Matapos ang pag-uusap ni Sheila at ng kanyang anak ay hinayaan na niya si Anton sa kanyang bahay. Medyo mahina pa siya kaya kailangan pa niya ng aalalay sa kanya. Paulit-ulit nitong tinatanong kung ano ang napag-usapan nila ni Jessa ngunit hindi niya ito sinasagot. Hindi pa rin niya ito kinakausap tungkol doon. “Hmm… mukhang amoy pa lang masarap na ah,” malambing na sabi ni Anton habang sinisinghot ang amoy ng niluto ni Sheila. Natatawang tiningnan ni Sheila si Anton. “Pakbet lang ‘yan niluto ko kala mo naman mamahalin na,” natatawa na sabi niya. Pero ang totoo ay kinikilig siya sa ekspresyon ng binata. Paano kasi? Para itong batang hinainan ng masarap na pagkain matapos mag-tantrums. “Walang sinabi ang luto ng mga sikat na chef kapag ikaw ang nagluto. I will gladly eat you,” ani Ant

