Noong mahimasmasan si Sheila, tumayo na siya at nag-asikaso. Ipinasok niya ang kanyang maleta sa kwarto ni Jessa at hinubad ang jacket. Lumabas siyang muli at naghanap ng yelo sa ref ng mga ito. Napanguso pa siya noong wala siyang makitang kahit na ano roon. Mabuti na lang at may namumuo na sa freezer kaya kumuha na lang siya roon. Inilagay niya iyon sa mangkok. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape at na upo sa sala. Binuksan niya ang tv upang kahit papaano ay magkaroon ng ingay sa loob. Malungkot na nga siya tapos malungkot pa ang paligid. Kumuha muna siya ng panyo niya sakaya ipinasok doon ang durog na yelo. Saka iyon idinampi sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung iepekto iyon pero gusto lang niya subukan. Ayaw niyang makita ng kanyang anak na ganito ang kanyang hitsura. Lalo na

