Pakiramdam ni Sheila ay unti-unti siyang dinudurog. Pinipigilan niyang tumulo ang nangingilid niyang mga luha kaya siya ay napatingala. Noong mapansin niya ang maiinit na mga titig ni Anton ay tumungin siya sa kayang gilid. Kinagat niya ang likod ng kanyang labi at pinigilan munang magsalita. Noong umalis siya sa bahay ng mga ito ay pinili niyang hindi na magpaalam pa rito. Labis siyang nakokonsensya sa nangyari. Oo, mahal na niya si Anton. Ngunit para siyang sinampal ni Matilda sa mga sinabi nito. Napapikit na lamang siya sa dahil sa labis na kahihiyan na kanyang nararamdaman. “M-Maghiwalay na tayo, Anton,” garalgal ang boses na sabi ni niya. Naiawang ni Anton ang kanyang bibig. Hindi agad nagproseso sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ni Sheila. Umupo siya sa tabi nito at

