Na udlot ang pag-alis nila Sheila dahil sinamahan muna nila si Vangie sa Manila. Hindi maiwasang makaramdam ng galit ni Sheila sa nobyo nitong si Bert. Kung alam niya lang na ganito pala ang gagawin nito sa kaibigan niya ay hindi na sana niya itinulak ang kaibigan niya rito. Mayroon pala itong nobya at ang masakit ay buntis pa! Mabuti na lang talaga at na unahan na malayo siya rito dahil hindi talaga siya tatahimik. Kasalukuyan na silang nasa lobby at naghihintay sa para sa kanilang flight papuntang Palawan. Kasasakay lang din ni Vangie sa eroplano pabalik naman ng Samar. “Ikaw, umayos ka ha? H’wag na h’wag mong susubukang gawin sa akin ‘yon. Naku! Makakatikim ka sa akin!” banta ni Sheila kay Anton. Napakunot ang noo ni Anton at nagtatakang tiningnan ang nobya. “What? You mean impreg

