Chapter 3. Underground battle

2266 Words
Red POV Makalipas ang isang linggo ,wala namang masyadong nangyari ,pasok sa paaralan uwi sa bahay,gawa project ganon lang paikot ikot. weekend ngayon walang pasok kaya nandito lang ako sa bahay nagbabasa ng w*****d . Hoy ,wag kayo ha nagbabasa rin ako niyan ,idol ko kaya ang mga authors,habang nagbabasa ako biglang ng vibrate yung phone ko ng tignan ko. calling....................Trisha Yu.......... " what's up " tanong ko " Red meron ditong gustong makipaglaban "sabi nito sa kabilang linya " sino at tagasaan" tanong ko " hindi ko alam ,sabi bagong salta kaya naghahanap ng makakalaban kaso ayaw pumatol ng mga bata natin dahil malalakas daw ang mga ito at pangalawa daw ito sa rank ." aniya nito " ano red gusto niyo bang itry ,mukhang machachallenge talaga kayo dito ." saad nito "sige ,anong oras at saan " red " sa underground battle,alas sais ng hapon ." sabi nito saka binaba ang tawag so gustong niyong makipaglaban ha ,sige pagbibigyan ko kayo,Blue phoenix gang. At saka tinext ko na ang mga kagrupo ko To: gangmates " sa underground battle ,alas sais ng hapon wag kayong malalate." (Underground battle) Someone's POV Nandito na ngayon ang Blue phoenix gang ,mukhang maganda ang laban ngayon . Biglang naghiyawan ang mga tao sa labas ,ibig sabihin nandito na sila,ang Red Dragon gang ang pinaka una sa larangan ng gangster world,at mukhang alam ko na kung sino sino ang maglalaban laban ngayong gabi ,tama lang na pumunta ako . At ng makapunta na sa gitna ang RDG sumunod naman ang BPG,mukhang sa mga galaw palang nila desidido silang matalo ang isa't isa .Pareho silang mga nakamaskara .Ng magsalita na ang Mc ang battle na ito halos lahat ng mga tao nagsisigawan ng mga bias nila. "okay !Let's begin the battle between Red dragon gang and Blue phoenix gang " Mc At ng nakaplastada na ang mga kani kanilang grupo silang dalawa naman hindi pa din umaalis sa kanilang mga pwesto. Ng magsalita ang lider ng BPG " so kayo pala ang Red dragon gang, hindi ko inaasahan na babae pala ang nangunguna sa larangan ng gangster " lider ng BPG tahimik lang na tinitigan ng lider ng RDG ang lider ng BPG ng magsalita ito ," so anu ngayon kung babae ang nangunguna sa larangan ng gangster ,bakit? wag mong sabihin hindi mo inaasahan na kaya pala ng isang babae mamuno .O natatakot kalang dahil sa oras na matalo kita bababa ang tingin ng mga tao sayo".lider ng RDG "ako natatakot sayo ,kahit babae ka pa hinding hindi kita pagbibigyan." saad din nito. kaya naglaban na ang dalawang lider ng bawat grupo.Makikita mo talaga sa kanilang dalawa na pareho silang magagaling lumaban.at may mga potential nga na maging lider ng mga bawat grupo . Naunang sumugod ang lider ng BPG .kaagad naman nag react ang lider ng RDG na si red.Dali daling umiiwas si red sa sipa at tadyak ni blue ang lider ng BPG.At ng humarap si blue sa kay red bakas sa mukha nito ang pagnanais na matalo ito. " Yah!" agad na sumugod si blue kay red na may dala na itong dagger at handa na itong isaksak pero na sangga nito kasabay ng pag ikot nito sa likuran ni blue at patamaan ng tadyak .Agad namang tumalsik ang lider ng BPG sa may gilid. Dahil sa nakatalikod si red ,sinamantala naman ni blue at agad na tumakbo para saksakin patalikod si red kaso mabilis ang reflexes ni red kaya ka agad itong tumalon at sabay bigay ng malakas na sipa sa leeg si blue kaya tumalsik ito sabay suka ng dugo. "Master "sabay lapit ng mga kagrupo niya na marami na ring sugat na natamo lumapit naman si red sa lider ng BPG at binulungan ito. " sa susunod na maghahanap ka ng makakalaban siguraduhin mong lahat ng sipa at suntok mo tatama sa mukha ng kalaban ,at hindi lang sa mukha kundi kahit saang parte ng katawan ng kalaban hindi yung puro kalang sugod hindi mo naman tansya kung tatama talaga ,kaya ang mapapayo kulang sayo mag ensayo ka ng mabuti para sa susunod nating laban kaya mo na akong tapatan ." mahabang sabi nito. " WEAK" saka tumalikod at umalis "at sino ka naman para pagsabihan ako ng ganya ha"lider ng BPG "ako " sabay turo nito sa sarili "ako ang papatay sayo" saad nito ,saka tuluyan ng umalis " Bwiset " sigaw ng lider ng BPG makikita parin talaga ang husay mo Gabriela Perez ,masasabi talagang deserve mong maging top 1 sa larangan ng gangster. Gab POV Yun na ba yung sinasabi ni Trisha na machachallenge daw kami,eh hindi nga ako pinagpawisan man lang at ang mga ka grupo ko ni isang galos wala man lang natamo ,totoo bang rank two yung nakalaban namin . pero inaamin ko magaling nga yung rank two ,sa galaw palang ng lider nila alam kung magaling siya kaya lang pinairal niya yung galit niya. At yung pagtakbo niya kanina hindi ko inaasahan yun dahil nga nakatalikod ako ,kaya lang mabilis talaga ang pakiramdam kaya ayun talsik siya. Ang saya palang galitin at pikunin yung lider ng BPG nakakatawa yung mukha niya . At hindi nga ako nagkakamali kayo nga ang rank two. Ivan Lee......... tatlong araw na ang nakalipas simula nung laban namin sa underground battle.Monday ngayon kaya nandito kami sa paaralan ,habang naglalakad ako papunta sa kotse ko dahil uwian na din at nauna na yung mga kaibigan ko ,napansin kong nagsisipagtakbuhan ang mga tao sa parking lot ,kaya nagmadali rin akong naglakad papunta dun ng makarating na ako dun . nagulat ako dahil may mga tao sa may kotse ko at may mga hawak silang pintura at pinipinturahan nila ang sasakyan ko ,kung hindi ako nagkakamali ,vandalizing yang ginagawa nila sa sasakyan ko . " hoy babaeng nakaputi ,dito sa pwet ng sasakyan wala pang pintura ".sabi ng pamilyar na boses at napatingin ako sa gilid merong nakaparadang sasakyan at may nakasandal na lalaki . at ng makilala ko kung sino ito nag init bigla ang ulo ko .so siya pala ang may pakana ng pagpipuntura ng kotse ko .kaya hindi na ako nakapagpigil na tignan lang ang kotse ko na wala namang ginagawa sa kanila. "itigil niyo yan " sigaw ko Mukhang nagulat naman sila sa biglang pagsigaw ko .kaya napatingin lahat ng mga tao sa akin at pati na  din yung nagpipintura ng kotse , at wala akong pakialam kung naagaw ko man lahat ng attention nila ang importante ang kotse ko.Bigay pa naman yan ng papa ko . " sige lang ituloy niyo lang yan " sabi nito Inuubos mo talaga ang pasensya ko ha .kaya pumunta ako sa compartment ng sasaktan ko at kinuha ko yung baseball bat na palagi kong dala dala incase of emergency ,kaya ng makita nila yung kinuha ko sa likod ng sasakyan ko ,agad silang nagsipagtakbuhan ang mga nagpipintura ng sasakyan ko . hindi kuna sila pinag aksayahan ng oras dahil may araw din yan sila ,uunahin ko nalang muna dito yung malaki ang atraso sakin. ng makaharap na ako sa lalaking may utos na gawain yun sa sasakyan ko .Ngumisi ako ,akala mo ikaw lang may kayang gawin pwes nagkakamali ka. nagsalita siya habang papalapit ako sa kanya ,"ano iiyak ka na ba ha" sabi nito " anu hahampasin mo ko ng baseball ba------- "hindi niya na natapos yung sinasabi niya dahil hinampas kuna ng baseball bat ang salamin ng kotse niya ,mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya pagkatapos kung hampasin ng baseball bat ang salamin ng sasakyan niya . meron akong nakita sa gilid ng sasakyan niya na kahoy at merong pako ito sa dulo ng tignan ko ang gulong ng kotse ko sira na,kaya kinuha ko iyon at hinampas ko rin ang gulong ng kotse niya ,kaya ayun butas ,gulat na gulat siya at pati nadin ang mga tao sa paligid ,mukhang hindi nila inaasahan ang gagawin ko, kaya sorry siya dahil lintek lang ang walang ganti. Ng matapos ko yung gawin tinignan ko lang siya ng nakakaasar na tingin .Oh anu ka ngayon " bakit mo ginawa yun sa kotse ko ?Alam mo ba kung gaano ito ka mahal,mas mahal pa ito sa buhay mo.!!" sigaw nito "kwits lang tayo" sabi ko "at teka . sabi mo mas mahal pa yan sa buhay ko ang kotse mo .hahhahahahahha baka bawiin mo yang sinasabi mo sa oras na makilala mo ako ." sabi ko at saka umalis at narinig ko pang sumigaw siya " humanda ka hindi pa nagsisimula ang totoong laban ,pagbabayarin kita ." sabi nito ,hindi ko yun pinansin at tinawagan ko na lang ang butler ko sa sunduin ako dito. Dahil nga nasira ang sasakyan ko .okay lang sana kung pininturahan lang kaso pati gulong ko sinira.mga walang magawa . Ivan POV walang hiya kang babae ka ,ang lakas naman ng loob mo na kalabanin ako tignan lang natin kung hindi ka aalis sa eskwelahang ito sa oras na masimulan ko na ang totoong laban. At ng makauwi na ako sa bahay,nagtatanong kayo kung paano ako nakauwi samin simple lang tinawagan ko ang butler ko na sunduin ako .At ng makauwi na ako sa bahay ko kaagad akong dumiretso sa kwarto ko at inopen ko kaagad ang laptop at nireseach ko ang pangalan ng babaeng yun .at ng makita ko . click.......... FILE OF GABRIELA PEREZ WAS BLOCKED what the fuck At ini isa isa ko lahat ng file ng babaeng yung at ang lumalabas ay .THIS FILE IS NOT SUPPORTED WTH! bakit ganon sino ka ba talaga Gabriela Perez at anu ang tunay mong pagkatao . Naalipungatan ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko ng tignan ko . Calling ..................Mark the playboy "oh anu" sagot ko " master " sabi nito sa kabilang linya ,na halatang nagpipigil ng tawa." anung nangyari sa sasakyan mo ,mukhang pinagsakluban ng lupa." sabi nito sabay tawa. kaya naalala na naman niya ang babaeng yun ,sa tuwing naalala niya ang ginawa ng babae na yun sa sasakyan niya naiinis siya. "gusto mo bang gawin ko sa sasakyan mo ang nangyari sa sasakyan ko ." sabi ko,kaya natahimik naman siya. "wala naman ganyanan master," mark Alexis POV Nandito na ako sa school maaga pa naman ,nauna na ako sa kanila dahil sabi naman daw ni red na magkikita kita nalang daw kami dito ,si red siya yung lider namin si Gabriela Perez,habang naglalakad ako merong akong nabangga na isang babae na mukgang clown ang itsura dahil sa kapal ng make up . " tumungin ka nga sa dinadaan mo " sabi nito "ha ako pa talaga ang hindi tumitingin sa daan " sagot ko naman kay agang aga meron ng nangbwibwiset sa araw ko , "alangan naman ako ,eh ikaw nga yung nakabangga sakin." aniya " nakita mo naman pala na magkakabanggaan tayo ,bakit hindi ka umiwas ,ang laki laki ng daan oh" sagot ko habang nginunguso ang malapad na daan. " so sinasabi mo na ako ang may kasalanan ha " sabi din nito "Oo" diretsong sagot ko " anong sabi mo" sasampalin niya na sana ako kaso ,mabilis kung napigilan ito " Don't you dare lay on your hand on my beautiful face ,you b***h ." "Dahil sa oras na lumapat ang kamay mo sa magandang mukha ko, hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."Alexis " pinagbabantaan mo ba ako ,ha" sabi nito " hindi kita binabantaan ,binabalaan lang kita."Alexis " kilala mo ba ako ,isa ako sa mga anak ng board of director ng eskwelahang ito,baka gusto mong mapatalsik sa eskwelahang ito." sabi nito na may pagmamalaki " well ,wala akong pakialam kung isa ka sa nagmamay ari ng eskwelahang ito,dahil dalawang salita lang naman ang pagkakakilala ko sayo at yun, yung instant perfect yung feeling never been kiss never been touch but totaly damage......get' s mo." sabi ko ,mukhang hindi naman niya yata na gets,dahil parang naguguluhan siya sa  mga sinabi ko,my gosh slow ba tong babae na to nakakaloka,hindi niya ba nakilala ang sarili niya ,mukhang loading ata kaya nagsalita na ako . " ang slow mo naman ,sarili mo mismo hindi mo nakilala." sabi ko " anong sabi mo " pagalit na sabi nito " sabi ko ang tanga mo naman ." sabi ko sabay walkout pero narinig ko pa siyang sumigaw " tandaan mo ang pangalang Crissandra Monteverde tandaan mo yang maigi dahil babalikan kita at maghihigante ako sa ginawa mong pagpapahiya mo sakin sa lahat ng tao at hindi lang ito ang gagawin ko sobra pa dito ." pagbabanta nito liningon ko naman siya at naglakad palapit." oh,I'm so scared"sagot ko naman na parang natatakot talaga ako " pasensiya ka na kasi makakalimutin ako pagdating sa pangalan ,dahil tanging natatandaan kulang kasi ang mga pangalan ng mga taong importante sa buhay ko ." sabay talikod sa kanya at naglakad na may ngising tagumpay , marami na palang nanunuod samin hindi ko napansin naka focus kasi talaga ako sa babaeng yun ,eh bakit nga ba ako nakafocus sa babaeng yung eh mukhang clown naman yun .Hindi ko napansin na nandito na pala ako sa tapat ng room namin kaya pumasok na ako at naupo na sa upuan namin ,at matutulog na muna ako tutal wala pa naman ang guro namin dahil maaga pa naman.nilagyan ko nalang ng earphone yung tenga ko dahil ayaw kung makarinig ng ingay at gusto ko ng music kaya magpapatugtog na muna .At ng ipiplay ko na sana ang music bigla nalang may kumuha ng isang earphone ko sa tenga kaya napatingin ako . ********* note********** vote naman kayo guys
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD