Lumipas ang mga araw ay naging maayos ang pagbubuntis ni Sheila. Sa bawat bagong kabanata ng kaniyang pagbubuntis ay nakaalalay sa kanya si Anton. Sobrang naging maalaga ito sa kanya. Ni ang paghugasin ng plato ay hindi nito hinahayaan si Sheila. Noong lumaki na nga ang kanyang tiyan ay lumipat sila sa bahay nila Anton dahil na rin sa hiling ni Matilda. Gusto rin daw kasi nitong maalagaan si Sheila. Ito ang kanilang unang apo kaya gusto nitong mabantayan nang maige si Sheila. “What are you doing, Sheila?” Napaigtad si Sheila noong marinig niya ang boses ni Matilda mula sa kanyang likuran. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng pinggan na pinagkainan niya. Binitawan niya iyon at maingat na humarap kay Matilda. “Katatapos ko lang kumain ng spaghetti. Isang lang naman ‘to.” Iniikot ni Matild
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


