“Ma?” gulat na tawag ni Jessa noong pagbuksan niya ang kumakatok sa kanilang pinto. Malamig pa ang simoy ng hangin at papaputok pa lang ang araw noong binuksan niya ang pinto. Naghahanda na siya para sa kanyang pagpasok noong marinig niya ang mga katok sa kanilang pinto. At noong buksan niya io ay bumungad sa kanya ang kanyang ina na may hawak-hawak ng maleta. Nakasuot ito ng pulat jacket at sunglasses kahit na sigurado siyang madilim pa lang ang paligid noong umalis ito sa kung saan man ito nanggaling. Hindi rin ito nakasuot ng bestida na hilig nitong suotin. Nakapantalon ito na kulay at puting t-shir na gusot-gusot. Hindi rin maayos ang buhok nito na lubos na nakakapagtaka para sa kanya. Hindi umaalis ng bahay si Sheila nang hindi iyon nakaplantsa. Napatingin si Ricardo sa pinto noong

