Gab POV
Maaga akong nagising dahil papasok pa ako at may usapan kami ng mga kaibigan ko na magbabar kami pagkatapos ng eskwela kaya excited ako dahil simula nung lumipat kami ng school hindi na kami nakakapunta ng bar ,nagtataka siguro kayo kung bakit kami nakakapasok sa bar ,eh minorde edad palang kami ,actually kaibigan namin ang may ari ng bar kaya ,walang problema at kung may problema man gumagamit kami ng fake na ID.
At ng matapos na akong maligo nagbihis ako ng black na crop top at black din na jeans na pinarisan ng sneakers na black din ,nagtataka kayo kung bakit lahat black ,eh favorite color ko yan eh at kung bakit ako nakasibilyan,wala naman kasing uniform ang bagong school na pinapasukan namin
Ng tapos na akong magbihis pumunta na ako sa garahe at sumukay sa sasakyan ko ,bago na yung sasakyan ko dahil nga nasira dahil sa nangyari .Don't mention it nasisira lang yung araw ko tuwing naaalala ko yun.Pagkadating ko sa school pinarada ko na kaagad ang ferrari ko dahil nagugutom na talaga ako ,hindi kasi ako nagbreakfast ,kaya dumiretso na ako sa canteen ,habang papunta ako sa cashier dahil oorder na sana ako ng kakainin ko bigla nalang may humila ng buhok ko kaya hindi kaagad ako nakapag react .
Nang bitawan na nito ang buhok ko saka ako humarap at nakita ko ang babae na nakangisi habang nakatingin sa akin .Tinignan ko lang siya na parang wala lang sakin ang nangyari.
" Na miss mo ba ako ha?" sabi nito
" matagal tagal din tayong hindi nagkita ,simula nung pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao ,kaya nandito ako para gantihan ka sa ginawa mo sakin ." aniya
" Ah ! kaya pala nagdala ka ng mga higad at haliparot para may katulong ka ,bakit hindi mo ba ako kaya,o baka natatakot kalang sakin."sagot ko naman
" ako natatakot sayo " turo nito sa sarili
" Then fight me na nag iisa kalang ,kung hindi ka nga takot sakin ." panghahamon ko sa kanya
kaya sasabunutan niya na sana ako ,pero sinipa ko lang siya ,tama na yung unang sabunot niya sa buhok ko dahil hindi ko na hahayaan na mahawakan niya kahit kunting buhok ko ang sakit pa naman ng pagkakasabunot niya parang lahat ng buhok ko sa ulo natanggal,kaya ayun talbog siya sa ilalim ng lamesa wala naman palang binatbat ,susugod sugod ang hina naman pala .
At susugod na sana ang mga kasama niya ng magsalita ako ,gamit ang pinaka malamig na boses ko
" kung ayaw niyong matulad sa kanya mas mabuti pang umalis nalang kayo sa harapan ko bago pa masira lahat ng buto niyo sa katawan ."
Halata naman na natakot sila sa sinabi ko,kaya ayun nasipagtakbuhan sila palabas ng canteen at yung may sayad naman ayun nahimatay ,dahil siguro tumama yung ulo niya sa dingding sa ilalim ng lamesa ,kaya ayun tinulungan ng mga lalaking buhatin at dinala sa clinic,marami rami narin pala ang nanuod samin ,pero wala na akong paki alam dahil kanina pa kumukulo ang tiyan ko ,magbiro ka lang sa akin okay lang ,wag lang pag gutom ako dahil siguradong paglalamayan ka ng pamilya mo ng mas maaga.
Pagkatapos kung kumain sa canteen ,dumiretso na ako sa room namin pagdating ko nandon na nga ang mga kaibigan ko kaya umupo nalang din ako.
Pagkaupo ko naman sakto lang ang pagdating ng guro namin ,nakinig nalang ako discuss lang naman ang ginawa niya lahat naman ng sinasabi niya alam ko na kasi nag advance study naman ako sa ibang bansa kaya alam ko na lahat kahit pa ang tinuturo sa college .
kaya ng mag bell niligpit ko na ang mga gamit ko dahil hinihintay na ako ng mga kaibigan ko sa labas ng room dahil sabay sabay daw kami kakain.
Ng makapunta na kami ng mga kaibigan ko sa canteen naghanap kaagad kami ng mauupuan at ng meron na kaming makita na upuan kaagad kami umupo don ko lang napnsin na katabi pala ng naupuan namin ang lamesa ng mga ugok ,hindi nalang namin sila pinansi ,nagpaalam si amber na siya nalang daw ang oorder samin alam naman niya ang mga paborito naming pagkain kaya no worry.
Amber POV
Hindi ko alam na ang napili pala naming upuan ay katabi lang yung upuan ng lalaking kinaiinisan ko .Pero wala na akong magawa yung nalang kasi ang bakante kaya NO CHOICE.Ng oorder na sana ako may nagsalita sa gilid ko.
" pwede ba umbante ka na, dahil marami pang nakapila" sabi nito
ng tignan ko ito nagulat ako ,kanikanina lang naiinis ako dahil magkatabi lang yung lamesa namin ngayon pati sa pagpila nandito siya ,nakakaloka na talaga.kaya umabante na ako dahil ayoko ng gulo ngayon.ng natapos ko ng orderin ang mga paboritong pagkain ng mga kaibigan ko ,naglakad na ako habang naglalakad ako merong pumatid sa akin kaya natapon lahat ng pagkain na binili ko ,
"ay ,sayang naman" sabi nito
kaya nag init kaagad ang ulo ko ng marinig ko ang sinabi niya sayang ,eh hindi sana masasayang yang pagkain namin kung hindi niya ako pinatid kaya nang gagaliiti akong tinignan ang pumatid sa akin at nakita ko ang lalaking nakangisi ,na kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaki na nakalaban ni red sa parking lot.
" sorry" sabi nito
" bayaran mo yang pagkain namin " sabi ko na namumula na sa galit
"why would i" sagot naman nito na parang wala lang sa kanya
" sabi ng bayaran mo eh " pasigaw na sabi ko ,kaya lahat na naman ng attetion sa loob ng canteen ay napunta samin
Alexis POV
Tinignan ko lang si Amber habang nagoorder sa cashier dahil baka kailangan niya ng tulong ,dahil yung tatlo naming kaibigan puro busy si Unice naman ay tutok na tutok sa pagbabasa ng libro niya si Fyne naman busy rin sa paglalaro ng Plant vs Zombies sa kanyang tab at si red naman ayun nakaobob na naman sa lamesa palagi naman siyang ganyan parang kulang lagi sa tulog.
Natigil lang ako sa pagtingin sa mga kaibigan ko ng may narinig akong humagalpak pagtingin ko si Amber pinatid siya ng lalaki,kaya kaagad akong tumayo at pinuntahan si Amber.
" sabi ng bayaran mo eh " rinig kong sigaw ni Amber ,tinignan ko yung pumatid kay Amber nasa likuran kasi ako ni amber dahil nga papunta nasi amber sa mesa namin ng patidin siya ng lalaki,tumatawa lang ito na para bang nasisiyahan talaga siya sa kanyang ginawa at si Amber naman parang sumasabog na bulkan sa sobrang galit,kaya napikon narin ako nung una si red yung pinagtritripan niya ngayon si Amber na naman ,kaya walang pag alinlangan akong sumugod sa kanya at sinuntok ko ang lalaki sa mukha .
Booogsh........
" s**t " sigaw niya habang nakaupo sa sahig at hawak hawak ang kanyang panga na sinuntok ko .
" Bat mo ko sinuntok ha ?" tanong nito at tinulungan naman siya ng mga kasama niya tumayo sa pagkakaupo niya sa sahig,at susugod na sana siya para suntukin din ako ng may nagsalita sa bandang likuran namin ,ng lingunin ko si Red.
"Are you a gay? " tanong nito na ikinagulat ng lahat ,kahit ako nagulat sa tanong ni Red.At ang lalaki naman mukhang gulat rin at ang mga kasama naman niya halatang pinipigilang tumawa.
" Anong tinatawa tawa niyo dyan " sabi nito sa kanya kasama,kaya tumahimik
" At ikaw " turo nito kay red " Anong sabi mo ? " Ako bakla ?"
" Oo " diretsong sagot ni red
" Dahil wala naman akong ibang makitang dahilan bukod sa isa ,isipin mo nga una ako yung pinagtripan mo yung kotse na kulay red ,pangalawa si Amber pinatid mo ,pangatlo susuntukin mo si Alexis ,gawain ba yan ng lalaki ".
" eh walang hiya ka pala eh " sabi nito at susugurin niya na sana si red kaso pinigilan siya ng mga kasama niya.
" oh baka naman ,hindi mo lang alam na pinahihiwatig na pala ng kilos mo ang totoong kasarian mo ,na bakla ka nga ." sabi ni red na halatang inaasar niya pa ito sa pag ulit ulit ng salitang bakla ,si red talaga kapag nasa mood mang asar sinisigurado niya talagang mapipikon yung inaasar niya.
" ulitin mo pa yang sinasabi mo ,hinding hindi kita sasantuhin kahit babae ka pa " sigaw nito habang hawak parin siya ng mga kaibigan niya sa kamay.
" master ,tama na."
" wag mo ng patulan ,babae parin siya ,nagpapapansin lang ang mga yan ."
Wow ,kung makapagsalita naman ang mga kasama niya parang kami pa talaga ang nagpapapansin sa master nila ha,na kung iisipin wala naman kaming gingawa, sila ang nauuna ,grabi talaga .Yan yung mga sinasabi ng kasama niya.
" wala akong pakialam kung babae pa siya " sagot naman nito
"OWS! pinahihiwatig mo lang talaga sa lahat ng tao dito sa loob ng canteen na ------" pinutol ni red ang kanyang sinasabi,at lahat naman nakatuon sa kanyang ang tingin at naghihintay ng kanyang sasabihin." na baliktad ang iyong kasarian" pagtuloy nito sa kanyang sasabihin ng may ngisi .
Mukhang hindi silang lahat nakaget over sa sinabi ni red at hanggang ngayon nakabukas parin ang kanilang mga bibig ,sabi nila wag uulitin kaya ayun yung sinabi ni red ,iniba niya lang pero pareho parin ang kahulugan ,hindi na pala siya hawak ng kanyang mga kasama .
Tinignan lang siya ni red at tumalikod na ,ng magsalita ito " Sino ka ba talagang babae ka?, at bakit hindi ka natatakot samin at ang lakas ng loob mong kalabanin kami ?,na kung iisipin pwedeng pwede ka naming saktan sa labas ng paaralang ito ng walang nakakaalam," tanong nito ,na bigla nalang nag iba ang tention sa loob ng canteen kung kanina ang ingay ingay ngayon naman sumobra yata ang tahimik dahil sa tanong ng lalaki na iyon kay red .
Humarap si red sa lalaki at " ako ?" sabay turo nito sa sarili at naglakad palapit sa lalaki at binulungan ito na alam kung kami lang ang nakakarinig dahil medyo malayo layo yung mga tao .
"AKO ANG PAPATAY SAYO"sabay alis nito sa canteen kaya sumunod nalang kami ,baka magkaroon pa ng part 2 yung gulo namin kapag hindi pa kami umalis .
****note****
vote naman kayo guiz para mas ganahan akong mag update.Thank you!