“Ha? Bakit hindi ka sasama?” diskumpyadong sabi ni Sheila. Nakabihis na siya ng bestidang hapit sa kanyang katawan at nakaayos na rin ang buhok noong sinabi ni Anton na hindi ito makakasama. Pagkatapos nitong kausapin ang tumawag dito ay iyon na agad ang sinabi. “Kailangan kong pumunta sa site. I promise I’ll be quick.” Inirapan ni Sheila si Anton. Padabog na kinuha niya ang kanyang handbag at hindi na nagsalita. Sinabi na kasing may pupuntahan e inuuna pa ‘yan. Palagi na lang trabaho! inis na sabi niya sa kanyang isipan. Nitong mga nakaraang araw kasi ay masyadong na bi-busy si Anton sa bago nitong project. Hindi na nga sila gano’ng makalabas kagaya noon. Hindi ito sasama dahil sa proyekto nito eh siya nga na masama ang pakiramdam ay pinipilit ang sarili para lang sa magiging anak nil

