Kuya Rashid's jaw moved as he began speeding up and skillfully maneuvering the steering wheel.
"Kanina pa raw ito nakasunod, Sir." anang bodyguard sa front seat.
"Call the backup. Sabihin mo kay Riston na e-wala sila." Kuya's command was filled with control and authority. Para siyang isang baril na isang kalabit na lang ang kulang para pumutok but his demeanor was still calm and lean.
"Kuya, ano'ng nangyayari?" I called his attention again.
"Nothing, baby. Please don't worry or probe too much. Makakasama 'yan sa 'yo." tanging sagot lang niya. He looked at me in the rearview mirror again and I noticed how his expression softened.
Kumunot uli ang aking noo. Here is it again. He's treating me too much like a very fragile glass. "Nothing? Eh, bakit nga may nakasunod? Ano raw ang kailangan? May kaaway ka ba sa trabaho?" I probed more and my heart is starting to pound.
"Please, Luna. I don't want you to overthink things now. It will be bad for you. We'll talk about this tomorrow. I promise you that. Sa ngayon pansamantala ay mag check-in na lang muna tayo sa hotel, please." aniya.
What?!
I almost shouted at him pero pinigilan ko ang aking sarili. "What about our house in Alegria?" halos magpuyos na ako sa matinding emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Akala ko de-diretso na kaming Alegria kapag nakalapag na kami sa Mactan International Airport.
My son shifted on his position. Napayuko ako para tignan kung nagising ko ba siya pero buti na lang ay natutulog pa rin.
Napapikit ako ng mariin at pilit na kinalma ang sarili. "Bakit ngayon mag che-check-in na tayo sa isang hotel?" kalmado ngunit may halong frustrasyon sa aking boses.
"I promise I will explain everything to you when the right time comes. Ngayon kakawala muna tayo sa kanila. You should not be caught like this." makahulugang anito. He was still speeding up the car.
Halos maputol ang aking litid sa sobrang frustrasyon at pagkalito. I felt a sharp pang of pain in my head. The throbbing pain began piercing. Parang may kung anong mapupunit sa loob ng aking ulo. Hindi ko napigilan ang pagsigaw at paghagulgol sa sobrang sakit.
"f**k it! Luna!" I heard Kuya Rashid's unstoppable cursing and my son's cries before I finally lost my consciousness.
"I can't believe it, how did I come to love you?"
"Even if we're both chained to each other you're still someone whom I can't have."
"Balang araw..."
"Dadating ang araw na mararanasan mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon."
Napasinghap ako at napabangon sa kama. Dinama ko kaagad ang ngayong naghaharumentado kong puso. Malamig ang kwarto ng hotel na kasalukuyang tinutuluyan namin pero may mga butil parin ng pawis ang aking noo. I'm dreaming of him again. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa aking mata. Seriously? Who is he that I'm being like this?
I was immediately sedated after having that intense fainting ritual awhile ago. Sa halip sa nakasanayan ni Kuya na isugod ako ng hospital kapag nangyayari 'yon sa 'kin, ngayon ay dineretso niya ako sa isang hotel at dito na lang nagpatawag ng Doctor.
Hindi ko pa alam ang rason ni Kuya pa tungkol sa mga nangyayari. I'm thinking thar this is something about business.
The doctor also told me that I was just mentally tired and that headaches will be happening a lot of times since Cebu might become a great trigger to bring back some fragments of my lost memories.
Nilingon ko ang anak kong mahimbing pa rin na natutulog sa aking tabi. Tinitigan ko ang inosente at maamo nitong mukha. He always reminds me of someone. Bumuntong hininga ako at sinubukan uling matulog pero ilang minuto lang ay napagdesisyonan ko na lang na bumangon. I can't sleep with ease plus my jetlag is striking again.
Alas nuwebe y medya pa lang nang gabi pagtingin ko sa orasan ng aking cellphone. Nasa kabilang hotel room si Kuya Rashid. I am also certain that his guards are all alert and guarding around the hotel's vicinity. Hindi ko alam kong ano'ng klaseng banta ang naghihintay sa 'min at ganito ang kinikilos ni Kuya. My first step here in Cebu seemed troublesome.
Tumawag na lang din ako sa hotline ng hotel para magpadeliver ng pagkain. I'm hungry. Hindi na kasi ako nag abala pang kumain ng dinner kanina sa sobrang pagod at frustrasyon. While waiting for the food, I took the chance to take a warm bath to enlighten my mind.
Alam kong makakasama sa 'kin kung masyado kong papagurin ang sariling utak sa pag-iisip pero napakaraming tanong na bumabagabag sa akin ngayon. There are so many questions haunting me all the time that my curiosity and desperation would cause me harm and pain. Nilubog ko ang aking katawan sa Jacuzzi. The warm water somehow comforted me. I closed my eyes and held in my breath.
Sakto nang matapos ako ay nakarinig na ako ng door bell. The food is probably here. Mabilis kong isinuot ang bathrobe at lumabas na ng banyo.
Nagtungo agad ako sa may pintuan at pinagbuksan ang nag doorbell. Pero biglang nablangko ang mukha ko ng bumungad sa akin ang isang lalakeng nakasuot ng puting polo at itim na slacks, nakatupi ang sleeves nito hanggang braso. Magulo ang kulay tsokolate niyang buhok at mapupungay ang kulay itim nitong mga mata na nakatingin sa akin. Napakurap muna ako bago sinalubong ang mga titig niya. "Uhm, I-I'm sorry? Anong maitutulong ko?" hindi ko maiwasang ma-utal dahil sa klase ng titig niya. His intense eyes is sending me shivers.
Napaatras ako nang unti-unti siyang humakbang patungo sa 'kin.
Hindi kumawala ang mga titig niya mula sa aking mga mata. Pangungulila, lungkot, takot, galit...
I can sense all those mixed emotions from his gazes. Hindi ko na lang din namalayan na sa pag-atras ko ay pareho na kaming nakapasok sa loob ng hotel room ko.
Napakurap na lang uli ako nang marahan niyang sinipa ang pintuan para masarado ito.
"H-hey!" panic suddenly enveloped my whole being.
"Where is it?" biglang sambit niya. His husky voice filled the room.
Napakunot ang noo ko. "H-hah?"
"A-ang alin? E-excuse me, Sir. I think mali ang-"
Napatalon ako sa sobrang gulat nang bigla niyang hinigit ang magkabilang braso ko. Pumikit ako ng mariin nang walang pasabi niya akong naisandal sa pintuan.
I shiver when I felt his hot breath near my neck.
"Give it back to me," he whispered hoarsely.
Dahan-dahan kong ibinuka ang mata ko. I met his eyes. Kumikislap ang mga ito. I instantly felt butterflies on my stomach at parang kakawala na ang puso ko mula sa aking dibdib sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
"W-who are you? Anong ginagawa mo rito sa hotel room ko?" I finally asked him with courage. Nagpumiglas na ako mula sa pagkakahawak niya. Hindi ako sumigaw. I thought of Sean. Kung mamamatay tao man ang lalakeng ito, dapat protektahan ko ang anak ko.
"Umalis ka rito! Nagkamali ka lang ng kwarto." pagpupumiglas ko, naiiyak na dahil sa sobrang kaba.
What the hell? Nasaan na ang mga bodyguards ni Kuya Rashid?!
Napasinghap ako ng walang pasabi niyang nahapit ang aking bewang bago niya ako marahas na siniil ng halik. Tila sabik na sabik. Naamoy ko agad ang alak mula sa kanyang bibig. s**t! He was trying to open my mouth but I did my best not to give him any access. Bigla ay naramdaman ko ang pag-gapang ng kamay niya sa aking dibdib. Pinisil niya ito dahilan para mapasinghap ako sa gulat. He grabbed that opportunity to immediately gain access to my mouth. His tongue immediately delved inside my mouth. I struggled from his hold. Nagsimula na ring manlambot ang aking tuhod. I was about to fall down on my knees but he held me in place.
Damang-dama ko na ngayon ang init ng katawan niya na nakahagod sa 'kin.
Hindi na ako nakapiglas pa dahil inipit niya ang magkabilang binti ko sa sarili niyang mga binti at ang magkabilang kamay ko naman ay mahigpit niyang hinawakan.
I bit his tongue in so much desperation and disgust. He instantly groaned and pulled away from the kiss. Pareho kaming hinihingal nang bumitaw na siya sa halik. Tinitigan ko siya nang masama. For a minute hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakatitig sa akin at halos lahat ng sulok ng mukha ko ay pinasadahan niya ng tingin. This man is nuts!
Nanginginig ang mga labi ko at sobrang lakas ng kabog ng aking puso at hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na dapat kong gawin.
I instantly flinched when his hand reached my face. Pinunsan niya ang tumutulong luha sa pisngi ko. "I need it right now... Sheena..." bulong niya. "Give it back to me," usal niya uli.
Nanlaki ang aking mata at sinalubong ang matiim niyang titig.
Sheena?
My stomach almost flipped and my heart felt like it was about to get out of my rib cage. The name rings a bell.
Naningkit ang aking mga mata at tinitigan ang bawat sulok ng kanyang mukha. "W-who..." I let it trail off. "...are you?"
Hindi niya ako sinagot sa halip ay inipit niya sa aking tenga ang iilang mga hibla ng mamasa ko pang buhok na tumatabon sa aking mukha.
He leaned again and I felt his hot breath on my ear.
"You stole it from me two years ago. Give it back! I want that back." he murmured. His left hand grabbed my left hand. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.
"I miss you," he whispered audibly.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
"I missed your scent, your hair, your voice... Everything about you.”
“Come with me. Let’s go home, please." anito at mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay.