“Anton? Anton?” tawag ni Matilda mula sa labas ng penthouse na tinutuluyan ng anak. Ilang ulit na niyang pinindot ang doorbell ngunit hindi pa rin siya nito pinagbubuksan. Sinubukan na rin niyang katukin ito ngunit wala pa rin. Mula noong umalis ito sa kanila ay ilang araw na itong hindi umuuwe. Sinubukan nilang mag-asawa na kontakin ito pero hindi ito sumasagot. Noong pinuntahan ni Marion sa trabaho nito ay hindi raw ito pumapasok. Tambak na nga ang mga gawain kaya inasikaso pa ng asawa niya iyon. Nag-aalala na si Matilda para sa anak kaya minabuti na niyang hanapin ito. Kinailangan niya pang alamin ang mga properties na nabili ng anak para lang makita ito. Muling kinatok ni Matilda ang pinto pero wala pa ring sumagot. Napahinga siya nang malalim sa inis. Where are you, Anton? inis na s

