CHAPTER 2

1392 Words
Nang tuluyan nang makaalis ang kanilang ina, hindi na napigilan ni Maribel ang humagulgol ng iyak. "Ate Jenny..." nanginginig ang boses nito. "Matagal pa po ba talaga bago babalik si inay?" Hindi agad nakasagot si Jenny. Tinitigan lamang niya ang papalayong ina hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanilang paningin. "Oo, Maribel dahil kailangan eh," mahina niyang sagot. Kinagabihan, silang tatlo na lamang ang naiwan sa kanilang maliit na bahay. Tahimik ang paligid. At walang tunog ng kanilang ama na kanilang nakasanayan. Wala rin ang kanilang ina na nag-aasikaso sa kanilang pagkain. Tanging mahinang ingay ng hangin sa labas ang kanilang naririnig na tila sumasabay din sa sakit ng kanilang mga kalooban. Mahimbing na nakatulog ang dalawang kapatid dahil napuyat ang mga ito sa kakaiyak kanina. At siya na lamang ang tanging nagising ng mga oras na iyon. Tahimik na umiyak si Jenny. Kailangan niyang ibuhos lahat ng sakit na nasa kalooban niya upang bukas ay ipapakita niya sa kanyang mga kapatid na matibay siya at hindi umiiyak tulad ng mga ito. Pagkalipas ng mga araw. Unti-unti nang naramdaman ni Jenny ang kahirapan. Nang maubos na ang bigas nila at naubos na rin ang perang iniwan ng kanilang ina sa kanya ay natigil silang mag-aral dalawa ng kapatid na si Maribel. At ang ginawa niya ay si Maribel ang pinabantay niya sa kapatid nilang si Junjun at siya ay nanlalabada sa kanilang kapitbahay. Kailangan niyang gawin iyon dahil hindi niya alam kung kailan magpapadala ang kanilang ina. Pag-uwi niya sa hapon galing naglabada ay naabutan niyang nasa hapag ang dalawang kapatid at kumain. Nakita niyang isang maliit na plato lamang ang kanilang pagkain. "Magandang hapon po, ate. Si Junjun, naghahanap na naman kay inay at itay." Salubong na sabi ni Maribel sa kanya. Napalingon naman ang maliit na kapatid sa kanya. "Ate, wala pa ba si inay?" mahina nitong sambit. Napatingin si Jenny sa bunso. "Wala pa si inay, Junjun. Huwag mo muna isipin si inay ha? Ang mahalaga nandito ako." malungkot niyang sabi. "Magbabalik din siya." Dagdag pa niya. "Kailan po?" Tanong ng kapatid. Hindi siya nakasagot. Sa halip, pinilit niyang ngumiti. "Hindi ko alam. Pero huwag kang mag-alala, darating din ang araw na babalik si inay sa atin." Tumango ang bata ngunit malungkot pa rin ang mukha. At pagsapit na naman ng gabing iyon, matapos makatulog sina Maribel at Junjun, tahimik na naupo si Jenny sa tabi ng kanilang banig. Tinitigan niya ang dalawang kapatid. Mahimbing na natutulog si Junjun habang si Maribel ay nakayakap sa lumang unan. Dahan-dahan niyang tinakpan ng kumot ang kanilang mga katawan. Pagkatapos ay napalingon siya sa kawalan. Doon na naman siya tahimik na umiyak. Napakapit siya sa kanyang mga tuhod habang pinipigilan ang hikbi. Sa isang linggo ay talong beses si Jenny tumatanggap ng labahin para lang may makain silang tatlo. Lumipas pa ang isang linggo, dalawang linggo, isang buwan at hanggang apat na buwan, ngunit hindi nagpapadala ang kanilang ina. Isang araw ay hindi siya pwedeng tatanggap ng labahin dahil masama ang pakiramdam niya kaya tanging sinaing na saging na lang ang pagkain nila na bigay pa mula sa kanilang kapitbahay. Habang nilagnat si Jenny ay tanging ang kapatid niyang si Maribel ang nag-aasikaso sa kanya at sa kapatid nilang limang taong gulang pa lang. Sa paglipas ng mga araw, lalong nangayayat silang magkakapatid dahil umaasa na lang sila kung sino ang magbigay ng pagkain sa kanila dahil hindi pa gumaling si Jenny sa kanyang lagnat. Isang gabi, nakaupo silang tatlo sa sahig. Wala silang hapunan. "Ate Jenny..." mahina ang tawag ni Maribel. Napatingin siya rito. "Nagugutom na po kami ni Junjun. Ayaw din namang magpapautang ang tindahan sa atin." Sabi ni Maribel. Parang sinaksak ang puso ni Jenny. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Lumapit si Junjun at niyakap ang kanyang braso. "Ate, kailan uuwi si Inay?" Hindi na nakapagsinungaling si Jenny. Napayuko siya. At sa pagkakataong iyon, tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha. "Hindi ko alam, Junjun. Siguro hindi na talaga babalik si Inay. Hindi nga siya nagpapadala sa atin eh." Nagsimula ring umiyak si Maribel. "Ate..." Niyakap ni Jenny ang dalawa niyang kapatid. Tatlo silang magkayakap sa gitna ng madilim at tahimik na bahay. "Sorry..." paulit-ulit na sambit ni Jenny. "Sorry kung wala akong maibigay sa inyo dahil nagkasakit si ate... Pangako, babawi ako kapag magaling na ako." "Hindi mo kasalanan, Ate," umiiyak na sabi ni Maribel. Ngunit lalo lamang napaiyak si Jenny. Dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya kayang punan ang pagkawala ng kanilang mga magulang. Kinabukasan, maaga silang nagising. Wala pa ring makain at mabuti na lang ay naawa ang isang kapitbahay nila, dinalhan sila ng kanin at ulam para sa kanilang agahan. Tahimik na nagliligpit si Maribel sa kanilang pinagkainan nang makarinig sila ng tunog ng isang sasakyan sa labas. Isang Traysikel iyon. Napatingin silang tatlo sa isa't isa. "May dumating!" masayang sigaw ni Junjun. Mabilis silang lumabas. Huminto ang traysikel sa tapat ng kanilang maliit na bahay. Bumaba mula roon ang isang babaeng nasa singkwenta. Bitbit nito ang isang malaking plastik bag na may mga pagkain. Pagkakita sa babae, nanlaki ang mga mata ni Jenny. "Tiyang Joanah!" Ang babae ay kapatid ng kanilang yumaong ama. Agad itong ngumiti nang makita ang tatlong magkakapatid. "Jusko, mga pamangkin ko!" Mabilis na tumakbo si Junjun papunta sa kanyang tiyahin. "Tiyang!" Yumakap din si Maribel. At sa oras na iyon ay nakaramdam ang tatlong magkakapatid ng kaunting saya. "May gad. Nandito ako, Jenny, dahil narinig ko ang balita na hindi kayo pinadalhan ng inyong ina at nagkasakit ka raw. Hayop ang babaeng iyon. Nandito ako para kunin ko kayo." Sabi nito. "S-salamat po, tiyang!" Sabay na sabi ng tatlong magkapatid. "Sige, ihanda na ninyo ang mga gamit niyo, Maribel. Dahil bukas aalis na tayo agad. Dadalhin ko na kayo sa Maynila. At doon, pangako ko na naghihintay sa inyo ang magandang buhay." Sabi ng kanilang tiyahin. "Tiyang, baka makita namin si Inay doon." Mahinang sabi naman ni Jenny. Napaismid ang kanilang tiyahin. "Simula ngayon, huwag na ninyong isipin ang inyong ina. Hindi man lang siya nag-alala sa inyo. At sana matanggap niyo ang katotohanan tungkol sa ginawa ng ina niyo." Kapwa naman nagtaka sina Jenny at Maribel. "Bakit po, tiyang?" Tanong ni Jenny na pilit bumangon kahit medyo masakit pa ang ulo. "Nabalitaan ko na nag-asawa agad doon ang malandi niyong ina! Kaya pinabayaan na lang kayo dito." Galit na sabi ni aling Joanah. At doon, hindi napigilan ni Jenny ang umiyak. At sumunod na rin sa pag-iyak ang dalawa niyang kapatid. Pagkaraan ng ilang sandali ay may tumawag kay aling Joanah. Kaya ito lumabas at doon sa labas nito kinausap ang tumawag rito. "Hello? Yes, nandito na ako. Hintayin mo lang ako, madam Gilda. Basta, magkakasundo tayo sa presyo. Tutal, swerte na rin kung iisipin ang batang ito. May aampon sa kanya at magpapaaral. Saan pa ako maghahanap ng ganito? Magkakapera pa ako, aampunin pa ng isang mayaman ang pamangkin ko?" Mahina pang sabi ni Aling Joanah. "Oh sige, maghihintay ako. Dahil kulang ng isa ang adopted dito sa bahay ampunan ng amo ko. Basta siguraduhin mo lang na maganda ang pamangkin mo." "Ay oo, maganda talaga ito. Kaya lang, bata pa, sixteen pa lang ito." "Nagpapahanap kasi ng limang special na aampunin ang amo ko. Babae ang kailangan. At kapag nakumpleto na ay may matatanggap ako. Ikaw rin, siyempre." "Pero sigurado ka bang hindi mapapahamak ang pamangkin ko?" "Hindi. May sarili silang private house. Hiwalay sila sa ibang mga bata sa bahay-ampunan. Pag-aaralin sila, bibihisan, aalagaan na parang mga prinsesa." "Bakit kailangang espesyal?" Sandaling natahimik si Madam Gilda sa kabilang linya bago sumagot. "Dahil sa limang iyon, pipili ang amo ko ng magiging asawa niya balang araw." Nanlaki ang mga mata ni Joanah. "Ano?!" "Oo. Pero huwag kang mag-alala. Dalawang taon pa bago siya pumili. Kung 16 pa lang ang pamangkin mo ngayon, 18 na siya pagdating ng araw na iyon." "Naku… ibig mong sabihin, may posibilidad na siya ang mapili?" "Posible. Kaya nga kailangang maganda." "Maganda si Jenny," mabilis na sagot ni Joanah. "Eh di, papasa yan dito bilang ikalima na maging espesyal na ampon para isa sa pagpipilian ng amo ko sa huli." Sasagot pa sana si Aling Joanah nang biglang lumabas si Maribel. "Tiyang... " "Oh, sige., sige... bye na." Sabi ni aling Joanah at pinatay agad ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD