magiging dulot sa amin? Bumuga ako ng hangin at napailing na lamang. "Lagi akong late noon. Si Sky kasi kahit puro kalokohan, responsable iyan. Ako na ang hindi," aniya at mahinang tumawa. Ilang sandali rin ay nakarating kami sa paaralan sa bilis din ng patakbo ni Sky ng sasakyan. "Come on, faster!" Sigaw niya sa amin at nagmamadali itong tumakbo sa loob. Napailing na lamang ako. "See you later," ani Crystal sa amin bago sila humiwalay sa amin ni Adrian. Napansin ko nga na tahimik na ang buong University at mukhang nasa klase na nga lahat ng mga estudyante at tanging kami na lamang ang narito sa labas. Napatingin pa sa amin ang guard lalo na kay Sky na tumatakbo na papasok sa University. Habang kami ni Adrian ay kalmado lamang na pumasok at tinahak ang daan papunta sa aming klase. "Okay, we have to apologize for being late, okay?" Nagkatinginan kami ni Adrian. Why do we have to do that just because we're late? Ngunit bago pa kaming makapag tanong ay kumatok na siya sa pinto ng aming classroom at binuksan iyon. "Our class pre--" natigilan si Ms. Cruz nang pumasok kaming tatlo. Tumaas ang kilay nito at isa isa pa kaming pinagmasdan nila Sky at Adrian. Maging ang buong mata ng klase ay nadako na rin sa amin. "Why are you late?" Andrew asked dahil nasa harap kami ng first row ngayon. Hindi ko naman siya sinagot at nanatili lamang ang mga mata ko kay Sky na nasa aming harapan. "Good morning, I'm sorry we're late," aniya at matipid na ngumiti. Bumaling sa amin si Ms. Cruz at tila ba ay may hinihintay na manggagaling sa amin ni Adrian. Kumunot ang noo ko hanggang sa siniko kami ng palihim ni Sky nang hindi kami magsalita ni Adrian. Doon ko lamang napagtanto ang binilin niya kanina sa amin bago kami pumasok. "Sorry, we're late," sabay naming saad ni Adrian. Maya maya pa ay bumuga ng hangin si Ms. Cruz sa harapan ng lahat. I can't believe I will do this just because we're late. If I can only tell her that I am a princess in our kingdom, sana ay hindi ko ito ginagawa. But I will sound insane if I say that. It's not even my fault why we are late. Ang talagang may kasalanan naman ay si Sky at Adrian. "Apology accepted, go to your seats now," aniya sa amin at matipid na ngumiti. Mabilis naman kaming nag martsa papunta sa aming upuan sa likuran. Hindi rin naiwas ang mga mata ko kay Jaycee nang magtama ang aming mga mata habang papunta ako sa aming upuan. Pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang kanyang mga mata sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ngunit hindi ko alam kung ano iyon. "Okay, let's proceed with the voting. We have the class officers now, and the President and Vice President are Kristel and Andrew," napalingon ako kay Kristel. Ngunit hindi ko alam kung ano ang kanilang tinutukoy. "What's that?" Tanong ko kay Sky sa napakahinang boses lamang. "Ang mga iboboto ng klase ang mga mamumuno dito sa classroom natin. Since Kristel won, she's the President of our section at siya ang pinaka masusunod. When she's not around, the Vice President will take over which is Andrew." Mahaba niyang paliwanag sa napakahina lang din niyang boses. Marahan naman akong tumango. So they are already electing the leaders in our class. Well, I think Kristel is the best one for the president. "Now, the nomination for the Muse is now open," ani Ms. Cruz. Agad naman na nag-usap ang mga kaklase ko at tila ba ay pinag-uusapan nila ang dapat nilang iboto sa Muse. Kumunot ulit ang aking noo. Ano naman ngayon ang Muse? Is that also a leader position in the class? "Anong muse?" Adrian asked. "Muse and Escort sila ang gwapo at maganda na pwedeng lumaban sa mga pageant o kompetisyon kung saan rarampa kayo, sasagot ng mga tanong, like that you know?" Paliwanag niya sa amin. Kahit paano ay naunawaan ko naman iyon. If that's what they are looking for, lahat ng narito ay deserve na lumaban doon. I believe that all of us are beautiful and handsome in our own way. "Ms. Cruz!" Napalingon kaming lahat kah Kristel na nagtaas ng kanyang kamay habong abot tainga ang ngiti sa kanyang mga labi. "Yes, Kristel?" Ms. Cruz asked. Mabilis naman na tumayo si Kristel. "I nominate Cali Alvarez for Muse," bumukas ang aking bibig at lahat sila ay napatingin sa aking pwesto. Nagsimula namang mag-ingay ang buong klase namin at sa nakikita at naririnig ko ay sumasang-ayon sila. Kunot noo akong napalingon kay Kristek ngunit binigyan niya lamang ako ng isang kindat suot ang malapad niyang ngiti sa kanyang mga labi. "I agree!" Sigaw ng ilan sa mga kaklase ko. "What?" Tulala at gulat kong saad. Nilingon ko si Sky at Adrian na malapad na nakangiti sa akin. Sa mga reaksyon at mga mata nila ay hindi bakas doon ang hindi nila pagsang-ayon. Sa nakikita ko ay sumasang-ayon sila at walang katutol-tutol. "No, I'll f*cking kill the both of you," bulong ko sa kanila at malamig silang tiningnan ngunit natatawa sila umiwas ng tingin sa akin at kay Ms. Cruz sila humarap sa halip na sa akin. "Okay, anyone else?" Nilibot ni Ms. Cruz ang kanyang mga mata sa buong klase ngunit wala naman ng nagnominate pa at tanging pangalan ko lamang ang naisulat. Mahinang tumawa si Ms. Cruz nang lahat sila ay masaya at kuntento sa akin na maging kanilang Muse, "Then it's final, Ms. Alvarez is our Muse!" "Yes, she deserves it!" "Mananalo tayo sa laban, she's beautiful and intelligent!" Malakas na usapan nila habanh nagkakagulo at nag-iingay. "Ms. Cruz, " ani ko at nagtaas ako ng kamay. Lahat sila ngayon ay nilingon ako at natigilan sa pag-iingay, "I don't want to be the Muse. I have no plan to compete in that battle," pahayag ko. Bumalandra sa akin ang mga dismayado nilanv mukha. Naglaho ang malalapad nilang ngiti sa kanilang mga labi at napalitan ng pagkadismaya. Pakiramdam ko tuloy ay dapat akong makonsensya sa aking pagtutol. "But you're already elected," ani Ms. Cruz, "Isa pa, ikaw talaga ang balak kong ilaban. You're beautiful and intelligent, Cali." Pahayag niya sa akin at malawak akong nginitian. "But I do--" "I will not accept no, Cali." Aniya at malapad na ngumiti. Natikom ang aking bibig habang lahat sila ay nagbalik sa pag-iingay at tuwang-tuwa na hindi pumayag si Ms. Cruz na makahindi ako sa kanya. Bumuga ako ng hangin at naupong muli. Mariin akong pumikit at masamang tiningnan si Kristel na hindi man lamang naapektuhan at malapad pa ang ngiti sa kanyang mga labi. Nang narinig ko ang mahinang pagtawa ni Adrian at Sky ay masama ko silang tiningnan dahilan ng paghinto nilang pareho. "You'll not live tomorrow," I threatened them. "Okay, the nomination for escort is now open," sunod na saad ni Ms. Cruz habang ako ay masama pa ang loob. Ano naman ang gagawin ko sa pageant na iyon? I don't even know what exactly is that. I don't know how it works and how we will compete. Mas lalo lamang akong naiinis kay Kristel. If I can only leave this world already, matagal ko ng ginawa. Nahagip ng mga mata ko ang pagbulong ni Jaycee kay Ismael. Sandaling kumunot ang aking noo sa kanila. Ngunit sa huli ay ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, not until Ismael raised his hand and stood up. Kumabog agad ang aking dibdib. "Yes, Ismael?" Ani Ms. Cruz. "I nominate Jaycee for escort," pakiramdam ko ay tumigil ang aking mundo. Nagbulungan ang lahat at mga babae kong kaklase ay nag hagikhikan pa. Natulala ako at bumukas ang aking mga labi. "I nominate myself, Ms. Cruz!" Biglang sigaw ni Andrew sa harapan. Malakas naman na tumawa ang buo naming klase sa kanyang ginawa. Ngunit ang mga mata ko napunta kay Jaycee. Bumungad sa aking ang isang ngisi sa kanyang mga labi habang nakatingin kay Ismael. "You can't, you're already the Vice President," ani Ms. Cruz at mahina rin tumawa. Padabog naman na naupo si Andrew ngunit masama muna niya tiningnan si Jaycee sa aking harapan bago ito naupo. "Okay, kung wala ng lalaban pa, Jaycee and Cali will be competing for the upcoming pageant of our University!" Nagsigawan silang lahat at malakas na nag palakpakan. Mariin akong pumikit at ngumiwi. I don't know what to do anymore. Wala sa plano na nagkaganito ang lahat. Bumuga ako ng hangin. It's final. Jaycee and I will join the competition that I don't even know what we are going to do. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD