Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse. Nakatitig lamang si Anton kay Sheila at naghihintay sa sasabihin nito. Habang ang dalaga naman ay nakanganga habang nakatingin sa labas ng kotse. Pakiramdam bigla ni Sheila ay mayroong bumara sa kanyang lalamunan at nanuyo iyon. Tama ba ang pagkakainintindi niya? “May nangyari sa inyo ni Vanessa?” tanong ni Sheila. “Yes,” alanganing tugon ni Anton. Napatungo siya noong makita niya ang sakit sa mga mata ni Sheila. Nasapo ni Sheila ang kanyang bibig at tumagilid bahagya. Hindi niya kaya na makita ni Anton ang pamumuo ng kanyang mga luha. May nangyari sa kanila ni Vanessa? Niloloko ba siya ni Anton? Napapikit nang mariin si Sheila at pasimpleng pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang mga mata. “Sheila.” “Gusto ko na umuwe,” mahinang sabi ni

