“Get out of here! I don’t want you to be here!” galit na sigaw ni Matilda habang nakatingin ng masama kay Sheila. Nasapo ni Sheila ang kanyang dibdib at nagtatakang tiningnan ito. Tiningnan niya si Anton na puno ng pagkalito. Alam niyang hindi siya nito gusto. Pero ngayon lang niya ito nakitang magalit sa kanya ng ganoon. “What are you waiting for?!” “Hon, calm down. Kagigising mo pa lang,” pagpapakalma ni Marion sa asawa. Tiningnan ni Matilda si Marion. “You already know that I don’t like her. Bakit dinala mo pa siya rito?” inis na tanong niya habang inililipat ang tingin sa anak. “Mom, we’re together again.” “What?!” Napalunok si Sheila. “Anton. Lalabas muna ako,” aniya. Pakiramdam niya kasi ay kailangan na niyang umalis at umiwas sa mga ito. “Go back to where you came fr

