Chapter 5.The Bartender

2066 Words
Ivan pov Nandito nga pala kami ngayon ng mga kaibigan ko sa bar,dahil nagyaya ako pumunta dito para lumamig naman ang ulo ko, dahil sa mga nakaraang araw na ito lagi nalang nag iinit ang ulo ko,kaya napagisipan kung magpalamig na muna, dahil sa tuwing naaalala ko ang sinabi ng babae na yun kanina sa canteen, nagiinit kaagad ang ulo ko. Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa, hindi nga pala kami nagpa VIP room dahil,hindi naman kami mageenjoy doon,dahil kami lang ang tao sa loob,kaya mas mabuti ng nandito lang kami sa may labas sa harapan ng dance floor dahil,hindi boring marami kaming makikitang chicks at wala kang ibang maririnig kundi ang pinakamalakas na tugtog, at ang mga kasama ko nga pala ayun,nakikipaglaro na naman sa mga laruan nila,habang iniikot ko naman ang aking paningin sa kabuuan ng bar, merong nahagip ang aking paningin limang babae at yung nasa gitna talaga ang nakaagaw ng pansin ko,naka short ito,at nakasport bra lang na pinatungan ng jacket. Ang hot niya grabe ngayon lang ako nakakita ng babae na ganito ka hot at ang sexy niya pa. wow!!!!....chicks...... Sabi sa isip ko, tatayo na sana ako, kaso ng tumingin ito sa gawi ko,naginit kaagad ang ulo ko dahil siya na naman, bakit ba palagi nalang kaming pinagtatagpo? Ano to pinagtagpo, pero di itinadhana.Nakakaloka na to. Ng dumapo ng paningin niya sa akin, mukhang pareho rin kami ng reaksiyon. Kaya ng nakabawi ito sa gulat bigla nalang ito naglakad papunta sa bartender, at ang bartender naman, sobra naman ang ngiti abot tenga na, kaya mas lalong naginit ang ulo ko. Habang masayang naguusap ang dalawa, ako naman masama ang tingin sa bartender kung nakakamatay lang ang masamang tungin kanina pa pinaglalamayan yang bartender na yan, bakit ba tumatawa ang babar na yan, eh sa eskwelahan ni hindi ko nga nakita na ngumiti yan tapos,kung tumawa siya sa harap ng lalaki ng bartender na yan parang wala ng bukas kung tutuusin mas gwapo naman ako diyan.Teka nga bakit ba ikunukompara ko ang sarili ko sa bartender nayan, eh walant wala naman yan sakin kung tutuusin ni wala nga yan sa kamalingkingan ko, kaya hindi ko na kaya pang titifan sila ng masaya habang ako naiinis na at naiinip. Kaya pinunutahan ko ito,mukhang hindi naman niya napansin ang pagupo ko sa tabi niya. Hoy!!!wag kayo ha may Isa pang upuan sa gitna namin. Wag kayo "oh!?Ivan may kailangan ka? tanong ng bartender sakin. " Bakit? Pag umupo ba dito,may kailangan agad!??? "balik tanong ko "hahahahahhahahhahahhahahahaha"bartender " kakaiba ka talaga, Ivan lee " sabi nito at umalis Dun ko lang napansin na, kami nalang palang dalawa ang nakaupo dito,pero siya patuloy paring umiinom na parang siya lang mag isa ang nakaupo rito.Kaya hindi ko na kaya ang pananahimik niya, kaya nagsalita na ako. "Bakit ang tahimik mo?!!" tanong ko ,pero hindi parin ito nagsalita, patuloy lang ito sa paginom, halos makalahati na niya ang buting vodka kaya mas lalo akong naiinis. "Nangiinsulto ka ba? ha!!"tanong ko habang pinipigilan ang inis ko sa kanya, dahil baka masinghalan ko lang siya. "bakit naiinsulto ka ba?" sabi  nito,habang iniikot ang baso sa kanyang kamay. "hahahahhahahahhahahha"tawa ko (note the sarcasm)" sa tingin mo hindi ako maiinsulto, na habang nagsasalita ako dito,ni hindi ka man lang kumibo o nagsalita " sabi ko " Bakit?  sinabi ko bang magsalita ka!.. Hindi di ba!" sagot nito " eh bakit ang bartender na yun,kinausap mo tapos kung tumawa ka, parang wala ng bukas, tapos nung dumating ako at naupo dito bigla kang tumahimik at hindi na nagsalita " panunumbat ko sa kanya. "Bakit close ba tayo"  pamimilosopo nito,na hindi parin nakatingin sakin. Ganyan ba siya kung makipag usap walang modo, mapipikon nalang ang nakikipag usap sa kanya, eh kung hindi siya nakikipag usap sa kanya.Eh kung hindi siya nakikipag usap sa ka close niya, ibig sabihin ka close niya yung bartender na yun, paano naman sila nagkakilala at bakit ganon sila ka close o baka naman boyfriend niya yung bartender na yun, hindi naman siguro, dahil nakikita ko sa babaeng ito na hindi naman ganon ang mga type niyang lalaki. "hoy!!!may kulay green na buhok, aalis na ako!!" sabay lagok sa natitirang vodka sa baso niya at umalis na hindi man lang ako nilingon. Teka nga!  Ng tignan ko ang bote ng vodka, ubos na ito at tinignan ko siya habang naglalakad paalis, maayos pa naman ang lakad niya kakaiba talaga ang babaeng yun. Nagulat ako ng may maglagay ng alak sa baso ko pagtingin ko, ang bartender "nagulat ka no?"  tanong nito Tanga ba siya paano ako sasagot, eh kung may no sa huli. " ha?!!" " sabi ko, nagulat ka no,kung bakit nakakalakad pa ng maayos si red ng ganon eh isang bote na ng vodka ang naubos nun!!!"bartender " hindi ko naman tinatanong " sagot ko " ganon talaga si red, talo niya pa ang mga lalaki sa pag inom,dahil kayang kaya niyang ubusin ang tatlong bote ng vodka na siya lang mag isa, kaya hindi na ako magtataka kung maubos niya man ang isang bote niyan" sabay turo sa bote ng vodka na wala ng laman. " eh! Bakit sinasabi mo yan sakin? "Tanong ko na parang nagtataka. " alam ko naman na gusto mo ding malaman,kahit hindi mo itanong " sabi nito sabay alis Ano? Naiwan akong nagtataka parin, mga mindreader na ba ang mga tao ngayon, tititigan kalang sa mata tapos,malalaman na nila ang iniisip mo. Kalokohan!!...... Gab POV Nandito na kami ngayon ng mga kaibigan ko sa labas ng bar dahil nagyaya na akong umuwi dahil madadagdagan lang ang init ng ulo ko,kapag nagtagal pa kami sa loob. Alam ko na gusto na rin naman ng mga kaibigan kung umuwi dahil nga nandyan yung mga ka rival nila sa lahat ng bagay kaya naiinis ang mga yan kapag nakikita nila ang mga gunggong na yun. Kaya hindi ko na sila kailangan pang pilitin para umuwi. Habang naglalakad kami papunta sa aming kanya-kanyang kotse, biglang maynararamdaman akong nakatingin samin at hindi lang isa, kundi pito sila, mukhang hindi napansin ng mga kasama ko,kaya nagtuloy-tuloy lang sila sa kanilang mga kotse. Nagtatanong kayo kung bakit nalaman kung pito sila,simple lang dahil magaling akong makiramdam. Hindi ko nalang pinansin dahil mukhang wala naman silang balak sugurin kami. Kaya nagtuloy nalang rin ako sa paglalakad patungo sa kotse ko,nagulat ako ng biglang sumigaw si Amber. Ahhhhhhhhhhhh!!!!! Mabilis pa kay batman ang pagsirado ko ng pintuan ng kotse ko ng marinig ang pagsigaw ni Amber,ng tignan ko hawak na ng nakaitim na lalaki si Amber,at mukhang sinuntok nito si Amber sa tiyan kaya ito napasigaw. Hawak nito ngayon si Amber at may kutsilyo na nakatutok sa leeg nito.kaya hindi makagalaw si Amber at kahit lumaban  pa siya hindi niya makakaya dahil nanghihina siya. "Humanda ka talaga saking mukhang baboy na maraming ringkles sa mukha kapag nasugatan ang kaibigan ko."sabi sa isip ko Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, kaagad akong nagsalita. " Sino kayo? At ano ang kailangan niyo samin?"tanong ko sakanila na pilit tinatago ang panginginig ng boses ko hindi dahil sa natatakot ako sa kanila kundi sa mangyayari kay Amber,nawalan na ako ng minamahal at ayoko ng may dumagdag pa, kaya mas pinaigi kung ipakita na hindi ako natatakot sa kanila kahit hawak pa nito si Amber. "sumama ka samin"  sabi ng may hawak kay Amber " Dahil ikaw lang ang kailangan namin, kung ayaw mong masakatan ang kaibigan mong ito sumama ka samin ng tahimik para walang gulo"dagdag ng isa hahahahahahahahahah!!!!! "At tumatawa ka pa, eh kung gilitan ko kaya ang kasama mong ito." diin nitong sabi "G*go! Ano ako Tanga? Bat naman ako sasama sa inyo?"sagot ko "kung hindi ka sasama gigilitan ko ng leeg itong kasama mo."sabi nito na, gigilitan niya na sana si Amber sa leeg pero mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo ko para sipain ang lalaki, tumalsik ito sa may gilig ng sasakyan ng tignan ko ang mga kasama ko nakikipaglaban nadin sila sa iba. Ng sumugod ang dalawa pang kalaban sakin at akmang susuntukin ako  tumalon agad ako at tinadyakan silang dalawa at ng tatayo pa ito lalapitan ko na sana para tuluyan, pero mabilis itong tumakbo papalayo samin ng tignan ko ang lalaki kanina sa may sasakyan wala na ito doon,nagtataka talaga ako ang bibilis nilang gumalaw , isa lang ang kilala kung tumuturo ng ganon kabilis kumilos. Tinignan ko ang iba ko pang kasama. Bugbog sirado na pala ang mga kalaban nila mukhang diyan nila binuhos ang galit ng todo.Kung nandito lang kayo mga reader masasabi niyong nakakaawa ang mga mukha nila dahil sa pagkakabasag ng mga bungo nila,pero para akin hindi sila dapat kaawaan dahil ang mga ganyan tao dapat pinapatay at hinahatid sa impyerno. Si Amber? Oo nga pala si Amber! Ng tignan ko si Amber nakaupo parin ito sa sahig at hawak niya parin ang kanyang tiyan, kaya nag- alala ako baka, nasaksak siya ng hindi namin alam,kaya kaagad akong lumapit ganon din ang mga kasama ko. " hoy!Amber okay ka lang ba?  May masakit ba sayo? "tanong ni Alexis "Ahhhhh!!!!" sigaw nito " hoy! Amber asan yung masakit" nagaalalang tanong ni Alexis " Masakit!" Amber " Asan nga yung masakit?"Alexis " Dito!" turo nito sa may bandang tiyan "Alin? Wala namang sugat,pinagloloko mo ba kami Amber umayos ka nga masasapak talaga kita?"Alexis "Masakit nga!"Amber "Ang alin nga yung masakit? Wala ka na mang sugat"  naiinis na sabi ni Alexis habang chenicheck kung may sugat nga ang bandang tiyan niya. "Dito nga!Dito sa may puson ko" sabi nito Masakit lang pala ang puson niya, pinag- alala niya pa kami,hay naku! " Aray! Bat mo ko hinampas Alexis?  " Amber " sus maryosep! Akala ko kung napano kana, sakit sa puson lang pala pinag- alala mo pa kami " Alexis "Bakit? Hindi ka ba nag- aalala sa akin ngayon, kahit na masakit yung puson ko" nagpapacute nitong sabi kay Alexis "Wala namang namamatay sa sakit puson Amber!"Alexis "Tumayo ka na diyan dahil uuwi na tayo" Alexis Aalis na dapat kami ng maramdaman kung hindi sumusunod si Amber kaya tumigil ako sa paglalakad ganon din ang mga kasama ko, ng tignan ko hindi padin ito tumatayo sa pagkakaupo niya sa sahig. "Hoy!Amber hindi ka pa ba tatayo diyan?" tanong ni unice "Hindi!"sabi nito "Abat nagiinarte ka na naman Amber ha,tumayo ka na diyan dahil maghahating gabi na. "Fyne "Ayoko!Hindi ako tatayo dito, hanggat hindi pumapayag si gab na don ako matutulog sa bahay niya"sabi nito sabay tingin ng nagpapacute sakin wink! " Oh! Pano yan gab umaandar na naman si Amber,ikaw na ang bahala aalis na kami baka mapagalitan pa kami ng parents namin at tsaka ako ng tatawag kila tito at tita na sa bahay mo matutulog si Amber,kita nalang tayo sa school bukas." "sige, magiingat kayo" sagot ko "tumayo ka na diyan Amber at uuwi na tayo."agad naman itong tumayo at dumiretso sa sasakyan ko." Asan ang kotse mo, wala ka bang dalang sasakyan?"tanong ko "wala, nakisakay lang ako kay Alexis"sagot nito na parang bata Kaya sumakay na ako sa kotse ko ganon din si Amber. At pinaandar ko na ang kotse at umalis sa lugar na yun habang nagdadrive ako tinanong ko siya" Bakit ba ayaw mong gamitin ang kotse mo "sabi ko "ayaw ko lang mapagod nakakapagod magdrive" sagot nito, pero alam ko naman na ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang magdrive at gumamit ng kotse kahit na meron siyang kotse dahil sa nangyari nong bata pa siya, nagkaroon siya ng phobia sa paggamit ng kotse dahil sa car accident na sinadya talagang banggain ang kotse nila ng mommy niya, piimbestigahan naman iyon ng daddy niya pero wala namang kahinahinala na sinadya daw ang pagbangga sabi ng mga police, kaya hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy niya. Yun lang ang nakuha kung impormasyon tungkol sa kanya bago ko siya tinanggap sa grupong ito. Tinanggap ko siya sa grupo namin kahit na siya ang pinakamahina  dahil alam kung magiging malakas pa siya kapag tinanggap ko dahil sa mga napagdaan niya sa buhay hindi alam ng daddy niya na pumasok siya sa gangster world ang alam nila ay mga ordinaryong studyante lang kami na kaibigan ng anak nila pero nagkakamali sila dahil mukhang ordinaryong studyante lang kami pero kaya naming pumatay ng sampung tao sa isang araw lang,kaya "DON'T MESS WITH US"Kung ayaw mong makasama  ng mas maaga si kamatayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD