Napalunok si Sheila. Nalilitong tiningnan niya si Anton. Kanina pa nito binabanggit na pumunta raw sa bahay nito si Jessa, at imposible ang sinasabi nito. Galit na galit si Jessa sa kanya noong malaman nito na nagkaroon sila ng relasyon ni Anton. Ilang araw niya ngang hindi nakita ang anak dahil doon. “Hindi ko ma-gets? Pumunta talaga sa inyo si Jessa?” paniniguro ni Sheila. Tumango si Anton. “Yes.” Tumayo siya at lumapit muna sa pwesto ni Sheila. Inayos niya ang dextrose ni Sheila at pinaghimay ito ng pritong isda. “I will message her later when you’re done eating.” Tiningnan niya ang dextrose na nakakabit sa kamay ni Sheila. “I will also ask doc if we remove your dextrose now, since you’re awake.” Umupo na siya sa kanyang pwesto at nginitian si Sheila. “Let’s eat.” Napahinga nang m

