“Good morning, wifey.” Napaungol nang mahina si Sheila noong maramdaman niya ang mumunting mga halik ni Anton sa kanyang batok. Naramdaman niya pa ang pagpulupot ng isang braso nito sa kanyang baywang. “Wake up. I just finished cooking your breakfast,” malambing na sabi ni Anton. Napangiti si Sheila at marahang humarap sa nobyo. Yumakap siya rito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. “Good morning,” pabulong na sabi niya. Naramdaman niyang patuloy pa rin siyang hinahalikan sa noo ni Anton. Ang mga kamay nito ay naging malikot na rin sa kanyang katawan kaya bahagya na siyang nagigising. “Thank you.” Napakunot ang noo ni Sheila at naniningkit ang mga matang iniangat ang ulo. Inaantok pa siya kaya hindi pa gano’n kayos ang kanyang paningin. Magsasalita na sana siya pero hinalikan s

