Chapter 15
Catched the first evil
"What?" Gulat kong tanong nang sabihin iyon ni Adrian. Lahat kami ay natigilan.
"Are you kidding me?" Shaheal asked and chuckled. Ngunit habang pinagmamasdan ko ang mga mata ni Adrian ay alam kong hindi kami nito binibiro. His eyes are serious, walang halong biro doon.
"Do I look like I'm joking?" He asked and rolled his eyes to Shaheal. Muling tumunog ang doorbell sa labas sa gitna ng aming pag-uusap sa loob.
"Adrian? Cali? It's me, Kristel! Please open the gate!" Lahat sila ay bumaling sa akin matapos ang sigaw ni Kristel mula sa labas. Ang mga mata nila ay nagtatanong ng dapat naming gawin at ikilos. Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Una sa lahat, hindi ko alam kung paano nila natunton ang bahay ni Rovielyn lalo pa at wala naman kaibigan si Rovielyn.
"Iligpit lahat ng armas," ani ko at mabilis naman silang gumalaw. Napahawak ako sa aking mga labi habang nag-iisip kung ano nga ba ang gagawin ko. Should I let them enter? Knowing Kristel, sigurado ako na hindi siya magpapabawal. I told her to stay away from me and I can't be friends with her, ngunit heto at hindi pa rin siya nagpa-pigil. How did they even get here?
"Paano nilang nalaman ang lugar ko?" Rovielyn asked me. Nagkibit balikat ako at bumuga ng hangin nang mag sunod-sunod pa ang pag tunog ng doorbell mula sa labas.
"I don't know," ani ko. I really regret helping her that day. If I only know that she's this annoying, sana ay hinayaan ko na lamang siya doon. How can she not listen to me? Ilang beses ko na siyang tinataboy at tinatanggihan ngunit hindi siya nakikinig sa akin at patuloy lamang sa kanyang ginagawa, "Sky, the arrow!" Malakas kong utas nang malaglag niya ang isang pana at hindi iyon napansin. Nagmamadali sila sa pagliligpit ng mga armas naming ginamit kanina at inaakyat nila ngayon ang mga iyon sa itaas kung saan nakatabi ang mga gamit ni Rovielyn mula pa sa aming mundo.
"What now?" Tanong ni Adrian.
"Cali! It's me, Kristel and I'm with Jamina, my best friend!" Mariin akong pumikit. Talagang sinama niya pa ang best friend niyang lagi niyang bukambibig sa akin.
"I'll open it fo--" mabilis kong pinigilan si Sky.
"Leave it on me," ani ko at nag martsa papunta sa gate ng bahay ni Rovielyn. Sunod sunod pa rin ang pagtunog ng doorbell at talagang ayaw nila iyong lubayan.
"Cali, please open t---CALI!" Nagliwanag ang mukha nito nang buksan ko ng kaunti ang gate at bumungad ako sa kanila. Nahagip agad ng mga mata ko ang kasama niyang babae na maikli ang buhok at medyo chubby. Lihim na kumunot ang noo ko nang ngumiti ito at may kung anong kulay itim pa sa mga ngipin nito na parang bakal. Hindi ko na iyon pinansin at blangko ang ekspresyon kong binalingan si Kristel sa kabila ng kanilang malalawak na ngiti sa akin. Hindi rin nakatakas sa mga mata ko ang marami nilang dala na mukhang lahat ay mga pagkain. Pati na ang kotse na naghihintay sa kanila sa likod.
"I'll just text you, Manong!" Ani ni Jamina. Well, she's her best friend na lagi niyang sinasabi. So, probably she's Jamina.
"What took you so long to open the ga--" hindi ko na pinatapos pa si Kristel sa kanyang pagsasalita sa aking harapan.
"Why are you here?" Tanong ko agad at sandaling bumaling kay Jamina. Nagkatinginan naman silang dalawa na tila ba ay nag-uusap ang kanilang mga mata. Pareho silang mukhang mabait sa una ko pa lang na tingin. Ngunit si Jamina ay mukhang pilyo. Sa mga mata pa lamang nila ay halata na kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa dinami-dami ng gustong maging kaibigan ni Kristel ay ako pang hindi normal na tao ang napili niya. Kung ganun lang sana kadali ipaliwanag sa kanya ang lahat baka wala sila ngayon sa aking harapan at kinukulit ang nananahimik kong buhay panandalian dito sa kanilang mundo.
"I want to see you so I can also introduce her to you. I mentioned her to you, right?" Aniya at malawak na ngumiti bago inakbayan si Jamina. Marahan naman akong tumango sa kanya.
"We already talk about this, Kristel," pahayag ko sa kanya. Natigilan si us at mukhang napagtanto naman nito ang aking tinutukoy o ang ibig kong sabihin. Maging si Jamina ay natigilan. Sa itsura niya ay mukhang nasabi naman ni Kristel ang mga sinabi ko sa kanya.
"Uhm, yeah. We will not really stop until you say yes to us?" Aniya at nanumbalik ang malalapad nilang mga ngiti. Sandali akong natigilan habang pinagmamasdan sila. I'm starting to doubt them and suspect them. Iyon nga ba talaga ang kanilang rason kaya gusto nila akong maging kaibigan o hindi? What if they are the enemies we are looking for? Napailing ako sa aking sarili. It can't be. I was able to erase Kristel's memories about what I did and how I helped her with those girls. Napakaswerte ng mga magiging kaibigan nila. Ang masaklap nga lamang ay hindi ako iyon. Hindi ako ang tao na dapat nilang maging kaibigan. I will only put them in danger. At hindi ako makasarili para gawin ko iyon.
"My mind won't change," seryoso kong saad. Lumiit ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi sa oras na sabihin ko iyon, "Isa pa, paano niyo nalaman ang bahay namin?" Nagpapanggap kong tanong.
"Oh, we asked somewhere. Nahi--" natigilan kami nang narinig namin ang tunog na iyon. Bumaba ang mga mata ko sa tiyan ni Jamina na ngayon ay nakangiti lamang ng nahihiya. Kumulo ang tiyan nito at dinig na dinig ko iyon. Nagkakamot ito ng ulo at hindi na alam ang gagawin.
"Sorry, nahirapan kami sa paghahanap at kanina pa kami hindi kumakain. We brought food, can we eat inside?" Tanong niya at tinaas pa ang mga dala nilang pagkain. Natigilan ako at hindi ko alam kung dapat ba akong tumango o humindi sa kanila. If I let them in, I don't know what will happen. But they both look hungry and tired. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanila na pumunta sila dito at hanapin ang bahay ni Rovielyn?
"Let them in," napalingon ako kay Rovielyn na nakatago pala sa aking gilid. Kunot noo ko siyang tiningnan at marahan lamang niya akong tinanguan, telling me to trust her.
"And why?" Mahina kong tanong.
"If you don't let them in, baka magtaka sila kung bakit ayaw mo silang papasukin,"
Sagot niya sa pamamagitan ng boses niya sa aking isip. Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin bago ko pilit na binuksan ang maliit na gate para sa kanila.
"Fine," ani ko. Masaya silang nagkatinginan na akala mo ay dream come true iyon.
"Let's go!" Masayang sigaw ni Kristel bago nila ako sinundan papasok.
"Hello po!" Bati nilang dalawa nang masilayan si Rovielyn.
"Hi, let's go inside," ani Rovielyn at sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa loob. Bumungad sa akin sila Sky na nasa may bench sa labas at gulat pang tiningnan sila Jamina at Kristel mula sa aming likuran. Tila ba ay hindi nila inaasahan na papapasukin ko ang mga ito dito sa loob. Nagtatanong agad ang mga mata nila sa akin ngunit marahan lamang akong tumango sa kanila.
"Oh, Sky? Shaheal?" Gulat na tanong ni Jamina nang masilayan ang dalawa. Nagkatinginan sila bago sila mahinang tumawa at sinalubong ang dalawa.
"Jamina, hi!" Ani Shaheal at mahinang tumawa. Halatang kinakabahan ito at hindi alam ang dapat niyang sabihin at ikilos sa kanilang mga harapan.
"Why are you here?" Tanong ni Kristel at nagtataka ang mga mata.
"Uhm, I'm living here. My family decided to go to the states and stay there for good," ani Shaheal. I can't believe she lies so well. Napailing ako at lihim na ngumisi sa imbento nito. I don't even know if that's true or not. Ngunit nakumbinsi naman ang dalawa nang marahan silang tumango suot pa rin ang malalapad nilang ngiti sa kanilang mga labi.
