“Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Sheila sa dalawa. Mabilis na umiling si Anton. Tumingin siya kay Sheila at hinawakan ito sa magkabilang braso. “No. I’m… I’m just surprised. Akala ko kasi ‘yong dati pa rin ang makakasama natin.” Nginitian niya si Sheila at dinampian ng halik ang labi nito. Pagkatapos ay tumingin siya kay Vanessa at inabot ang kamay nito. “I’m Anton. I’ll be the father of the child that you will bear.” “Oh, really? Sigurado akong magiging gwapo rin ang magiging anak niyo.” Ngumiti nang malapad si Vanessa at tumingin kay Sheila. “Hindi mo naman po sinabi na blue eyes pala ang asawa niyo.” Pinisil niya ang palad ni Anton at hindi iyon kaagad binitawan. Nakaramdam ng pagkailang si Anton kaya mabilis niyang hinila ang kanyang kamay. “She’s funny, huh?” natatawa n