"How about Sky?" Kristel asked. Natigilan ito at tila ba ay hindi pa alam ang kanyang sasabihin.
"Uhm, naglayas ako. You know, my family isn't really good," alam ko na imbento at pagsisinungaling lamang niya iyon. But I also know that it's a bit true. Nabanggit niya sa amin na hindi niya nararamdaman na parte siya ng kanilang pamilya. And his eyes speak pain from it while saying it.
"I see," ani Jamina.
"By the way, this is Adrian, Jamina. She's our classmate," ani Kristel at tinuro si Adrian. Tumango lang naman si Adrian at matipid na ngumiti.
"Oh, you're here, Cristel?" Ani Jamina na mukhang ngayon lang napansin si Cristel.
"I'm an Alvarez," kalmado niyang pahayag. Mahina namang tumawa si Jamina na mukhang nakalimutan iyon.
"My bad, I forgot that you're their cousins, you guys are popular in the University," pahayag niya at tiningnan kami.
"Shall we go inside?" Biglang saad ni Rovielyn nang sandali kaming balutin ng katahimikan.
"We brought food, let's eat?" Ani Jamina at pinakita ang mga dala nila.
"Yeah!" Awkward na tumawa si Shaheal bago siya nauna sa pag martsa papasok sa loob ng bahay. Nagkatinginan kami habang nasa likuran kami nila Jamina at Kristel.
"Should I cook some? May mga pagkain naman dito dahil dala ito galing sa restaurant ko," ani Rovielyn nang pumunta kami sa lamesa. Masaya namang hinahain nila Jamina at Kristel ang mga dala nila suot ang malalapad nilang ngiti. They both look like they are having fun while doing that here.
"It's okay po, marami naman po ito talagang dinamihan din namin," ani Kristel. My lips parted as I saw the food they brought. Talaga ngang marami iyon at iba't ibang klase ng pagkain ang dala nila. Nanakam agad ako nang balutin ng mga iyon ang aking pang-amoy. It smell so good, at hindi ko iyon maitatanggi pa.
"Nakakahiya naman, kayo ang bisita tapos kayo pa ang magpapakain?" Ani Rovielyn at mahinang tumawa.
"It's okay po, kusang loob naman po ito," ani Jamina.
"Come on, let's all eat!" Malakas at masaya na sigaw ni Kristel. Mabilis naman kaming kumain kahit na noong una ay nagdadalawang isip pa sila. At first, medyo tahimik. Ngunit maya maya din ay nagsimula na silang magkwentuhan at mag-ingay. Umingay ang lamesa sa kanilang iba't ibang kwento at mga tawanan.
"What do you do po ba?" Jamina asked Rovielyn. Tahimik lang ako at kumakain ng pizza na dala nila. I don't mind being silent. Basta ako ay nasasarapan sa pagkain na ito. Bakit walang ganito sa aming mundo?
"I'm owning a restaurant, Rov's Restaurant," aniya sa kanila. Suminghap naman ang dalawa at maging sila Sky at Shaheal ay tila ba ay nagulat din.
"Woah, that's a big restaurant!" Ani Shaheal at tila ba ay alam niya ang restaurant na iyon. She mentioned it to us once, ngunit hindi ang pangalan ng restaurant.
"That's my father's favorite restaurant! Lagi kami kumakain doon!" Gulat at masayang saad ni Jamina. Nagkatinginan kami nila Adrian at Crystal na walang kaalam-alam sa kanilang pinag-uusapan. We only know that she has a restaurant, ngunit hindi ko alam kung ganoon ba kalaki o kasikat ang restaurant niya.
"I ate there too, the food was amazing!" Ani Sky. Sa ekspresyon at reaksyon nila ay halata naman na nagsasabi sila ng totoo kay Rovielyn.
"Of course, my chefs there are amazing," ani Rovielyn. Tumaas ang kilay ni Crystal sa akin ngunit pasimple akong umiling sa kanya. I don't know what's that chef at wala akong ideya sa kanilang pinag-uusapan.
"No wonder," utas ni Jamina.
"What's chef?" Mahina kong bulong kay Shaheal sa aking tabi. Natigilan siya sandali nang tanungin ko iyon ngunit patuloy lang naman sa kwentuhan sila Jamina at hindi kami napansin.
"Someone who cooks," mahina niyang sagot bago muling nakisali sa kanilang usapan. Marahan naman akong tumango. Chef, that's amazing. I love food. At mukhang masasarap talaga silang magluto dito. Well, the food in our world is also delicious. Iyon nga lang ay mas maraming kakaiba at kamangha-manghang mga pagkain dito kumpara sa aming mundo. Nagpatuloy sila sa kwentuhan habang kumakain. Nanatili akong tahimik kahit tapos na akong kumain at ramdam ko naman na busog na talaga ako. Nakikinig lamang ako sa kanila habang pinagmamasdan sila.
"How about you, Cali?" Natigilan ako ng bumaling sa akin si Jamina ng nakangiti. Natigilan din sila at napunta ang mga mata sa akin. Sa dinami-dami ng tatanungin niya ay akong pang nananahimik, "What do you like to do?" Dagdag niya.
Nakipag palitan pa ako ng mga titig sa kanya. Ang mga mata nila ay talaga puno ng kainosentihan. Natahimik ang lamesa namin dahil sa tanong niyang iyon. Ramdam ko rin naman ang kanilang mga kinakabahan na mga mata sa akin. Alam kong tinatantsa nila kung makakasagot ba ako o hindi. But my eyes remained on Jamina and Kristel, eyeing me while waiting.
"Uhm, she li--"
"I like thinking," pahayag ko at pinutol ang sasabihin ni Sky. I know he's trying to save me from that question. Ngunit hindi naman ako nagsinungaling sa binigay kong sagot sa kanila. I love thinking, because I grew up thinking about everything that surrounds me. At hanggang ngayon sa mundo nila ay iyon lagi ang ginagawa ko. Paggising ko ng umaga at maging sa pagpikit ng aking mga mata sa gabi, all I do is to think of everything.
Yeah, I like thinking.
Natigilan sila at tila ba ay hindi inaasahan ang naging sagot ko. Ngunit hindi nagtagal ay ngumiti sila at bakas ang pagka mangha sa kanilang mga mata mula sa aking naging sagot.
"That's why I like her," ani Kristel kay Jamina na proud na proud pa ang mga mata. Sumang-ayon naman ito sa kanya. Nagpatuloy ang kwentuhan nila hanggang sa nag-aya si Sky na manood sa sala at sa wakas ay magagamit na namin ang malaking TV na ito. Mabuti na lang at pinakilala na sa amin ni Rovielyn ang bagay na ito nang unang dating namin sa kanyang bahay noon.
"I don't have any movies, wala rin akong Netflix account," ani Rovielyn habang hawak ang remote control sa TV. Nakanganga si Adrian at Crystal habang pinagmamasdan ang TV at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nila kahit na nakita naman na nila ito dati pa. Napailing na lamang ako.
"Oh, I'll log in my account!" Ani Jamina at kinuha ang remote. Nakaupo na kami at sila Sky ay nasa lapag. Naglatag sila ng mga kumot at unan sa lapag dahil gusto daw nila mahiga habang nanonood. It's my first time doing this, at wala akong ideya sa makikita ko sa TV na ito. I'm still amazed at how I can see people inside the TV moving there.
"What's Netflix?" I asked Shaheal beside me on the sofa.
"It's an application where you can watch movies," aniya. Kunot noo ko naman siyang tiningnan.
"What's the application?" I asked. Nahinto siya at mahinang tumawa.
"You can find it on gadgets like cell phone or even on the television," may nilabas ito sa kanyang bulsa na kulay itim at rectangle shape, "This is a cell phone," aniya at pinakita iyon sa akin. Kinuha ko iyon at sinuri ng mabuti. It's amazing, but I don't know how it works, "Makakatawag ka dyan, talk to someone by texting them there, pwede ka rin manood at maglaro dyan," aniya bago iyon tinago.
"That's cool," ani ko at ngumisi.
"I'll tell Rovielyn to buy the three of you. Lahat dito ay mayroon nito," aniya sa akin. Hindi na ako sumagot pa nang maayos na nila ang TV.
"Let's watch now!" Excited na sigaw ni Kristel. Kumakain pa kami ng pop corn na niluto ni Rovielyn para sa panonood namin at ng ilang sitsirya nilang tinatawag. Tulala kaming lahat sa TV at talaga namang masinsinan akong nanood. I'm enjoying this, watching while eating. It's not boring at all. Nanood kami ng love story nilang tinatawag at manghang-mangha ako sa kwento ng movie na tinatawag nila. The story is amazing, at hindi ko akalain na matatagpuan ko ang sarili kong nanunubig ang gilid ng mga mata habang nanunuod. Mabuti na lamang at napansin ko na lahat sila ay talagang lumuluha tulad ng mga tao sa loob ng TV na pareho rin namang umiiyak. I can't believe they give us the feeling they feel.
"Tissue?" Ani Shaheal habang lumuluha ang mga mata sa aming pinapanood. Bumaba ang mga mata ko sa tissue niyang inaabot sa akin. Kinuha ko na iyon at pinahiran ang gilid ng aking mga mata bago pa ako tuluyang umiyak. Nagpatuloy kami sa panonood hanggang sa natapos namin ito. My reaction was priceless after finishing the movie. It's the first movie I've watched and I can't help but to be amazed by it. It was really incredible. Hindi ko inakala na ganon iyon kaganda.
"Wow," komento ni Adrian. Mga nagpapahid pa sila ng kanilang mga luha, "That's really good," komento niya at mahinang tumawa. Nang natapos namin ang movie, ilang sandali pa ang lumipas ay nagpaalam na rin sila Jamina at Kristel nang dumating na rin ang sasakyan nila kanina. Saka ko lamang napagtanto na palubog na ang araw nang lumabas ako para ihatid sila palabas.
"See you at school!" Sigaw ni Jamina sa amin.
"I hope you consider us as your friends," pahayag ni Kristel at matipid akong binigyan ng ngiti sa kanyang mga labi. Hindi naman ako kumibo at pinagmasdan lamang sila hanggang sa pagsakay niya ng kanilang sasakyan paalis sa bahay ni Rovielyn.
"They were nice," ani Crystal.
"I didn't realize that you have the same name as Kristel," ani Shaheal kay Crystal at mahinang tumawa. We spent half of that day with them after they interrupted our training.
Kinabukasan, we're back to school again. Nakasanayan ko na ang mga mata nila sa amin sa tuwing darating o makikita nila kami sa unibersidad. Pakiramdam ko ay bagong-bago kami sa kanilang mga mata, the way they look at us. Nakaupo ako sa bench at hinihintay sila Adrian at Sky. Ms. Cruz was late already for our first class kaya hinayaan niya na kaming gawin muna ang gusto namin. Adrian and Sky went to the cafeteria to buy some food. Nagpa reserve na rin sila ng lunch dahil baka mapuno na naman ang pila mamayang tanghalian.
"Cali," nilingon ko sila Sky na kasama si Adrian. Hindi ako kumibo at hinintay lang sila makaupo sa aking tabi dala ang ilang pagkain, "Fries and burger," inabot nito sa akin ang fries at burger na tinatawag nila dito sa kanilang mundo. Tahimik ang school dahil ang section lang naman namin ang nakalabas at walang klase ngayon dahil kay Ms. Cruz.
"I'm bored," ani Sky at bumuga ng hangin.
"Cali!" Napalingon kami kay Kristel na abot tainga ang ngiti na agad naman tinakbo ang distansya niya papunta sa amin. May dala rin itong pagkain at mukhang nag desisyon din na bumili ng pagkain hangga't naghihintay kami ay inuubos ang oras.
"Are you friends with her now?" Ani Adrian at mahinang tumawa. Hindi naman naapektuhan si Kristel at suot pa rin ang malaki ang niyang ngiti sa kanyang labi. I didn't talk either. Tahimik lamang akong kumakain habang nag-uusap sila.
"Not yet," aniya at tumabi sa akin, "Soon!" Confident niyang saad. Napailing na lamang ako. I don't know why she's so desperate to be my friend just because I helped her once. Sapat na sa akin ang pasasalamat niya. But here she goes, forcing us to be friends, "Oh, I forgot I have to go to the library," aniya habang tinitingnan ang kanyang wrist watch. Mabilis naman din siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa aking tabi, "I'll go there for a while, see you!" Aniya sa amin at iwinagayway ang isa niyang kamay.
"You should consider her and Jamina as friends," suhestiyon ni Adrian.
"And put them in danger?" Ani ko at ngumisi bago umiling.
"You can be friends with them without telling the truth. May mahalaga tayong rason, at hindi ibig sabihin na tinatago natin sa kanila iyon ay hindi na iyon tunay na pagkakaibigan," pahayag niya at bumuga ng hangin bago nagpatuloy sa pagkain ng burger.
"For me, a real friend is not just about telling the truth to each other, it's about your love and how real you are to them. Sa sitwasyon natin, we have a deep reason, and we're hiding the truth for their sakes and not for us," pahayag ni Sky at matipid na ngumiti. Natigilan ako sa oras na iyon at nagsimulang mag-isip. They both have a point. Naiintindihan ko ang nais nilang iparating o ipahiwatig sa akin. But I'm still not totally convinced. I can't just consider them as our friends. I can't just decide recklessly. I have to think of it deeper. Dahil isang pagkakamali lamang ay buhay nila ang nakataya sa pagkakaibigan na ito.
"It all depends on you, Cali. We will follow whatever you say," ani Adrian at nagkibit balikat.
Bumuga ako ng hangin. Sa ngayon, I don't know yet.
Dumiretso kami sa sunod sunod naming klase. Buong klase namin ay nag-iisip ako at pinag-iisipan ko ang kanilang sinabi. Jamina and Kristel are kind, they have a good heart. Nakikita ko iyon sa kanila. But I still haven't made up my mind.
"Cali, can you bring these books back to the library?" Ani sa akin ng aming guro nang palabas na ako. Tiningnan ko sila Adrian at Sky na hindi naman napansin na naiwan pa ako sa loob. Matipid akong ngumiti at marahan na tumango, "Thanks, may urgent meeting lang ako," aniya bago nagmamadali na lumabas. Bumuga ako ng hangin at pinagmasdan ang tatlong libro. Wala naman akong nagawa at hinatid ko na lamang iyon sa may library. Mabuti na lang at alam ko na kung na saan iyon dahil ito ang una naming pinuntahan noong hinahanap namin si Shaheal. Sumilip ako sa loob ay tahimik na tahimik doon. Wala rin mga estudyante. Bumuga ako ng hangin bago ako pumasok at pumunta sa mga shelves.
"D*mn, I'm tired of hearing everything. Kahit ang layo ko na ay naririnig ko pa rin lahat ng estudyante dito,"
Natigilan agad ako nang marinig ko ang boses na iyon. Humigpit ang hawak ko sa mga libro. Nagmistulang akong estatwa sa aking kinatatayuan. Nang naramdaman ko na lalabaa ito sa isa sa mga shelves ay mabilis akong pumasok at nagtago sa isa. The girl walked out of the big shelf. Kunot noo ko siyang tiningnan. Nakasuot ito ng isang bagay sa kanyang mga tainga. Katamtaman lamang ang haba ng buhok nito at sa itsura nito ay talagang mukha siyang normal na tao lamang. Nakita ko ang mukha nito ng bahagya siyang humarap sa aking gawi ng itali nito ang suot niyang sapatos. Nalaglag pa ang nakakabit sa kanyang mga tainga at mabilis siyang ngumiwi.
"D*mn, I really hate this power," my lips parted. That's it, I confirmed that she's not a normal person. She's evil. Kumunot ang noo ko nang tuluyan siyang nakalabas. She's familiar, she really looks familiar. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya dati dito sa unibersidad.
That's her. The other evil. The one who can hear everything. Mabuti na lamang at naprotektahan kami ng kapangyarihan ni Rovielyn labas sa kanyang kapangyarihan. Kung hindi ay malalaman at mahahanap niya agad kami. Mabilis kong binalik ang mga libro sa may shelf at mabilis din akong lumabas. For now, pipiliin ko na huwag muna iyong sabihin sa kahit kanino sa kanila. I have to find all of them before I make a move. Ayokong magkaroon sila ng takot o iba at maging halata ang mga kilos nila sa kanyang harapan.
From that moment, napagtanto at nasigurado ko na narito lahat ng kalaban. Maaaring nakakasalamuha na namin sa araw araw. Maaari rin na nakakausap na namin sa bawat araw namin sa unibersidad na ito. Maaari rin nakatitigan na namin sila ng kanilang mga mata. Just like us, they are also hiding in their shells. Tulad namin, nagsisinungaling din sila sa mga normal na tao sa aming paligid.
Just like us, they are pretending to be normal people.
I catched the first evil, the evil who can hear everything, kahit gaano pa kalayo.
clarixass